12 Pesos? Para sa panulat?
Ginto ata mga gamit sa Manila.
Mga tatlong oras na si Chris paikot-ikot sa National Bookstore kaka-budget at compute sa mga kailangan nya sa school. Sa probinsya kasi, halos lahat ng gamit bigay ng gobyerno. Kung kulang man, bibili nalang sila sa tindahan. Kaya laking gulat nalang ni Chris noong nakita nya mga presyo ng gamit.
Nakapunta naman na si Chris sa mall dati, kasama ang kanyang ina. Bago sila iwan at hindi na bumalik. Kaya kahit papano alam ni Chris kung saan ang mga bagay-bagay.
Napabuntong hininga nalang si Chris at dumiretso na sa cashier. 'Di bali na, isip ni Chris, pag-iipunan ko nalang yung mga kulang.
"732.25 pesos po sir lahat."
Nanigas at nanlamig ang kamay ni Chris. 500 lang dinala nya, paano na yan? Mali siguro siya ng compute sa sobrang lito.
"Sir?"
Tumingin si Chris sa cashier at sa kamay nya na nakabukas paharap kay Chris. Natameme nalang siya. Tawagan na ba niya Papa nya? Ikukulong na ba siya? "Uh, ate sandali lang po ah?"
Sumimangot yung cashier. "Sir, mahaba po yung pila."
Naramdaman ni Chris yung pawis na malamig sa kanyang noo. Kinuha ni Chris wallet nya at nilabas ang 500 na dala nya. Tinignan nalang nya to at tumingin sya sa cashier.
"Hey, kulang ba dala mo?" narinig ni Chris na sabi ng nasa likod nya.
Lumingon si Chris at nakita ang isang babae na may kulay blue na buhok sa dulo. Naka-ngiti ang babae sakanya.
Tumango si Chris. "P-pasensya na po, di ko kasi alam-"
"Don't worry!" Nilabas ng babae ang kanyang wallet at kumuha ng isang libo. "Ate, dagdag mo na to sa money nya. Pa-punch na rin yung bibilhin ko."
Namula si Chris sa sobrang hiya. Ilang oras palang siyang nasa Manila at gusto na nyang bumalik sa Tanay.
Tinignan siya ng babae. "Huy, are you okay? Don't worry about it. Consider it a loan from a friend."
"Pasensya na talaga. Hindi kasi ako sanay mamili dito." Kinuha na ni Chris ang pinamili nya pagkatapos ibalot ng cashier.
Kinuha ng babae ang sukli nya at binitbit na rin ang kanyang pinamili. "Hindi sanay? What do you mean? Hindi ka ba tiga-Manila?"
Nagsimulang maglakad ang babae palabas ng National Bookstore at sumunod nalang si Chris. "Galing ako sa Tanay. Pumasa ako sa scholarship para sa St. Maria Goretti College kaya lumuwas ako."
Nagsimula silang maglakad-lakad sa mall. "Wait, what? Doon din ako mag-aaral, what a coincidence!" sabi ng babae.
"Talaga? Nako, buti nalang may kilala na ako kahit isang tao don. Teka, ano nga ba pangalan mo?" tanong ni Chris.
"Gia. Ikaw?"
"Christopher. Pero Chris nalang for short." tumigil si Chris sa paglalakad sa harap ng Mcdo. "Salamat dito Gia, ah. Pasensya na kung pangit first impression mo sa akin. 'Wag ka mag-alala, babayaran kita agad."
Ngumiti si Gia at tinapik ang braso ni Chris. "Ano ka ba, I'm just trying to be nice. Nagbabagong buhay na ako."
Napa-kunot ng noo si Chris. "Bagong buhay?"
Nawala ng bahagya ang ngiti ni Gia. Tumingin sya sa Mcdo na katapat nila. "It's almost lunch time. Kumain ka na ba?"
Napaisip si Chris. Hindi pa sya kumakain simula ng dumating sya sa dorm nya kanina. "Hindi pa, pero mamaya na ako kakain. Kailangan ko pang mag-ikot at maghanap ng part-time."
Tinaas ni Gia ang kilay nya. "Part-time? Oh, you mean a job!" Tumigil si Gia saglit at nag-isip. "Yung mom ko may-ari ng isang cafe just nearby. Do you want me to introduce you?"
Parang lumipad ang puso ni Chris. Nakakahiya na kay Gia, ngayon palang sila nagkakilala tapos ang dami na nyang nagawa pata sakanya. Pero kailangan din nya ng trabaho at wala rin naman syang alam na pagsisimulan dito sa Manila. "Gia, nakakahiya na-"
Huminga ng malalim si Gia at ngumiti. "Hay nakooo, Christopher! Don't worry about it. Malay mo fate just brought you to me. Besides, nagpapagoodshot din ako kay Mom. She wants me to help in her business, pero.."
'Business' yan ang laging bukambibig ng nanay nya dati. Yan din ata ang rason kung bakit sya umalis. Walang hiyang business na yan, inisip ni Chris.
"Chris?" winagayway ni Gia yung kamay nya sa mukha ni Chris. Nakatulala pala si Chris at di namalayan.
"Ay, Gia. Sorry. Naalala ko lang yung nanay ko, may cafe din.." iniling ni Chris ang ulo nya. "...pero di ko na sya kasama ngayon."
Hinawakan ni Gia ang kamay ni Chris. "Hey, I'm sorry. Don't worry. Here" nilabas nya ang calling card ng nanay nya sa cafe. "here's my number and my mom's. Imemention kita sakanya, think about it." ngumiti si Gia sakanya.
Tumunog ang cellphone nya bago pa makasagot si Chris.
"Hello? Mom. I've just finished shopping. Yes, don't worry I'll be there. Oo, eto na. Aalis na ako." Binaba ni Gia ang phone. "Chris, I have to go. But please think about it, ha?"
Tumango nalang si Chris. "Sige Gia, ingat ka."
Kinawayan sya ni Gia at lumakad na paalis.
Lumakad si Gia papuntang entrance at nag-antay ng taxi.
"Gia?"
Lumingon sya at nakita si Ace na nakatingin sakanya at si James na nakangiti na para bang alam na nya ang mangyayari.
"Babe?"
Tumingin si Gia sa gilid at nakita si Cheska at Priya. Punong puno ng galit ang mata ni Cheska.
"Wow!" sabi ni James. "Reunion?"
YOU ARE READING
Confessions of the In Crowd (Year 1)
Teen FictionA scholar from the province learns the ups and downs of being part of the "in crowd". Parties, drama and everything else he had never dreamed of doing. Will he survive? Or will he be sucked into their messed up world?