"Oh. My. GOD."
Lumingon si Cheska nang marinig si Priya. "What?"
Naka-titig si Priya sa phone nya na parang hindi makapaniwala sa nakita niya. "Cheska, look." sabay harap ng phone screen niya kay Cheska.
Hinablot ni Cheska yung phone ni Priya at binasa ang conversation nila ng isa pa nilang kaibigan na si Dani.
Girl, guess who I saw sa SM!!!
Who?? Spill!!
GIA!! Buying school supplies.
Bumilis ang tibok ng puso ni Cheska sa galit nang makita ang pangalan ni Gia. Anong ginagawa niyang malanding yan dito at bakit pa siya bumalik?
Nginitian nalang ni Cheska si Priya. "So, she's back. Ano naman? Edi good for her." kinuha ni Cheska yung lipstick nya at tumingin sa salamin sa kwarto nya. 'Ano naman kung bumalik na si Gia? So what? Malaki naman ang St. Maria Goretti College. 'Di ko siya makikita don. Subukan niyang magpakita sakin. Baka kalbuhin ko sya.'
Naramdaman ni Cheska na uminit yung mata nya at kumuha sya ng tissue bago pa makita ni Priya yung luha. Kinuha niya yung cellphone niya at tinawagan ang kanyang boyfriend na si Ace.
-
"Ace, pare, turn off your phone. It's too early!" reklamo ni James at binato ng unan si Ace.
Dumilat si Ace at humikab. Kinuha niya ang phone nya at tinignan kung sino tumatawag. Cheska. Great.
"Hello babe?" sagot niya sabay bangon sa kama nya.
"Hi babe! Sorry, were you asleep?"
Pumunta si Ace sa kusina ng dorm nila at binuksan ang ref. "Nah, it's okay. I had to wake up early anyway." kumuha siya ng dalawang itlog at sinara yung ref. "Napatawag ka?"
Lumipas ilang segundo bago ulit sumagot si Cheska. "Oh, nothing babe. I just miss you. Anyway, I'm going to SM kasama si Priya later. I have some school shopping to do pa."
Kumuha si Ace ng bowl at doon niya hinalo yung itlog. "I thought you were done with that? Tsaka diba may date tayo tonight? Sabi mo you wanted to try this new sushi place sa may España?"
"Well, change of plans babe. Gotta go. Love you!" at binaba ni Cheska yung phone.
Tinignan lang ni Ace yung phone niya. That's weird, sabi ni Ace sa isip isipan nya, ilang araw na kong kinukulit ni Cheska para kumain don sabay change of plans. Ewan ko ba don.
Kinuha ni Ace yung pan nila at niluto yung itlog. Pagkatapos nya kumain ay naligo sya at bumalik sa kwarto nila para gisingin si James. Lumapit siya sa kama ni James at tinapik siya. "James, kumilos ka na. Diba bibili pa tayo ng gamit."
"Mm-mmmm"
"Pare."
"Oo, 5 minutes."
Huminga si Ace ng malalim at lumabas para umupo sa sala. Nilabas niya ang phone nya at binuksan ang Facebook.
Gia Sanchez sent you a friend request.
Nanlaki ang mata ni Ace at binuksan ang profile ni Gia. Baka mamaya poser 'to. Napa-isip si Ace kung bakit inadd siya ulit ni Gia. Pagkatapos nung nangyari, nagdeactivate si Gia at umalis sa Manila ng isang buong summer. Mukhang bagong gawa itong account. Nagulat nalang si Ace noong bumukas ang pinto at lumabas si James.
"Nyare sayo, tol? Para kang nakakita ng multo." sabi ni James habang nagtitimpla ng kape.
"May Facebook na ulit si Gia." sabi ni Ace.
"Hmm."
Tinignan ulit ni Ace ang kanyang cellphone at inaccept ang friend request.
Parang biglang nag-iba yung takbo ng mundo ni Ace sa nakita niya.
YOU ARE READING
Confessions of the In Crowd (Year 1)
Teen FictionA scholar from the province learns the ups and downs of being part of the "in crowd". Parties, drama and everything else he had never dreamed of doing. Will he survive? Or will he be sucked into their messed up world?