Chapter 16 - Dark Past

85 8 0
                                    


Napaungot ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa buong ulo ko. Pakiramdam ko ay iniipit ako.

Ilang segundo ay naalala ko lahat ang nangyari. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa isang kwarto ako. Puro puti. Walang exhaust system o bintana. Tanging isang pintuan lang ang pwede mong pasukan at labasan. Naka tali din ng mahigpit ang kamay at paa ko. Sinamaan ko ng tingin ang lalaki sa harapan ko na parang nag e enjoy akong tignan

"You're awake? "

"What are you planning jerk?! "

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang mukha ko

"I told you, I'll make you mine.. "

"Where is Firenze?! "

"Oh... That bastard? I don't know. Maybe Dread Corp will kill him.. O baka patay na siya ngayon? "

I spit on his face. This guy has a loose screw on his head! Tumawa ito ng pagak at pinunasan ang mukha niya.

"Fiesty one... "

"Ipag dasal mong maayos si Firenze kung hindi, ako mismo ang papatay sayo"

"Really? Am I supposed to be scared right now? "

Ipinako ko ang tingin ko sa sahig. I'm scared. I'm really scared. Hindi dahil sa pwedeng mangyari sa akin kung hindi dahil kay Firenze  at sa ibang student dito. I'm hoping na sana, ligtas sila.... Sana Ligtas si Firenze...

He promised me. Magiging ligtas siya. He's a Larkson. He's a mafia. He's the head of Flame Org. Hindi siya basta basta magpapatalo... He will save me... He will save us.

"Why... Why did you kill Annie? "

Tinignan ko si Kenzo na ngayon ay seryoso na ang mukha.

"I did not kill her. Pinatay siya ng kasamahan ko"

"But still! Alam mong papatayin siya! O kami! Bat hindi mo pinigilan?! Anong ugnayan mo sa kanya?! "

Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha ko. Pero masyado akong nandidiri sa kanya kaya iniwas ko ang mukha ko sa kamay niya.

"She's the only woman I've ever loved. Lagi ka niyang kinu kwento sa akin. Pero nung i kwento ko sa kanya ang storya ko at ang dahilan ko ay bigla niya akong iniwasan..."

"W-what do you mean? "

"Walang sino man ang pwedeng mabuhay kapag nalaman nila ang sikreto ko. Lahat mamamatay. "

"I don't understand you! Bakit mo siya pinatay?!"

"Dahil alam niya lahat ng tungkol sa akin! Pero hindi niya ako minahal...  Kaibigan lang ang turing niya sa akin kahit ibigay ko ang lahat. I even killed her boyfriend para sa akin mapunta ang atensyon niya!"

Napa singhap ako sa sinabi niya. He... He's... He's a fucking psycho!! Siya.  Siya ang pumatay sa ex ni Annie?! Hindi iyon aksidente?! Pinapatay niya ito?!

"Hindi ka niya mahal dahil nababaliw ka na Kenzo."

Sinipa niya ang lamesa na nasa gilid ko at sumigaw siya. Halos mapaiyak ako sa kaba..

"NO!!! nag bigay siya ng motibo Ice!!! She smiled at me, kinakausap niya ako nun kahit nerd ang get up ko!! Walang gustong kumausap sa akin kung hindi siya lang!! "

"You're a fucking obsessed psycho"

"That's why I killed her... Pero naisip ko na mas pinapaboran ko siya. Imagine, mawawala sya sa mundong ito na hindi nag hihirap. That's why i took you as her own punishment. Alam kong mas mag hihirap siya kapag kinuha kita... You're her dear sister right??..  Ikaw ang kabayaran"

The Dauntless | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon