DIANNELLA's POINT OF VIEW
Inabot ako ng halos isang oras sa paglalakad dahil tumirik ang ang jeep na sinasakyan ko wala pang isang kilometro mula sa amin.
Sa pagod ay napaupo ako sa bench na nakita ko. Nagtagal ako doon ng ilang minuto ng may makita ako na bilihin ng palamig. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman pumanik ako doon para bumili.
"Nanay pabilan po!" Ani ko sa tindera.
"Ay ineng ano ba ang ibig mo? May asul na lemonada, chocolate drink, at pineapple juice." Sabi ng tindera.
"Ahh. Yung pineapple juice nalang po manang. Magkano po yung nasa large cup?"
"Bente lamang ineng." Nakangiting sambit niya.
Nagstay ako para inumin ang palamig ko at dahil doon ay nasilayan ko ang paligid ng tindahan ni nanay.
"Ano ang sadya mo ineng?" Biglang tanong ni nanay na nakangiti.
"Ahh. Mageenroll po ako dyan sa may school malapit dyan."
"Mageenroll? Eh diba ay nasa kalagitnaan na ng klase?"
"Ahh opo. May nangyari po kasi sa previous school ko na nagtulak sakin na umalis na sa school na yun."
Natulala na naman ako bigla sa ideya na iyon. Nakakatakot. Nakatulala lang ako ng marinig ko na magsalita si nanay.
"Ineng? Ano ang problema mo? Pansin ko kasi na matamlay ka at walang buhay. Natulala ka pa bigla. Maaari ka na magsabi sa akin." Nakangiting sambit ni nanay.
Nagaalangan pa ako ngunit ako din ay nagkuwento. Mula sa pangyayari sa school, sa dahilan kung bakit nangyari yun at ang tungkol sa pamilya ko.
Habang nagkukwento ay diko naiwasan na maiyak na naging dahilan din ng pagiyak ni nanay.
"Nako. Nakakaawa ka naman ineng. Hindi ka man lamang ba pinakinggan ng iyong ina? Ni minsan?" Naluluha na tanong ni nanay.
"Hindi po ehh. Masyado po kasi siyang kinain ng galit nya sakin. Pero kahit ganon po si mama ko, diko po maiwanan yun. Kung tutuusin nga po ay kaya ko na mabuhay na ng magisa dahil may trabaho po ako kahit na nagaaral pa lamang ako dahil ako na lang ang nagpapakain sa amin ni mama. Ngunit hindi ko po magawa dahil ako nalang ang meron si mama." Naiiyak ngunit nakangiting sambit ko.
"Alam mo ineng, maswerte sayo ang ina mo. Alam ko na mawawala din ang galit sa iyo ng mama mo. Manalangin ka lamang. Ipapanalangin ko din na maging maayos ang pakikitungo ng eskwelahan mo sa iyo. Ito ha ineng, pag may problema ka maaari mo akong kausapin. Punta ka lang dito sa tindahan ko at pwedeng pwede mo akong kausapin. Ako nga pala si Vergilda. Nanay Vergie nalang." nakangiting sabi ni nanay.
Parang hinaplos naman ang puso ko dahil ngayon lang ulit may nagsabi sa akin ng ganun.
"Nako salamat po nanay. O siya po, lalalarga na ho ako at baka ako ay gabihin sa pamimili ng gamit ko."
I waved goodbye kay nanay at pumunta na sa bayan.
Inabot ako tatlong oras sa pamimili ng gamit at bago umuwi ay bumili ng lutong ulam para ulamin namin ni mama.
Paguwi ko ay tinawag ko si mama ngunit ng walang sumagot ay inilapag ko muna sa lamesa ang pagkain at ang pinamili ko at pumunta ako sa kwarto nya.
Pagdating ko doon ay wala sya kaya naman sa kusina ako nagtungo at nakita ko siya doon na tulog at napapalibutan ng mga bote ng alak na wala ng laman.
I sighed in frustration at lungkot. Tinungo ko sya at umupo sa upuan na katabi nya at pinagmasdan siya.
"Ma bakit kahit ginaganun nyo ako ay hindi ko kayo maiwan iwan? Bakit ba rupok ko sobra pagdating sa inyo? Bakit kahit anong gawin niyo sa akin na pangaalipusta mahal na mahal ko kayo? Bakit ma? Bakit? Bakit hindi niyo ako mahalin ulit kagaya ng pagmamahal na nilalaan ko sa inyo?" humihikbing sabi ko kay mama na tulog na tulog.
Maya maya ay bigla siyang gumalaw kaya napaayos ako ng upo.
She opened her eyes and when I was sighted, she smirked mockingly.
"Oh! Andito na pala ang 'ANAK' ko!" nakangising sambit nya at diniinan ang salitang anak. Halata sa kanya ang pagkalasing dahil sa way nya ng pagsasalita.
"May dala po akong ulam, nakakain na po ba kayo? Saglit lang po at kukuni-"
"Hah! Ayokong kumain ng pagkain na galing sa pangpopokpok! Pwe! Alis dyan!" Tatayo sana sya ng biglang mawalan ng malay dahil siguro sa kalasingan. Buti ay nasalo ko sya.
May kagaanan na si mama dahil nga puros alak nalang siya. Di ko naman masaway dahil hindi naman siya makikinig sakin at baka nga magalit pa sa akin na pinakikialaman ko siya.
Dinala ko siya sa kanyang kwarto at inihiga doon. Pumunta ako sa may banyo at nagbasa ng bimpo at kumuha ng maliit na planggana. Dinala ko ito sa kwarto ni mama at nilisan sya.
Ilang beses din ako bumuntong hininga habang nililinisan sya. Pagkatapos non ay sinauli ko na ang planggana sa banyo at ako ay pumanik na sa kwarto ko at nagbihis.
Kumain ako ng magisa at pagtapos kong hugasan ang pinagkainan ay umakyat na agad ako. Sinilip ko pa muna si mama saglit. At dumiretso na sa kwarto ko.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulantang ako ng makita ko si papa na nakaupo sa higaan ko at nakangiti sa akin. Ako ay sinesenyasan nya na lumapit sa kanya, lalapit na sana ako ngunit may biglang lumapit na bata.
Napaluha ako.
Dahil ito yung huling beses na nakita ko si papa.
Pumikit ako sa alaala na pumasok sa isip ko at tumakbo nalang sa higaan ko at nagtalukbong para umiyak buong gabi.
Napakasakit.
Papa, bakit mo ba ako iniwan? Bakit mo kami iniwan ni mama?
-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-
So yuuun!
Chapter 2 is dowwwn!I decided na magupdate since wala akong magawa.
Time check: 2:38AM
p.s. kakagising ko lang at di na ako makatulog.
K.
YOU ARE READING
Started with a sticky note
Roman pour AdolescentsLife is such an ironic thing. Some says, go away to the things that will hurt you. Yet, we still do things that will make us broken.