Kabanata 30

96 15 0
                                    

Dedicated to: Aston Archuello Greco

"How can you be?"

Things are wonderful,
How can you be?
Spectrum of words that are colorful,
It made up the story of you and me

This rhythm doesn't exist,
How can you be?
Papers that are inked and kissed
It made up the story of you and me

You are a lie,
How can you be?
Echoes from painful cries,
It made up the story of you and me


Cassandra San Diego's note on the lower side of the poem: You're not real, you don't exist. How can we be?

..........

Nang nakauwi na kami sa Isla Alfuerro ay sobrang tahimik at tamlay ng dating masiglang sentro at nagkalat ang mga unipormadong mga guwardiya, nagroronda.

Pati sa mga lagusan na maaaring pasukan ng kahit na sino mula sa labas ng Isla Alfuerro ay mas pinaigtingan ang seguridad.

Napag-alaman kong ang putukan palang nangyari noong nakaraan ay pakana at paraan ng grupo nila Elizabeth para madukot ako.

Pero hanggang ngayon ay nakakapagtaka pa rin, may atraso si Elizabeth at ang kanyang mga kasamahan sa Isla Alfuerro, paanong hindi pa rin sila hinahatulan ng konseho ng kung anong nararapat sa kanila?

Atsaka pumasok sa isipan ko ang kasunduan nila ni Aston. Natural lang naman siguro na pinoprotektahan niya ang kapakanan ni Elizabeth dahil may pinagsamahan sila at posibleng may nararamdaman pa siya.

Ang tunog ng kalesa sa mahaba at walang katao-taong kalsada ay siyang nagmistulang tanging ingay sa daan.

Isang araw sa isang tahimik na agahan ay ginulantang kami ng sigaw ng isang katulong mula sa labas ng mansiyon.

Nang lumabas kami ay bumungad sa amin ang duguan at patay na abuhing ibon sa paanan niya, isang kalapati.

Everybody knows it, that that dead pigeon in front of the mansion is a dark reminder. Isang babala ng kung sino na nais nitong iparating kay Aston.

Aston then squatted in front of the dead gray pigeon, he got something from its claws, after reading the message that the bird brought, his jaw clenched and started gathering his men with urgency.

Kaya ang payapang agahan ko'y naging pakiramdam ng pagkabalisa. Nandito na naman ang pakiramdam na may masamang mangyayari.

I went to the kitchen to calm myself with a glass of water, two house helpers were there talking about something.

"Nakita mo 'yon? 'Yong kalapati? Usap-usapan ng ibang kasamahan natin dito ay isang mensahe daw iyon galing kay Albus Haldagon."

"Ano ka ba! Noon pa naman talaga may hidwaan na sa pagitan ni Señorito Aston at Albus Haldagon kaya hindi na nakapagtataka. Ngayon lang lumala!"

"Paano na ngayon? Kung madamay pa ang buong Isla Alfuerro?"

"Hindi, hindi madadamay ang buong Isla Alfuerro. Tinanong ko si Dante at sabi niya ang mensahe raw ay isang hamon para lang kay Señorito."

"Kaya hinahanda na ni Señorito ang mga tauhan? Para sa isang laban sa pagitan lang nila ni Albus Haldagon?"

"Oo! Labis na ang takot ko para kay Dante!"

Nag-uusap silang dalawa habang inaayos ang mga plato at kubyertos sa lalagyan, ni hindi nila napansin ang pakikinig ko. Napakunot ang noo ko sa mga narinig mula sa kanila.

Into ExistenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon