(2) PAST

44 3 0
                                    

Year 2016, tondo manila, phil

Jia's PoV

"JIA, bumangon ka na diyan bata, ka at tanghali na at mali-late ka naman sa klase mo."

Dahil maliit lang bahay namin dinig na dinig ko ang boses ng aking ina sa pagtawag sa akin.

Nakangiting bumangon ako sa kama at inaayos ang higaan ko. Simple lang buhay namin pero masaya kami.

Si tatay, nagtatrabaho sa construction at si nanay, sa bahay lang dahil ayaw pagtrabahuin ni tatay.

Ako naman nasa kolehiyo na rin. One year na lang ay graduate na rin ako sa kursong business administration.

Working student ako kaya kahit hindi masyado nahihirapan sa gastos sa'kin sina tatay at nanay.

Bunos pa ang boyfriend kong si kenji,
gwapo, mayaman at mabait. Wala na akong mahihilingin sa buhay ko.

I'm totally content and happy with my life kasama Ang mga taong mahal ko.

"Jia, nag-iimagine ka na naman!" Sabi ulit ng aking ina na ikinatawa ko.

"Nandiyan na po nay, ayusin ko lang po higaan ko sandali." Sabi ko at tinupi ang ginamit kong kumot pagkatapos lumabas na sa maliit kong kwarto.

Pagkalabas ko sa kwarto nadatnan ko si tatay, na umiinom ng kape habang nagbabasa dyaryo. Si nanay naman naghahain ng pagkain.

"Magandang umaga sa gwapo kong tatay at maganda kong nanay." Bati ko sa kanila.

Lumingon sa akin si tatay, at ngumiti.
"Bola ba yan anak, hindi ako nakaligo kaya hindi ako gwapo."

"Tay, talaga! Kahit wala kayo ligo ay gwapo pa din kayo para sa akin."

"Sus! Binola mo pa ang tatay mo." Ani nanay, at tumawa.

"Totoo naman nay, kaya nga po hindi niyo pinakawalan si tatay, noon e!"

Tumawa si tatay, sa sinabi ko."Oo nga naman nanay, ikaw pa nga nagligaw sa akin noon." Biro nito kay nanay.

"Sus, nagkasundo na naman kayong dalawa para bwisitin ako." Pikon na sabi ni nanay.

"Pikon!" Sabay namin turan ni tatay.

Wala man kaming magandang bahay, sasakyan at iba mga bagay na mayron ang mayayaman pero ang importante ay masaya kami.

"Siya nga pala anak, kumusta na kayo ng boyfriend mo?" Biglang tanong ni tatay, habang kumakain na kami.

"Oo nga anak, matagal na din na hindi siya nakakadalaw dito." Sabi naman ni nanay.

Yong boyfriend ko ay si kenji, nasabi ko na gwapo, mabait at mayaman.

Nakilala ko si kenji sa isang cafe, kung saan ako nagtrabaho noon. Nagtataka ako dahil sa dami ng babaeng pwede niyang magustuhan ay bakit ako pa.

Madaming babaeng handang gawin ang lahat mapansin lang nito pero sa akin siya na-inlove.

"Okey naman siya tay, busy sa work." Sagot ko.

"Busy ba talaga sa trabaho o may iba na siya." Biglang sabi ni nanay.

"Si nay, talaga mapagbiro." Sabi ko at tumawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love and money Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon