Ezekiel’s Point of View
“Di mo parin ba makalimutan yung nanay mo?” di ko maintindihan si Ivan, dahil lang kapangalan ni Elise ang nanay niyang nangiwan sa kanya nung bata siya ay hindi niya ito pinapansin
“Shut up Ezekiel!” sigaw nito
“Walang kinalaman si Elise sa nanay mo Ivan, kaya don’t hurt her because of your damn past”
Two months na since nung nakilala namin si Elise pero ginagawa parin itong hangin ni Ivan na animo’y hindi nageexist, lagi niya itong iniiwasan kahit mahalaga ang pakay nito
“Di mo ko naiintindihan Kiel”
“Ano ba ang dapat intindihin, Ivan?”
“Ayoko kay Elise” galit ang nakikita ko sa mga mata niya “Simple lang naman yan Kiel pero di mo maintindihan, Iniintindi kita lagi sa lintik mong Tricia” tagos sa puso ang mga salitang yon, di ko napigilang birahin siya dahil sa galit na lumalamon sa aking Sistema, napahawak siya sa kanyang labi “Kahit nakakasawa nang pakinggan ang mga sinasabi mo di parin ako umalis sa tabi mo because I’m your bestfriend pero simpleng sakit na nararamdaman ko ay hindi mo maintindihan”
Wala na akong nasabi sa mga linyang yon, alam kong nagkamali ako
“Wag nalang natin pakielaman ang isa’t isa Kiel”
Napatingin ako sa kanya at sa tingin ko ay seryoso siya, dahil sa katangahan ko ay mawawalan ako ng kaibigan
“Thanks for being part of my life” salitang nagpaulit ulit sa pandinig ko
Parang umurong ang dila ko, gusto ko siyang tawagin at pigilang umalis pero huli na
Luha ang pumalit sa galit na nararamdaman ko
Mas masakit pa to sa inaakala ko, Ang mawalan ng kaibigan.
Elise’s Point of View
Maaga akong nakarating sa university dahil may kailangan akong asikasuhin. Hindi na ako hinahatid ni Dad dahil busy na raw siya sa trabaho.
Ipinasa ko na ang balance sheet ko na ipinagawa ni Mr.Frio
“Kiellll” lumingon naman siya agad
“Oy? An gaga mo ah?” sabi ko na magtataka sila, First time ko kasing maging ahead of time
“Pinass ko lang yung shit kang Mr. Frio” biro ko
“May plano kaba after class?, wala tayong klase sa hapon ah?”
Tinignan ko ang sched ko at di nga nagbibiro ang Kiel
“Mmm, wala naman, san larga natin?” sigurado akong aayain akong gumala nito “San nga pala sila Ivan?”
Nagulat ako ng biglang magbago ang emosyon ng muka niya
“Inaya ko na siya kanina, may plano na daw e” alam kong nagsisinungaling siya, Two months ko nang kilala si Kiel at sapat nayon para malaman ko kung nagsisinungaling siya “Sa tambayan, G ka?”
Tambayan namin ang park na malapit sa isang university. Marami ring nagkalat na pagkain don. Mura lang at mabubusog kapa.
“Sige ba, Libre mo bako?” alam ko namang hindi manlilibre yan
“Hell no” napangiti nalang dahil tama ang iniisip ko
Naisipan namin na pumasok na sa klase kahit maaga pa, wala naman kaming tatambayan sa univ e
Dumating na yung prof pero wala parin yung tatlo
“Pstt” tumingin naman siya kaagad “Nasan yung tatlo?” tanong ko
Nagkibit balikat lang ito, tamad na tamad magsalita
Pansin kong hindi mapakali si Kiel sa klase, nakatingin lang siya sa book pero hindi niya ito binubuksan
Halatang hindi rin siya nakikinig sa lecture ng prof
Natapos ang lahat ng klase nang wala akong natutunan, tinuyo ba naman ng Taxation ang utak ko
“Tara?”
Nilisan na naming ang hell, at nagdako sa heaven
Nakarating kami sa tambayan at halo halong amoy ng pagkain ang naamoy ko. May ihaw-ihaw, calamares at iba pa
I love being here, tuwing gabi naman ay tumatambay kami sa dalampasigan
“Kunin mo na tong binili mo, bago pa mahulog” napansin kong madami pala siyang hawak
“Tara sa swing” aya ko
Pinagmasdan namin ang mga vendor na pagod na pagod ngunit nakukuha paring ngumiti. Napansin kong nakatulala nanaman si Kiel.
“May problema ba?” ngumiti lang ito at umiling “Kiel, I know you, You’re not yourself now” nanggilid ang mga luha sa kanyang mata
“Ivan left me” nagulat ako sa mga sinabi niya, Close na close si Kiel and Ivan, napagkamalan ko pa nga silang magkapatid nung una naming pagkikita “ I’m worthless” tuluyan ng tumulo ang luha sa kanyang mata “He always chose to understand me no matter the situation is, pero di ko nagawa yon sa kanya” ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya
“Talk to him first” usal ko
“No, hindi ganon si Ivan, once na sinabi niya, hindi niya kayang bawiin”
“Ano ba dahilan ng away niyo?” tumingin siya sa akin
“Her mother’s name is Elise” nabigla ako sa sinabi niya “Di ko kayang makita ka na iniignore niya, I’m stupid para ipilit sa kanya ang bagay na hindi niya kaya”
“So he has his reason why he always giving me a cold shoulder?”
“Mmm, iniwan siya ng nanay niya noong bata pa lamang siya, mahal na mahal niya ang nanay niya dahil ang nanay niya lang ang nasasandalan niya, iniwan sila ng tatay niya dahil may kabit” nakatingin lang ako sa mga mata niya, this is the other side of Kiel “Dumating yung araw na iniwan din siya ng nanay niya, nagsinungaling ito na may pupuntahan lang pero umabot ang ilang taon di ito nagpaparamdam”
Masyadong masaklap ang dinanas ni Ivan, Naiintindihan ko na kung bakit hindi niya ako binibigyan ng atensyon, because of his mother
Hindi ko alam ang sasabihin ko, sa tingin ko ako ang makakasira ng pagkakaibigan nila
“Let me handle it” usal ko, walang kasiguraduhan pero kailangan kong panindigan
Inaya ko na si Kiel umuwi dahil nakakain naman na kami, nagpahatid nalang ako sa kanya dahil for sure matatagalan ang driver namin kung magpapasundo pako, tutal dadaanan lang naman ni Kiel ang bahay namin
---
“Hey Ivan” tawag ko sa pangalan niya
Maagang pumapasok si Ivan kaya nagbakasakali ako na maabutan ko siya dito para makausap
Malamig ang titig na ibinato nito sa akin
“Can we talk?”
“Tungkol ba to kay Kiel?”
“Mmm, I know na di mo gusto ang ginagawa mo ngayon”
“Paano ka nakakasigurado na hindi ko gusto ang ginagawa ko?”
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa harap niya
“Wag mo na ulit akong lapitan para tanungin ang mga bagay nayan, Isipin mo nalang na hindi tayo nagkakilala, please lang” nanatili akong nakatingin sa mga mata niya “Ayokong magmukang bata Elise, kaya hayaan niyo nako, lumayo na kayo”
Wala nakong nagawa kundi panoorin siyang tinatahak ang daang salungat sa akin
Pinagmamasdan ko ang kanyang paglayo
“Oyyy, Bakit ang aga mo nanaman?” bungad nito
“Naboboryo ako sa bahay kaya pumasok ako ng maaga” pagpapalusot ko
“Lumipat na raw ng course si Ivan kasama sila Sev at Marc” malungkot na tinig nito
“Bakit daw?”
“Hindi sakin sinabi ni Sev ang dahilan”
Alam kong konektado ito sa paglayo thing ni Ivan. Minsan talaga sa buhay natin may dumadating na hindi natin inaasahan at may aalis na di rin natin inaasahan. May kanya kanyang dahilan ang tao sa pagalis sa buhay ng iba, minsan ay gusto nilang lumaya sa buhay na meron sila kundiman ay gusto nilang makaalis sa sakit na naidulot ng iba. Kaya mas mabuting pahalagahan na natin ang taong nandyan para satin hindi natin alam kung kelan sila mawawala sa atin, It’s either tayo ang may kasalanan o sila.
It’s better to act like I never know Ivan, madaling sabihin sakin per okay Kiel iba ang impact nito.
4 months later
“Elise, nandyan na yung kaibigan mo”
“Pababa napo”
Sinusundo ako ni Kiel sa bahay bago pumasok sa university. 4 months nadin simula nung umalis si Ivan sa buhay niya. Nasanay na si Kiel nang wala ito, tanging ako at siya nalang ang magkasama
Si Grandma ang nagbabantay muna sakin kasi nasa business trip pa ang mga magulang ko, sa totoo lang laging busy ang nanay at tatay ko
“Anong oras na!?” pagpindot nito ng busina
“Ingay mo” sita ko sa kanya
“Dalian mo kasi” di ko mailock ang gate sa kamamadali ng isang to
“Ohhh” abot ko sa kanya ng almusal na nilagay ni Grandma sa tupperware “alam kong di kapa kumakain, mamaya mo na kainin yan madrive ka muna”
Si Kiel nalang magisa sa bahay dahil yung dad and mom niya bumili ng bahay malapit sa company nila
Mabilis magpatakbo ang isang to, kala mo nangangarera
Nakita ko nanaman ang three months crush ko
Si Ivan, yes weird mang magkagusto sa ex- bestfriend ng bestfriend mo na ngayon pero I can’t stop my heart
Nafall ako sa mga ginagawa niya, alam ni Kiel ang about don pero sabi niya ay okay lang dahil he’s pretending na hindi niya kilala si Ivan
Gusto kong pigilan ang nararamdaman ko dahil baka masaktan ko si Kiel dahil dito balang araw
Pumasok na kami sa History class namin and binigyan kami ng task na idiscuss sa kapair namin ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay namin, Alam kong si Ivan ang babanggitin ni Kiel
Kailangan naming isulat at gawan ng essay ang mga sasabihin ng kapair namin. Umupo kami ni Kiel sa lilim ng puno para gawin ang task na ibinigay sa amin
“The most painful moment na nangyari sakin ay yung nadulas raw ako at tumama ang ulo ko na naging sanhi ng pagkaospital ko, hindi ko siya maalala pero para sakin feeling ko masakit ang dinanas ko ron” pagsisimula ko
Ang weird ikwento yung hindi mo naalala
“Mmm, for me losing my bestfriend” alam kong si Ivan ang tinutukoy niya “and my girlfriend” nabigla ako sa sinabi niyang yun
“Girlfriend?” usal ko
“Mmm, I miss her, It’s been a year nung nawala siya because of car accident”
![](https://img.wattpad.com/cover/222343642-288-k804290.jpg)
YOU ARE READING
Stolen Rose (Prequel) [UNDER REVISION]
RomanceThey hide everything for the sake of the rose Secrets are meant to reveal Love are the way to expose the truth behind all those lies -- Hi guys this is the part 2 of Thread of Lies.