Kasama ko na friends ko, Si Ren, Raiko, Val, at si Mark. Kotse ni Mark ang gamit namin para pumunta don sa beach."May matutuluyan ba tayo don?" I asked.
"Oo naman, may mga bahay don. Beach is a public place so marami din nagbabakasyon." Raiko answered.
"Val, aren't you driving too fast?" Raiko asked.
"Ganun ba? Don't worry I'll slow down once we passed the toll gate."
"Anyways! Guys! May drinks ba tayo dyan?" Ren cheered.
"Why would we miss that?" Mark answered.
"Hoy Ryden! Baka naman tulugan mo kami mamaya?" Raiko teased.
"Gusto nyo ba? Willing naman ako e." I answered, not taking my eyes off my phone.
"Napaka-KJ!" Ren annoyingly grunts.
"Oo na sige na." I nodded.
"Lalasingin ka namin mamaya Ryde! Get ready." Mark pokes my waist pero I just glared at him.
"Nagbabasa ka na naman. Boring boring ng novels!" Bulong ni Mark.
I just didn't mind him.
They continued to chat and be noisy as I started to feel drowsy. Siguro dahil napuyat ako kagabi.
"Wag kayo maingay, matutulog muna ako. Wag nyo ko pagtitripan ha. Uuwi ako." I threatened them.
"Go na sige na! Sweet dreams Rydeeeen!"
I put on my headphones and my neck pillow. Sumakit ulo ko bigla. Dapat pala ginawa ko na ng mas maaga kahapon.
Biglang pumasok sa isip ko si Raven.
Funny how I loved you for 2 years, kahit na alam ko na hindi mo manlang ako minahal ng totoo.
Para saan pa yung I love you mo sakin, eh hindi din naman pala totoo. Ako naman tong uto-uto, napaniwala mo.
Nung nalaman ko na mahal mo lang ako para makalimutan mo si Joshua, sobrang sakit. Pero you were drunk when you said that, so I acted like nothing happened nung hindi mo maalala.
So hindi na ko nagtaka nung sobrang bilis mong maka move-on. Because you never loved me naman e.
Kamusta na kaya kayo ni Josh? Masaya ba kayo? Mas masaya ba kapag kasama mo sya? Mas maganda ba yang mga ngiti mo dahil sya ang dahilan? Mas nabibigay nya ba ang gusto mo to the point I could almost call you "spoiled"?
And why would I ask kung mas mahal mo pa sya kaysa sakin? Sinampal na 'ko ng katotohanan oh.
Tanggap ko na. So okay na.
Naputol ang iniisip ko nang biglang sumakit ng sobra ulo ko. Tinanggal ko ung headphones ko at minulat ang mata ko but it only made my head hurt more dahil sa liwanag.
" B-bakit sobrang liwanag?" I mumbled.
Napalingon si Mark sakin, "Ah! Nakalagpas na tayo ng tunnel kaya maliwanag."
Sobra naman ata?
Usually.....never mind.
"Okay ka lang? Putla mo ata?"
I weakly smiled, "Oo okay lang. Sumakit lang ulo ko. I'll sleep ulit. Wake me up kapag we're there na."
"Dapat pala di ka na sumama, Ryde. Puyat ka pala." Mark said pero umiling lang ako.
"Puyat my foot! 8 hours tulog nyan!" Sigaw ni Ren.
"I'm fine. Ngayon pa ba ko uuwi?" I half-opened my eye.
He puts on my headphones back, "Sya matulog ka na ulit. Ingay mo na naman."
I closed my eyes and drifted to dreamland.