021715

5 1 0
                                    

Pebrero 17, 2015

Naging aloof uli ako maghapon kay Donya Choling. Tahimik din ako sa klase ko. pero, nagpalitan kami. Nakapagturo ako sa Section 1 ng circumference at nakapag-quiz at summative test sa Earth at Mars. 

Ramdam ko na ang tensiyon kanina tungkol sa pag-iingay ko sa Facebook naming mga guro. Nakarating na sa kinauukulan. Hindi na rin ako kinakausap ni Donya Choling. Si Sir Rey naman ay binulungan ako. Magpa-reclass daw ako. Sabi ko, bakit pabulong? Dapat sinasabi ito sa lahat. Hindi naman siya nagkomento dahil siguro ay paalis siya. Pero, masama din ang loob ko sa kanya dahil inilihim niya sa amin ni Mamu ang bagay na ito. Karapatan naming malaman, interesado man kaming ma-promote o hindi.

Si Mamu ang kinakausap at tinatanong ni Donya Choling. Nagtataka ako kung bakit hindi nila ako kausapin. Anong problema nila sa akin? Natatakot sila? he he.

Nakakatuwa.. Natutuwa ako dahil narinig ang boses ko. Nawindang ko sila. Nabulabog ang buong faculty. Sabi ko na nga ba't malaki ang naging impact nito sa kanilang mga liko ang gawain. Dahil diyan, lagi akong magiging alerto sa mga maling gawain nila. Hindi ko sila palalampasin at uurungan. Habang may mali, buhay ako. Magsasalita ako.

Sa klase ko, katahimikan naman ang ginawa ko sa buong klase. Effective naman. Although, sadya talaga silang maiingay at madadaldal, pero alam kong natatakot sila sa pagiging tahimik ko kanina. Sinimulan ko kahapon. Itutuloy-tuloy ko na hanggang di sila nagbabago.

Umuwi ako ng maaga. Wala na akong rason para mag-stay ako doon. Ayoko na rin namang magtrabaho para sa kanila. Mas mabuti pang mag-Wattpad ako at mag-encode ng mga sanaysay ng mga pupils ko para matapos ko na ang "Panitikan sa V-Mars".

Cinquain:KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon