Kabanata 40

144 9 2
                                    

Schizophrenia...

I never really thought that I was one of the few that have suffered from it.

Minsan napapatanong ako, bakit ako pa ang nagkaroon nito?

Pero tuwing naaalala ko ang pakiramdam ng mga memoryang iyon, wari bang hindi ko ito pinagsisihan kailanman.

Ilang buwan akong nagdusa, nakatulala lang at umiiyak. Paano ko bibitawan ang mga alaalang pinaramdam ako kung paano mabuhay?

Paano ko siya mabibitawan?

Masakit. Para bang kada segundo ay paunti-unting nagkakaroon ng tipak ang puso ko, ang buong pagkatao ko.

Hindi madali para sa akin ang lahat. Mahirap umusad at pakawalan ang mga alaalang iyon. Mahirap siyang kalimutan, mahirap palayain ang mga alaala naming malaki ang puwang sa puso ko.

Pero ang mas masakit sa paglimot at pagpapalaya? Ay ang katotohanang hindi siya totoo, at hindi kailanman magiging totoo...

Ilang buwan akong nangangapa sa dilim, tanging kalungkutan ang kadamay ko sa mga oras na iyon.

Pero kagaya ng pag-usad ng panahon ay kailangan ko ring makasabay. Hindi ako maaaring manatiling nakakulong sa mga alaalang binuo lamang ng ilusyon.

Wala akong magagawa. Malayong-malayo ang agwat naming dalawa. Siya sa mundo ng imahinasyon, at ako, nasa masaklap na realidad at kailangang umusad.

Kaya dapat unti-unti at dahan-dahan nang bitawan kahit ang ibig sabihin ng pagpapalayang ito ay ang paglimot ko sa pakiramdam ng totoong mundo.

Yes, a year has passed and I am now slowly recovering from Schizophrenia by the help of continuous therapy, family, a few friends, and my little fur baby, Moggy.

Well, wala naman talagang gamot sa sakit na ito. I'm not completely healed. It's just that I stopped having too many delusions and hallucinations now. Minsan na lang nangyayari sa akin at hindi na ganoon kalala.

At ang mga alaalang pinakawalan ko? Nagmistulang makapal na hamog na lamang. Hindi ko na makapa, hindi ko na makita, hindi ko na siya maalala.

All that it has become is a blurry memory, sinking into depths of oblivion.

At sa pagkakataong nakalimutan ko iyon, pakiramdam ko may kulang sa akin na kailangang kong punan pero hindi ko malaman-laman kung ano.
At ngayo'y binalikan ko na ulit ang buhay na naiwan ko noon.

Nagtatrabaho ako noon bago pa ang lahat ng nangyari sa isang health charity sa maliit na ciudad sa amin.

Health charities cover everything from supporting and treating the sick and disabled, working on possible cures for diseases, and includes promoting public awareness of specific health risks.

It's ironic how I worked to promote awareness about the risks of mental health but I wasn't aware of my own.
Brain is the most complex thing. Our mental health is vital and we'll never really know when it's failing us unless we seek professional help.

May maliit na ngiti ang pumaskil sa labi ko nang maalala ulit na masuwerte pa rin pala ako, nalagpasan ko ang lahat dahil sa tulong ng mga taong malalapit sa akin at sa tulong na rin ng mismong sarili ko.

I thought I'd forever be lost. Well, I think I am still lost right now but I am slowly trying to find my way back.

At ngayo'y determinado at matapang ko nang haharapin ang panibagong umaga.

Kaagad akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Nang napasulyap ako sa alarm clock sa bedside table ay mapanuya na lang ako napatingin dito. Naunahan ko na naman ito sa paggising. Alas cuatro pa lang naman ng umaga pero kailangan ko nang bumangon para maghanda sa trabaho.

Into ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon