Isa na akong professional photographer. Nagtatrabaho ako sa isang magazine company. Part time photographer naman ako sa studio ng kaibigan ko. Nakapagtapos ako dahil sa pagsisikap ng tatay at nanay ko na nagtatrabaho sa Gobyerno. Sa Isang exclusive school ako pumasok nung highschool, nagiisang anak lang din kasi ako, ung tita ko na nasa US na kapatid ng mama ko ang katulong ng mga magulang ko sa pag-aaral ko, wala kasi siyang anak pero alam ko may ampon siya. kami na din ang nagsisilbing caretaker ng bahay nila dito sa Paranaque dahil naka base na siya doon kasama ang asawa niyang amerkano .Sa eskwelahan ko nung highschoool,ng may nakilala akong isang misteryosong lalaki pero malakas ang appeal sa mga babae. Hinding-hindi ko siya makakalimutan. Siya ang unang lalaking minahal ng puso ko.
Isa siya sa dahilan ng pagsisikap ko. Isa siya sa dahilan kung ano ako ngayon. Gusto kong malaman kung bakit hindi na siya sumagot sa last na email ko sakanya. Tuluyan na kaya niya akong nakalimutan? Gustong libutin ang buong States kaya nagtatrabaho ako ng maigi para mahanap siya.
Tok! Tok Tok!
“Kathy?” Ang boss ko. Kakatapos ko lang I-edit ang mga pictures from last pictorial shoot na ginawa ko sa isang artista na babae. Isa siya sa mga artista na naging kaibigan ko na. Madalas ko na din kasi siya kinukuhanan. Isang malaking billboard niya sa Edsa ilalagay ang indorso niyang pagkain.
“Pasok po.” Sabi ko.
“Okay na ba ang mga pictures?” sabi ng isang boss ko si Ms. Liz.
“Yes Ma’am Liz. Ready na siya for printing.”.Marami na rin akong nakuhanan na sikat na mga artista at modelo.
“Great! You’re the best talaga! Ikaw ang isa sa pinaka magaling natin na photographer.”sabi pa niya.
“Wala po un.” Ngumiti naman ako sakanya.
“Gusto mo ba sumama mag lunch samin?” tanong niya.
“Hindi na po siguro. May lunch date po kasi ako sa friends ko.” buti naalala ko nakikipag-meet up kasi ang 2 kong loka-lokang kaibigan.
“I see. Who’s the lucky guy?” huh? Sinabi ko bang makikipag date ako?
“No po. Friends po ang kasama ko. Alam mo naman wala akong time para dyan.”
“Okay. Okay. Pero sana minsan bigyan mo ng time. I’ll go ahead na muna.” At tuluyan na siyang umalis. Well matagal na akong naghihintay sakanya. Akala lang nila dito sa pinagta-trabahuhan ko never pa ako na-inlove. Pero akala lang nila un. Biglang nag ring ang phone ko.
“Babae? Asan ka na? nauna nanaman ako sainyo ni Rica.” Si shiela isa sa college friend ko.may sarili na siyang photography shop. Minsan rumaraket ako sa shop niya.
“Ganun ba. Paalis na ako ng office. Wait lang.” sabi ko pa sa kabilang linya.
“Wait? Ikaw ang magaling sa paghihintay okay. Hindi ako.” Tumawa pa siya sa kabilang linya.
“Ewan ko sayo! Si Rica kaya ang laging late satin tatlo. Nasa kotse na ako. Sige na mag-drive na ko. See you!” kung meron mang nakakaalam ng lovelife ko eh si Shiela at Rica lang un.
“Okay. Ingat ka ah. alam mo naman hinihintay mo pa si ano” sabi pa niya.
“Ewan ko sayo. Sige na bye!” that’s when I hunged up.
Mabilis din naman ako nakarating sa mall kung saan ko sila kikitain. Sa isang fast food chain kami nagkita ni Shiela.
“See wala pa si Rica.” Si Rica nagpapatakbo na ng sarili niyang negosyo. About sa mga Gadgets.
“Naku as always naman. Tara mag-order na muna tayo.” Pumila na din kami para makabili na ng pagkain.
“Hey guys! Sorry!” si Rica.
“Buti nakarating ka pa ah.” si Shiela.
“Hindi na kayo nasanay.” Sabi pa ni Rica.
