Chapter 27

1K 34 8
                                    

Third person P.O.V

"Mam pano yan wala kayong damit?" Sabi ni cindy pagkadating nila sa bahay

Imbes kasi na makabili si lyrae ng damit ay si cindy nalang ang nabilhan nya

"Okay lang, meron naman akong ibang dress na hindi ko pa nagagamit, nakatago lang sa closet"

Pumunta na si cindy sa kusina at si lyrae naman ay umakyat na ng kwarto nya

Pagka dating nya sa kwarto ay meron syang nakitang box at may papel dito at may nakasulat
''itong dress yung gamitin mo mamaya -mama''

"Cindy! Cindy!" Sigaw naman ni lyrae

Dali daling umakyat si cindy sa kwarto
"Po mam? Anyare?" Hinihingal pa si cindy dahil sa pagtakbo

"Meron na kong dress, galing kay mama"

Lumapit naman si cindy sa box at tinignan ang nakasulat "buksan mo na mam!" Excited naman na sabi ni cindy

Kaya naman tinanggal na ni lyrae ang takip ng box at inilabas nya dito ang napakagandang blue dress at maraming cystals na nakakabit dito, itsura palang ng damit ay halatang mamahalin na

"Wow mam! Sobrang ganda!" Patalon talon pang sabi ni cindy pagkakita ng dress

Napatigil sa pagtalon si cindy ng biglang may nag doorbell
"Ay mam, pupuntahan ko lang po ha" at saka umalis na si cindy

Pagkabukas ng gate ni cindy ay nagulat sya ng makita si clyde

"S-sir, a-ano pong ginagawa nyo dito?"
Ngunit hindi na sya pinansin ni clyde at dali dali ng pumasok ng bahay kaya naman hinabol din nya to

"Lyrae? Lyrae!?" Sigaw naman ni clyde pagpasok nya ng bahay

"Nako sir..." nagaalangan naman si cindy

"Where's lyrae?" Humarap naman si clyde kay cindy

Ngunit hindi pa man nakakasagot si cindy ay umakyat na si clyde para pumunta sa kwarto ni lyrae kaya naman sumunod nalang sakanya si cindy

"Lyrae" tawag ni clyde kay lyrae na ngayon ay suot suot na ang dress na gagamitin nya mamaya

"C-clyde?" Nagulat naman si lyrae kaya naman napatingin sya kay cindy para magtanong kung anong ginagawa ni clyde dito pero nakayuko lang ito

"Can you leave us for a moment?" Baling naman ni clyde kay cindy kaya naman tumango ito

Pagkalabas ni cindy ay sinarado ni clyde and pinto ng kwarto at tumingin ulit kay lyrae

"Ayun ba lyrae? Yun ba yung dahilan kung bakit mo ko iniiwasan?" Seryosong sabi ni clyde habang nakatingin kay lyrae kalmado pa ang boses nito

"C-clyde, i..i-" nagsimula ng umiyak si lyrae at hindi nya magawang tignan si clyde

"You're getting married? Huh?! Answer me!" Nakapamewang si clyde habang nakatingin kay lyrae pero si lyrae ay hindi magawang tignan sya

Hindi alam ni clyde kung ano ang nararamdaman nya ngayon kung magagalit ba sya o ano

"I d-dont want to get married clyde! Its an arrange marriage!"

Hindi din naman ginusto ni lyrae na makasal sa taong di nya kilala at wala syang magawa dito dahil hindi nya kayang suwayin ang mga magulang nya

"Then sana sinabi mo man lang sakin! Para hindi yung iniiwasan mo ko ng hindi ko alam kung bakit!!" Napahawak sa sentido nya si clyde

"I-im sorry, di ko lang talaga alam gagawin k-" napatigil si lyrae ng biglang suntukin ni clyde ang pader

My Professor is my EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon