Chapter 2: Unfamiliar
Ant
"Kaapu-apuhan ka ni T-Thario?"
"Oo. Ulet ulet?"
Tss. Ang sungit nagtatanong lang naman. Ang hirap kayang i-absorb nung mga sinasabi niya! Siya? Kaapu-apuhan ng diyos namin? Edi diyos din siya? Pero hindi daw eh. Paano kung oo? Hay nako! Mababaliw na 'ko kakaisip.
"Can't you see? That meeting was useless. May nalaman ba tayong importante sa bawat isa? Wala hindi ba? Kung hindi pa 'to nangyari hindi pa natin malalaman," mahinahong pahayag ni Jai na ikinayuko namin. Tama siya. Nagpaganun pa eh wala rin namang nangyari. Ginawa lang namin 'yong laro.
"Juno Min. 20 years old. Precognition is my special ability. My ancient weapon is Frosting Shuriken. I'm a virgin."
Napaubo naman kaming lahat sa sinabi niya. Walang hiya talaga 'tong babaeng 'to. Ano ngayon kung birhen pa siya? Pati ba naman 'yon kailangan namin malaman? Pero sige. Impormasyon 'yon tungkol sa kanya kaya ayos na din. Birhen pa pala 'tong Beta ko hehe.
"Angelo Evans. 21 years old. My special ability is Astral Projection and my ancient weapon is Blazing Shuriken. A virgin too."
Nagtawanan naman kami sa sinabi nito. Parehas sila ni Juno ng ancient weapon, parehas din silang virgin, bagay! Bagay na bagay!
"Eros Dizon. 22 years old. Shape-shifting is my special ability and my ancient weapon is Haladie. May balat akong kulay pink sa likod ng tenga, heart-shaped siya."
HAHAHAHAHAHA! Lintek! Angas ng birthmark lakas makagirly. Heart na pink. Pft!
"Jaishin Wood, 21. My special ability is Enhanced Memory and my ancient weapon is Curving Sword. My parents suggested that I should get married, and I thought of someone pero binawi ko rin naman agad."
Eh? Napanganga kami sa sinabi niya. Una doon sa ancient weapon niya. Tapos ngayon sa little secret niya. Jusko Jai 'wag! Huwag kang magpakasal!
"Grant Joseph Cosmi, 23. Telepathy is my special ability and Katana is my ancient weapon. I'm not a virgin anymore."
Wait! HAHAHAHAHA! Sakit sa tiyan. Kung yung dalawa kanina, pagiging birhen ang sikreto, eto naman, ang pagiging hindi.
Nang walang nagsalita ay umubo na ako at nagsalita.
"Johan Anthony Villacorta. 21 years old. My special ability is Invisibility and my ancient weapon is Frosting Haladie, which can make you paralyze. My little secret is, I was deflowered when I was 15."
"Hindi na nakakagulat."
"15 amputa."
"Malibog talaga ang isang 'to."
"Siguro ginagamit niya yung ability niya para makapamboso."Napanguso naman ako. Ang sama nila sa'kin! Bulong bulong pang nalalaman halata namang pinaparinig rin nila!
"Hoy baket?! Anong problema niyo kung hindi na 'ko birhen sa murang edad? Saka hindi ko kailangang gamitin ang ability ko para makapangmanyak 'no! Sila ang kusang nalapit sa'kin!"
"Yabang amputa!"
"Tsk tsk."
"Ang hangin."
"Biglang lumamig! Geez."Tignan mo ang sasama ng ugali. Masama na ba ngayong magsabi ng totoo? Tss. Tinignan ko na si Duke at sinenyasan para matigil na ang pambubully nila sa akin.
"Duke Rafael Holt, 21. Possession is my special ability and my ancient weapon is Blazing Katana. I want to kill someone right now."
Napatawa naman kami. Alam namin kung sino ang tinutukoy niya.
BINABASA MO ANG
The Packs
RandomThe wolf packs from the North, East, South, and West will face their greatest enemy. Let us all witness their journey in war, power, strength, friendship, and love. Werewolf / Romance Started: 4/26/2020 Ended: / /