“Ako sanay na. sanay na sanay na.” sabi ko naman sa kanilang dalawa.
“Kathy. Kamusta daddy mo? Diba nagkasakit siya?” si Rica.
“He’s fine na daw sabi ni Mommy. Bibisita ako sa Bulacan ths weekends.” Doon na kasi si Papa nagpatayo na isa pang bahay. Ung bahay namin sa Paranaque ay mga care taker na lang ang nakatira. Ako nakabili ako ng Condo ko sa Makati. Doon ako nauwi para malapit sa trabaho.
“That’s good regards mo na lang kami sakanila.” Sabi ni Shiela.
“Sure.” Every weekends kapag hindi ako busy sa trabaho talagang umuuwi ako sa Bulacan.
“Katherine Jimenez may birthday party akong raket next week pwede ka ba?” sabi ni Shiela.
“Ikaw talaga may trabaho pa si Kathy eh. Kinukuha mo nanaman. Eh may photographer ka naman tiyaka andyan ka marunong ka naman mag take ng pictures. Kung gusto mo ako na lang,kaso lang.” Sabi pa ni Rica.
“Kaso lang busy ka sa negosyo niyo. Kaya ikaw nalang girl please?” si Shiela talaga makakahindi ba ako sakanya.
“Next2x week pa naman un. Kapag wala akong masyadong trabaho alam mo naman hindi kita matatangihan.” Sabi ko pa sakanya.
“Oo naman.pero sana talaga okay sched mo nun.” si Shiela. At lumagok siya ng drinks na order namin.
“Ay oo nga pala Kathy. Guess what?” si Rica. Nae-excite siya sa sasabihin niya.
“Hmm? Ano un?” tanong ko pa sakanya.
“May ipakikilala ako sayo papable.” Laki ng ngiti ng loka!
“Ano? ano ka ba naman Ric, wala akong panahon diyan.” Actually matagal na niyang sinasabi saakin yan. Wala naman akong interest ngayon sinusubukan naman niya ako.
“Tiyaga mo din Rica! Eh kahit sino prinsipe pa ata i-reto mo diyan kay Kathy. Hindi parin papayag yan.” Si Shiela. Well totoo naman hindi talaga ako pumpayag. Ayoko.
“Eh kasi naman nagbabakasakali lang na baka you know. Nakalimutan na niya si Ano.” si Rica. No no no way! Hindi ko siya makakalimutan. Kaya nga hindi ako makapag-date ng iba eh. Tinuloy ko na lang ang pagkain ko hinayaan ko na si Shiela ang sumagot para saakin. Total alam naman niya ang sagot ko sa tanong ni Rica.
“Jusko naman! Ewan ko kung paano mo talaga napapatakbo yan negosyo mo eh! Natural kapag ayaw makipag date hindi parin nakakapag-move on. Pero eto naman ang tanong ko sayo Kathy. Kelan ka pa makaka-move on?” tanong ni Shiela. Lumingon na din saakin si Rica. Hinihintay na nila ako sumagot. Tinaas ko lang ang dalawang kamay ko, sabay iling. Ewan ko ba 3 years since hindi na siya sumagot sa mga emails ko. 5 years na din since nung umalis siya. Ewan ko ba. Hindi naman kami pero bakit ang tanong saakin kung kelan ako makaka-move on. Kasi dapat doon na din patungo un,noon.
“Naku hindi ko alam kung ano napakain sayo ng “Highschool sweetheart” mo na yan. At hanggang nagyon eh siya parin.” Umiling-iling parin si Shiela saakin. Actually college friends ko na sila ni Rica. Sa tagal tagal ng pinagsamahan namin alamna alam na nila ang tunkol sa unrequited love ko para kay Scott Martin.
“That’s what you call unconditional love noh?” si Rica. Ngumiti pa siya saakin. Parang kanina lang gusto niya ko i-reto sa iba.
“Ewan ko sainyo. Hayaan niyo na ako. Kumain na lang tayo.” Alam ko hindi nila ako naiintindihan sa ganitong sitwasyon ko pero alam ko magkikita din kami. I know he’s gone pero maghihintay parin ako.
BINABASA MO ANG
Maalala Mo Sana(KathQuen)
FanfictionMaalala ba ng puso mo ang pag-ibig na nilimot ng iyong isipan? Hinihiling ko lang ay Maalala mo Sana.