Disyembre 12, 2014
Nagturo ako sa advisory class ko ng addition of whole numbers at decimals kahit konti lang sila. Natuto sila agad. Pagkatapos ay pinanuod ko sila ng movie at later ng short films sa Youtube, habang ako ay may ginagawa.
After recess ay pinasulat ko sila ng sanaysay tungkol sa kanilang mga alaala ng Pasko. Pinabasa ko una siyempre ang gawa ko, bago pa sila nanuod ng videos. Ito na ang finale sa araw na ito. Nakasulat naman sila bago mag-uwian. Ako naman ay nakatapos mag-revise ng Tambuli.
After class, pumunat kami ni Mia sa SM-Adriatico para mag-inquire ng ticket sa Rakrakan 2014. Ang kaso, hindi na nagbebenta ang small SM branch ng mga tickets. Sa MOA at SM Manila daw kami pumunta. Kaya, walang nangyari.
Sinamahan ko na lang si Mia sa paghahanap ng scrapbook materials na gagawin niya. Then, nauna akong umuwi. Magpapa-print yata siya ng pictures.
Pagdating ko sa boarding house, nag-PM si Epr. Bukas na raw siay uuwi. Maaga. Sayang nasa school ako. Hapon ko na siya makikita. Di bale makakasama ko na naman siya ng ilang araw. Sana rin ay makasama siya sa concert.
BINABASA MO ANG
Cinquain:Kuwento
Non-FictionAng cinquain ay isang uri ng tula na may limang taludtod. May syllabic pattern ito na 2-4-6-8-2 at word pattern na 1-2-3-4-1. Kadalasan, wala itong tugma.