Tiara's Pov
Pag pasok namin ni ash hindi ko akalain na pati sa room na papasukan ko ay may mga animal na mambibwisit sakin.
Buong klase inantay ko lang na lumabas si prof at matapos ang oras dahil gusto ko nang umuwi dahil manunuod kami ni ash ng favorite movie namin.
--------
Makalipas ang ilang minuto dumating rin ang pinaka hihintay ko pero hindi muna kami lumabas ni ash dahil kumukopya pa ako ng lectures naka labas na lahat maliban sa tatlong lalaki at sa amin dalawa ni ash.
Palabas narin sana sila nang tawagin ko pero mag papaalam lang naman ako na late ako uuwi. Nakapag paalam narin ako at nakausap ko naman ng maayus si kuya.
Dalwang note rin ang kinopya ko kay ash kaya mga 30minutes pa siguro ang nakalipas bago kami lumabas at dumiretso sa bahay nila.
20 minutes rin ang byahe papunta sa kanila dahil mabilis mag patakbo si ash pinagamit ko na ang kotse kila kuya dahil isa sa kanila ang walang dalang sasakyan may awa pa naman ako kahit papano kahit lagi nila akong tinutukso.
Habang nasa byahe nadaanan namin ang mcdonalds.
"Tigil mo muna sandali bibili ako ng fries".sabi ko kay ashley at inihinto naman nya ito.
"Sama ako bibili rin ako".bumaba rin sya.
Pag pasok namin sa loob agaw pansin sa paningin ko ang babaeng parang linta sa isang sulok.
Nang medyo humarap sa way namin si athena ang gf ni kuya tyler lumalandi sa iba mukang mawawasak si kuya kapag nalaman nya ito.
"Hi tiara".diko napansin na naka tingin na pala ang bruha sa akin.
Nag wave lang ako at umorder na.
"Kumusta naman ang kuya tyler mo?".aba't lumapit pa ito sa akin kapal ng muka pagkatapos lokohin si kuya.
"Akala koba ikaw ang gf nya bakit hindi mo alam ang kalagayan ng kapatid ko?". Pag tataray ko dahil konti nalang sasampalin ko na sya.
"Nag tatanong lang naman ako galit kana kaagad".mataray nitong sabi sa akin.
"Ok sya".tipid kong sagot.
"Good sasagot ka pala ng maayus e".
"Best tara na hayaan mo na sya".si ahley.
Patalikod na ako ng hawakan nya ng mahigpit ang braso ko at sumabay palabas.
"Alam mo ikaw ang taray mong bata ka!!..".nanlalaki ang mga mata nya na galit na ewan pake ko sa kanya.
"Bitawan mo ako".sagot ko.
"Bakit kita bibitawan e ikaw yung unang nag taray sa loob diba".
"Sabing bitawan mo ako hindi moba nakikita nag mamadali kami may pupuntahan kami".
"As if naman na magkaroon ako ng pake sa pupuntahan nyong dalwang panget kayo".mayabang nitong sabi habang papadiin ang pagkaka hawak nya sa akin.
"Kapag hindi mo ako binitawan isusumbong kita kay kuya".
"Mag sumbong kapa".binitawan nya ako at nag lalakd na ako papunta sa sasakyan ng hilahin nya ang buhok ko.
"Tignan natin kung makapag sumbong kapa sa gagawin ko".sinuntok nya ako sa muka pati sa sikmura.
"Tumigil na kayo..tigilan mo si tiara".awat ni ashley.
Tinadyakan nya si ashley at tumalsik ito. Hindi ako maka ganti dahil hindi ako maka palag sa ginagawa nya.
Pero nang tangkain nya akong sampalin nahawakan ko ang braso nya at doon kona ginamit ang natutunan ko sa taekwando.
Lahat ng flying kicks ko tumama sa kanya at ilang mga suntok na dahilan upang ikapanghina nya at tumumba pag katapos ko gumanti ay hinila agad ako ni ashley patakbo sa sasakyan at iniuwi sa kanila.
Pag dating namin sa bahay nila ginamot kaagad nito ang sugat ko.
"Ayus kalang ba?".tanong ko sa kanya
"Ayus lang medyo masakit lang yung likod ko ikaw ang kung ok lang".
"Oo naman di naman gaanong masakit".
"Pero parang napuruhan mo sya girl".
"Hayaan mo sino bang nag simula".
"Sabagay..e paano yan uuwi ka sa bahay nyo na puro bangas muka mo ano nalang reaksyon nila mamaya".nag aalalang sabi ni ashley.
"Ako na bahala".
"Pero astig mo kanina ah diko alam marunong ka pala sa ganun".
"Bata palang ako nag aaral na ako mag taekwando every summer nag sasanay ako".
"Wow naman pede kaya ako sumama sayo mag aral nun".
"Kung gusto mo bakit hindi".
"Talaga.!!! Ay naku sasama talaga ako sayo sa summer!!". Excited ang muka nya.
"Pwede namang turuan kita kapag wala tayong ginagawa".
"Sige ba".mas lumiwanag pa ang awra nya.
"Text me lang or punta ka sa bahay".
"Sige kung gusto mo bukas na bukas rin e".
"Grabe ka naman may pasok pa tayo".
"Syempre biru lang".
"Tapos na ang palabas uuwi na ako".
"Sige...pero teka paano ka uuwi wala kang kotse".
"Commute".
"Marunong ka?".
"Oo naman".
"Cge ingat ka ha".
Paglabas ko ng bahay nila may padaan na taxi kaya nakasakay kaagad ako habang nasa byahe nag iisip na ako ng palusot kung bakit ganto itsura ko.
-------------