Stolen Rose (Part 2)

25 12 1
                                    

Alicia Grey’s Point of View

Dalawang buwan na simula nung car accident ni Elise. Pinagmamasdan ko parin ang maamo niyang muka. Nakarecover na siya sa plastic surgery niya. Naghilom na ang mga sugat nito.

Sana ay magising na siya, Miss na miss ko na ang anak ko.

“Hon, kumain ka muna” ani ni Louise

“Di pako gutom Hon, ibaba mo nalang diyan mamaya ko kakainin”

Hinawakan ko ang kamay ng anak ko. Naramdaman ko itong gumalaw. Kaagad akong tumingin sa muka niya para tignan kung nakadilat naba ito.

“Elise” tawag ko sa pangalan niya, napatingin naman agad si Louise at lumapit sa amin

Ginalaw na naman niya ang kanyang hintuturo.

“Hon,tawagin mo ang doctor” kaagad naman itong sinunod ni Louise

“Elise” masayang tawag ko sa anak ko “Elise” unti unting dumidilat ang mata niya “Elise, anak” natutuwa ako sa nakikita ko

Dumating na ang doktor at kaagad nilang chineck si Elise, ang paghinga nito ang dugo nito at ang response nito

Inabot ng ilang minuto bago matapos ang masuring pagchecheck kay Elise.

“Okay naman po ang breathing niya, wala naman po kaming nakitang complications sa kanya, sa ngayon po ay imomonitor po natin ang lagay niya, para makapagsimula na tayo sa pagbabalik sa normal ng  physical health niya”

“Ano ano po ang mga iuundergo niya?”

“Normal exercise lang naman maam, like walking”

Natutuwa ako na nagising na siya, Makakapagsimula na ulit kami ng panibago naming buhay. Sa ngayon ay kailangan niya munang malaman na kami ang mga magulang niya.

“Elise can you hear us?” masayang tinig ni Louise “Can you move your finger if you can hear us?”

Ginalaw ni Elise ang kanyang hintuturo. Napangiti kami dahil nalagpasan ni Elise ang lahat ng pagsubok na dinanas niya, bilib na bilib ako sa anak ko.

Pilit niyang ibinubuka ang kanyang bibig para makapaglabas ng salita. Ngunit may palaisipan na pumasok sa aking isip, paano niya hindi malalaman na nagkaroon siya ng amnesia?

Pinagisipan ko itong mabuti ngunit walang ibang paraan ang pumasok sa isip ko.

“Louise, we need to tell her na nagkaroon siya ng amnesia”

“Pero, lahat ng plano natin para sa kanya ay masasayang”

“Pero pano? Pano niyang hindi malalaman na may amnesia siya kung siya mismo ay hindi makaalala”

“Mom” parehas kaming napatingin sa direksyon na pinanggalingan ng boses “Dad” pagtawag nito kay Louise

“Anak?” hinawakan ko ang mga kamay niya at hinalikan ito 

“Anak, do you remember us?” nagulat ako sa tanong ni Louise

Tumango naman si Elise na mas lalong kinagulat ko, pero pano? Naaalala niya ba na siya si Tricia? It’s impossible

“Ca-can y-you ma-make my fa-favo-vorite chi-chic-ken cu-rry?”

Nagtaka ako sa sinabi niya, hindi naman siya mahilig sa chicken curry

“Yes anak” sagot ni Louise “Go ask the doctor” tumango nalang ako sa sinabi niya, alam kong pati siya ay nagtataka rin

Kaagad kong hinanap ang doktor para alamin ang nangyayari.

Stolen Rose (Prequel) [UNDER REVISION] Where stories live. Discover now