Stolen Rose (Part 1)

31 14 0
                                    


Tricia's Point of View

"Ano ba ang nagawang masama ni Kiel, Ma!?" Hindi ko napigilang sumigaw dahil sa galit na nararamdaman ko.

"Wala siyang magandang maiidulot sayo, Tricia!" Pilit kong pinipigil ang luha ko sa pagtulo, hindi sapat ang dahilan na sinasabi nila.

"Kiel's company is our competitor, hindi magiging maganda para sa 'yo kung dikit ka nang dikit sa Kiel na 'yan." Naibulalas ng bibig ni Dad.

"What?" Why they are being unreasonable? "dahil lang don, Dad?"

"Our family and Kiel's family are not in a good state, kaya please anak layuan mo na si Kiel." Pagmamakaawa ni Mom.

"Dadalin ka namin sa Korea para dun mo ipagpatuloy ang pag-aaral mo."

"No, hindi ko lalayuan si Kiel at lalong hindu ako mag-aaral out of the country." Pagtutol ko.

"Then Go! You chose Kiel over us, you're not belong to this family anymore!" Biglang tumusok sa puso ko ang mga linyang 'yon. Hindi ko na maaninag ang mukha nila sapagkat natatakpan na 'to ng luha.

Wala na akong nagawa kun'di tumalikod sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako dadalin ng paa ko pero tanging gusto ko lang ay makalayo sa bahay na 'yon.

Pumara ako ng taxi at sinabi sa driver na dalin ako sa parke na malapit sa university.

Hindi ko pa rin mapigilan ang luha ko na kasalukuyang tumutulo pa rin. Tila paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang binitawan ni Dad.

Ang sakit marinig na itakwil ka ng sarili mong pamilya. Madami silang pagkukulang sa akin pero hindi ko 'yon sinumbat sa kanila. Si Grandma ang kasama ko tuwing may parents' meeting. Si Grandma ang nasasabihan ko ng bawat problema at ang kasambahay naming si Claire, halos alam niya lahat kung ano ang nangyayari samin ni Kiel. Claire and Kiel are close.

Pero ang mga magulang ko? Nakalimutan ata nila na may anak sila. Naiintindihan ko na busy sila sa company na pinapalago nila pero ang hindi ko maintindihan ay di nila ako mabigyan ng kahit ilang minuto nila.

Napatingin ako sa nakakasilaw na liwanag na tumama sa mga mata ko at rinig na rinig ko ang lakas ng busina ng truck na papatama samin ngayon

Alicia Grey's Point of View

UNDER REVISION

"Bakit mo naman sinabi sa anak natin yon?" pagsita ko kay Louise

"Di ko napigilan ang sarili ko, saka hindi ba malinaw na she chose Kiel over us?"

"Kahit na, I'm worried about her baka kung ano pa ang mangyari sa kanya"

"Then call her" suhestyon niya ngunit walang sinceridad

Kinuha ko ang phone ko at agad kog tinawagan ang phone ni Tricia

Nagriring naman ito ngunit hindi ako mapakali, Sobrang tagal bago niya sagutin ang phone niya

"Kayo po ba nanay ng pasyente?" nagulat ako dahil di kilalang boses ang narinig ko

"What?Pasyente?" nagtatakang tanong ko

"Dadalin po siya ngayon sa Sanchez Hospital, her condition is critical" nanginginig ang bibig ko na naging dahilan para di ako makapagbitaw ng salita

Hinablot ni Louise ang phone sa akin at siya ang kumausap sa di kilalang tao.

"Let's Go" aya niya na tila nagmamadali

Nakarating kami sa Ospital kung san dinala si Tricia

"What happened doc?" pagaalalang tanong ko

Stolen Rose (Prequel) [UNDER REVISION] Where stories live. Discover now