Soooo yuh.
Maguupdate ako kasi...
Ayoko pa matulog!
Time check!
Its uhm, 12:05 am.
HAHAHAHHAA
Uploading na pala yung Video ko sa channel ko hihi
Subscribe na kayo -3-
-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-
DIANELLA'S POINT OF VIEW
Paguwi ko sa bahay wala si mama. Kaso madumi naman ang bahay.
Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula ng maglinis.
Pagtapos ko maglinis ay nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago maglinis ng katawan at kumain.
I am currently doing my assignment sa kwarto ko. Hiningi ko yung mga pinagawa sa school kay Aj dahil nga nag early dismissal ako.
And I didn't expect na madadalian lang ako kahit na marami ito. Ang expectation ko ay mahihirapan ako sa paghahabol dahil pumasok ako ng kalagitnaan ng school year. But it turns out, may more easy way ang school na yun to help students to cope up.
I think that is a good one.
I was solving a math problem nung may marinig ako na kalabog sa may labas.
Sa una ay di ko pinansin dahil baka pusa lang, pero kinalaunan ay may narinig na ako na tumatawa sakin.
Pinuntahan ko ang pinto at ng buksan ko yon nagulat ako dahil nakita ko ang lasing na si mama.
"Ma! Bakit po kayo naglasing? Sino po naghatid sa inyo? Kumain na po ba kayo? Gusto niyo ipaghain ko kayo? Nagluto ako." sunod sunod kong tanong.
"AAAAAAAAA! APAKAINGAY MO! TANONG NG TANONG AMPUTCHA! TABE! PUPUNTA AKO SA KWARTO KO AT HILONG HILO NAKO P*NYETA!"
Tinulak niya ako dahilan ng muntik ko ng pagtama sa pader.
Muntik na naman ako maiyak.
Pinuntahan ko si mama sa kwarto niya. Inayos ko yung kumot niya dahil bumagsak nalang ata siya sa kama niya.
Bumalik nako sa kwarto at nagproceed na sa pag aaral.
~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~
Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa school dahil may hindi ako makita na sagot para sa assignments ko.
Titingin na din ako ng libro na mahihiram doon.
On my way sa school, nadaanan ko na naman si Nanay.
"Ineng! Papasok ka na? Aba ay napaaga ka naman yata?" bati ni nanay sa akin.
"Ay. Mano po nay. Ah opo inagahan ko po talaga punta ko dito sa school dahil may kailangan po akong gawin sa library." Mahabang paliwanag ko.
"Ay ganun ba? O siya sige! Oh eto. Sa iyo na ito. Sobra ito sa paninda ko. Siya sige! Pasok na!" nakangiting sambit niya pagtapos iabot sa akin ang tatlong HamDog CheeseRolls.
Tatangi pa sana ako ngunit alam ko naman na hindi na babawiin pa no nanay yun kaya kinuha ko na at nagpasalamat nalang. Wala din naman akong kinain kaninang umaga kaya ayos lang.
Nagpasalamat ako at pumasok na sa school.
Bumati ako kay manong guard bago pumunta ng library.
Pagdating ko sa may pinto ay hinubad ko muna ang aking sapatos dahil ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa library dahil lagi raw itong nililinis ng janitor.
Pumunta ako sa may area na may lamesa at upuan at nilagay ko muna ang bag at mga gamit ko roon.
Umikot ako sa library at naghanap ng libro na pasok sa hinahanap ko na paksa. Nung nahanap ko na ay bumalik ako sa lamesa at ginawa na yung assignments ko na di ko pa nagagawa.
Inabot ako ng isang oras sa pag gawa at medyo maaga aga pa ng isang oras at kalahati ang pasok ko kaya napagpasyahan ko na maglibot sa library para magbasa.
Mag tatatlong minuto nalang bago ang aking klase at may tatlong libro na akong nabasa. Balak ko sana na hiramin ang dalawang libro dahil hindi ko pa ito natatapos ngunit may nakatawag pansin ng aking atensyon.
"Hmmmm. Ano to? Ironic? Ang unique naman ng name ng librong to. Mabasa nga." kausap ang sariling sambit ko.
Hiniram ko na ang libro at pumanhik na sa klase.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:
So yuuun.
Napagtripan ko na naman na magUD ng matagal.
Lol joke lang, nagreready ako para sa klase.
May goal ako na grade which is 95 (high honors) dagil ang kapalit nun ay Laptop.
Kaya yon.
Nagaaral ho ako lol.
Kayo din aral kayo para may magawa kayo lol.
YOU ARE READING
Started with a sticky note
Fiksi RemajaLife is such an ironic thing. Some says, go away to the things that will hurt you. Yet, we still do things that will make us broken.