BEFORE.

66 2 0
                                    

Chris just wants a low key life.

Pero siguro mahirap mag-demand ng ganon kung scholar ka sa isa sa mga magagandang private college sa Manila.

Para bang nanalo siya bilang Mayor. Laging may bumabati sakanya ng "Congrats!" kahit sa pagbili ng toyo sa tindahan. Masaya naman si Chris at nagpapasalamat sya dahil binigyan sya ng ganitong opportunity pero gusto lang talaga nyang bumili ng ingredients para sa adobo nilang ulam ng mapayapa.

Pinatay ni Chris ang kanyang motor at pumasok sa bahay nila, bitbit yung toyo na inutos sakanya ng kanyang tatay.

"Pa, ito na." sabi ni Chris sabay abot ng kanyang binili.

Kinuha ng tatay nya yung toyo at tumuloy lang sa pagluluto.

Sumandal si Chris sa mesa nila at nag-buntong hininga. "Pa, paano pag 'di naman maganda buhay sa Manila? Paano 'pag di naman nila ako magustuhan doon?"

Hindi sumagot ang kanyang tatay. Tinawag niya ulit. "Pa."

Nilapag ng tatay niya ang sandok at humarap sakanya. "Top, di ko na alam isasagot ko sayo. Nag-usap na tayo kahapon tungkol diyan habang nag-eempake. Hindi ko alam bakit ka pa nag-aalangan."

Napa-tungo nalang si Chris.

Nilapitan sya ng tatay nya at hinawakan sa balikat. "Anak, alam mo naman kung bakit mo kailangan mag-aral doon. Masaya buhay natin dito sa Tanay pero mahirap na tayo. Hindi ko pwedeng ipasa pa yung ganitong buhay sainyo ni Yani."

Kahit si Chris gusto lang din naman iahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Pero mahirap na hindi kabahan. Napaka-layo ng agwat ng buhay niya sa Tanay sa Manila.

Tumango nalang si Chris at nagsabi na pupunta lang siya sa kwarto niya.

Umupo si Chris sa kama niya at kinuha ang litrato ng kanyang ina sa ilalim ng unan.

"Sana makasalubong kita doon, ma."

Confessions of the In Crowd (Year 1)Where stories live. Discover now