• Last Chapter •

4.5K 146 248
                                    

Last Chapter

Sarine Chiara Tiangco

Breathe in.

Breathe out.

Kaya ko 'to. Para sa future.

Inayos ko ang bangs ko bago ako tuluyang pumasok sa matayog na building ng SRZ Co. I'm not really sure if they would accept me here or not dahil hindi ako nakatapos ng college. I was already on my fourth year of college, but I had to stop.

Hindi dahil gusto ko, pero dahil wala akong choice. Gustuhin ko man na makatapos, dahil last year ko na... wala akong magagawa. Naaksidente ang mga magulang ko dahil nabangga sila ng truck, namatay sila dahil doon kaya ako na lang ang naiwan mag-isa.

Lubog pa ako sa utang, dahil ginawa ko ang lahat para mabuhay ko si Mama. Si Mama na lang kasi 'yung may chance pang mabuhay nung dinala sa ospital. Si Papa naman, dead on arrival. Pero wala... gusto na ata ni Mama na makasama si Papa.

Kaya naiwan akong mag-isa. This is the first company where I would apply. Alam ko namang kayang kaya ko ang interview, dito ko nga balak magtrabaho pagka-tapos ko ng college. Kinakabahan lang ako kasi nga hindi naman ako tapos ng college.

Nagpunta na ako sa HR ng company. Tinuro 'yon sa akin ng babaeng nasa front desk. Sobrang mangha pa nga ako sa building ng SRZ Co., sobrang sosyal talaga.

"Ms. Sarine Tiangco?"

Tumayo na ako at pumasok sa room. May dalawang babae sa office. Sila siguro ang mag-iinterview sa akin.

Umupo na ako sa designated seat para sa interviewees nila. Hawak hawak ko ang resume ko at ramdam ko nang bahagyang nanginginig ang kamay ko dahil sobrang lamig dito sa room.

I was wearing a pencil skirt, kaya lamig na lamig na ang legs ko.

"Resume?" sabi ng babaeng naka-upo sa gitna.

Ngumiti ako bago tumayo at ini-abot sa kanya 'yon. She scanned it before putting it down. "Let's wait first for Mr. Suarez," she said.

Nanlaki ang mata ko.

Huh?

Ibig sabihin 'yung boss ang mag-iinterview sa akin?!

I sighed. Paniguradong hindi ako matatanggap kasi hindi naman ako college graduate... syempre 'yun ang boss, for sure mataas ang standards niya.

I heard the door clicked open. Sabay sabay kaming napatingin sa pumasok na lalaki. Naka-shades siya at naka-white polo na nakatupi hanggang siko niya.

Oh... my.

Siya ba si Mr. Suarez?!

Bakit mukha siyang artista?!

Umupo siya sa upuan na katabi ng babaeng nasa gitna. Slowly, he removed his shades and like a scene from a movie, our eyes met.

Oh, my gosh! How could someone look this good?! Seryoso ba 'to? Tao ba siya? Kaya naman pala ang daming gustong mag-apply dito! Kung ganyan ba naman ka-gwapo ang boss mo, araw araw ka talagang sisipagin pumasok.

Kinuha niya ang resume ko at tiningnan 'yon. Nakakainis, dapat ginandahan ko ang picture ko na two by two! Tiningnan niya ako. "Sarine Chiara? Did I say it right?" he asked.

Tumango ako. "Yes po, Sir."

"Tiangco? Chinese?"

Tumango ulit ako. "I'm half-chinese, Sir."

He nodded.

"You never finished college?"

Napapikit ako. Ipagdadasal ko pa sana na huwag niya na mapansin, pero wala na... nakita niya na. Ngumiti ako. "Hindi po, Sir. Pero I'm already on my last year when I stopped. Thesis na lang and OJT, Sir."

'Di MakitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon