Kabanata 7

206 70 13
                                    

Dedicated to: Aston Archuello Greco

"Lying"

Null, void, and empty
Through shattered glasses I see you staring
I'm happy
The moment I said I am, I'm lying

Can I hold your hands? Perhaps, just for a little while?
I'm lonely
I want to write my own reason to smile
Please save me

Cold, dark, and bitter
A tinge of melancholy lingered in my mouth
Can we flee into the abyss of self-destruction together?
My emotions ran away from me, I wanna shout

I'm still waiting
You're not in front of me
But why is your ink fading? Why are you withering? Why am I always lying?
Why can't fate let us be?

Cassandra San Diego's note on the lower side of the poem: If only I could write your name beside mine on the stars...

..........

Namamangha kong pinagmasdan ang makulay at masiglang isla. Kahit nasa port pa lang kami ay kitang-kita na mula sa himpapawid ang mga lanterns na pinapalutang ng mga mamamayan.

"May kasiyahan?" tanong ko kay Aston pagbaba namin ng barko pero tila hindi niya ako narinig at seryosong nagmamasid lang sa paligid.

I asked that for the sake of a conversation but he ignored me anyway, making me more uncomfortable about him.

"Ah opo Señorita, sa susunod na linggo ay ang ika-limampung kaarawan ng ama ni Señorito Aston, ang pinuno ng islang ito, si Señor Maximillian Greco," sagot ni Amir sa akin nang hindi talaga pinagtuonan ng pansin ni Aston ang tanong ko.

Bahagya akong nabigla sa impormasyon na nalaman. Alam kong mayaman si Aston pero hindi ko inakalang anak pala siya ng isa sa mga namumuno sa apat na isla.

Napahinto kami nang sa unahan ay tila may komosyon.

"Hindi kailanman nagpatawag ng pagpupulong ang siyang pinuno ng labing tatlong mga pirata kaya hindi kayo makakapasok," madiing sabi ng isang kawal na isa sa mga nagbabantay sa daungan.

Nakahalukipkip sa harap niya ang isang matangkad na babaeng kung titingnang mabuti ang kasuotan ay gaya ng mga pirata at tila ito pa ang pinuno ng barko nila.

Nasa likod ng babaeng pirata ang mga nasasakupan niya, kung titingna'y mababangis at matatapang na kalalakihan.

Kaya kung sakaling siya ang kapitan ng kanilang barko, ay sadyang nakamamangha ang katauhan niya. Paano niya napapasunod ang mga ganitong kalalakihan?

"Elizabeth, ano na namang kaguluhan 'tong ginagawa mo?" Lumapit si Aston sa banda nila, sumunod si Amir kaya wala na akong nagawa kundi sumunod na rin.

Kilala ni Aston ang babaeng pirata?

Noon ko lamang maayos na napagmasdan ang babaeng pirata at napaawang ang bibig sa labis na gandang taglay niya.

Seriously? Pirata siya? Pino, makinis, at maputi ang kanyang balat na tila walang gasgas. Ang pisngi at labi ay malarosas na maamo ang detalye ng mukha ngunit ang mata'y nagtataglay ng katapangan.

Into ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon