Chapter 02 Childhood Sweethearts

36 1 0
                                    

Naglalakad kami papuntang cafeteria, hindi ko nga alam kung pano niya ko napapayag eh. Pero masaya ako at nakakilala yata ako ng bagong kaibigan sa katauhan ng lalaking ito.

Pagkaupo namin sa pinaka sulok ng cafeteria, nagpakilala siya at inabot ang kamay sakin.

"Prince Yohann Ferrer pala, ikaw anong pangalan mo?"

nung narinig ko yung pangalan niya, parang may kakilala ako na ganun yung pangalan. It sounds really familiar.

"ahh, ako naman si Sophia Snow Enrique"

woah, nakaka-akward naman siya tumingin. Parang balak akong tunawin.

tapos maya-maya, waahhh!!!! nakatingin na siya sa dibdib ko, ito na ba yung mga napapanood kong palabas kung saan ang inosenteng tulad ko ay pagsasaman......

"kuya, wag po" mahinang bulong ko

"huh? anong sabi mo ?" 

(?o?) yan mismo yung reaction niya

ako naman napatakip sa labi ko at sinubukang hampas-hampasin yung ulo ko.

"tss, tanga,tanga" mahinang bulong ko sa sarili

"ah, ah, w-wala akong sinabi "yaahh, napahiya ko dun ah

"nasayo pa pala yang kwintas na yan" 

sabi niya sabay turo dun sa kwintas na suot kong maypendant na princess figure.

"ah, oo-teka, alam mo ba tong kwintas na t0? I mean pano mo nalaman ang tungkol sa kwintas ko?" 

nagulat ako na parang alam na alam niya yung about sa kwintas ko. Pano?

"nakalimutan mo na ba to?" sabi niya habang tinatanggal niya yung butones ng polo niya.

wag mong sabihing maghuhubad siya sa harap ko <3o<3

"eto oh"

"pinsan"

then nag chuckle siya

"hanggang ngayon ba naman eh pinsan pa rin ang bigkas mo sa pangalan ko"

tapos tumawa nanaman siya

"waaah! ikaw nga yan. Pero wag ka, long time no see, PRINCE YOHANN" sabi ko ng very proud w/ matching taas noo.

"good, I mean very good. hindi ka lang gumanda natuto ka na ring magsalita ng tuwid, hahahaha" sabi niya tapos pi-nat niya yung ulo ko, eh?

"ang mean mo, so ibig sabihin panget ako nung mga bata pa ba tayo?"

'Snow White' and the 7 lovely hunksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon