Chapter 26

1.1K 37 2
                                    

Third person P.O.V

Sa unang pagkakataon ay lumabas na ng kwarto si lyrae, magdadalawang araw na syang walang kain kaya naman hindi na nya matiis na hindi kumain

Pagkababa nya ay wala na ang mga magulang nya at tanging ang kasambahay nalang ang nandon na nag wawalis

"Ay mam!" Nagulat ang kasambahay dahil ngayon nya lang din nakita ang dalaga

"Mam kain na po kayo" pumunta naman ng kusina ang kasambahay para maghain ng pagkain at si lyrae naman ay umupo na sa hapag kainan

Maya maya ay pumunta na ang kasambahay na may dalang mga pagkain...sobrang dami nito

"Sabayan mo na ko" pag aaya naman ni lyrae kay cindy kaya naman dali daling kumuha ng plato nya si cindy at sumabay na kumain

Napansin ni cindy na hindi nagsasalita si lyrae at mukhang malungkot...di nya maisip kung ano ang pwedeng problema nito

"Mam? May problema po ba kayo?"

Napatigil naman sa pagkain si lyrae at tumingin sakanya, medyo kinabahan si cindy dahil akala nya ay magagalit ito sakanya

"Yes.....Im getting married" simpleng sagot ng dalaga na kinagulat naman ni cindy

"Talaga mam?! Ang swerte naman ng mapapangasawa nyo kasi ang ganda nyo tapos ang seksi tapos-"

Hindi natuloy ang pagsasalita ni cindy ng seryosong sumagot si lyrae

"Its an arrange marriage" seryosong sagot nito

Hindi naman makasagot ang kasambahay, hindi nya alam na ganon pala ang pinagdadaanan nito kaya nagkukulong siya sa kwarto

"Nako mam sorry ha" hindi nya alam kung tama bang pinaguusapan nila to ngayon

"No need to be sorry" tinignan naman nya ang kasambahay saka nginitian

"Ayaw nyo po ba sa pakakasalan nyo?"
Dala ng kuryosidad ay natanong ito ng kasambahay

"Hindi ko pa sya nakikita...all i know is his name"

Nakaramdam naman ng awa ang kasambahay kay lyrae...nung una kasi ang alam nya sa mga mayayaman ay puro pasarap lang sa buhay at walang iniintinding problema hindi nya alam na meron din palang pinagdadaanan ang mga ito tulad ni lyrae

"Baka naman po matutunan nyo din syang mahalin" sabi naman ni cindy

"I have a boyfriend...and wala pa syang alam sa nangyayari"

Nagulat si cindy at napaisip na kung yung lalaki bang pumunta kahapon ay yung nobyo nito

"And sya yung nandito kahapon" tuloy naman ni lyrae kaya napatango nalang si cindy

"Mam? Kausapin nyo po kaya sya...alam ko pong lahat ng bagay nadadaan sa mabuting usapan"

Napayuko naman si lyrae dahil kahit gustong gusto nyang kausapin si clyde ay di nya magawa dahil hindi nya alam ang magiging reaksyon nito

"Thats the problem...i dont know kung pano ko sya kakausapin"

Natatakot si lyrae na baka pag sinabi nya ito kay clyde ay pilitin sya ni clyde na lumayo at tumakas dahil alam nya sa sarili nyang hindi nya ito kayang gawin dahil hindi nya kayang iwan ang mga magulang nya at hindi pa nya nagawang sumuway sa gusto ng mga to

Napatingin naman si lyrae sa cellphone ng bigla itong nag ring at nakita nyang tumatawag ang mama nya

[lyrae? Kumain ka na ba?]

My Professor is my EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon