Fire's POV
"Aray! Ang sakit nun ha hayuuuup ka!"
"Ahck! Babae ka ba talaga! Argh! Apoy di ako makahinga!" Sabay tulak sakin ng mokong na to.
"Makatulak ka. Lalaki ka ba talaga! Hmp!" I rolled my eyes on him. Naglalaro kasi kami ng 2 player reactor sa iPad niya. E ang usapan matalo may pitik sa noo. E ang ginawa hinampas ako. Yes ppl. Hinampas niya ko.
"Oy sorry na naman oh. Sige na." He said. And he cling his arm on me. "Sorry na pooooo." At nag beautiful eyes pa ang mokong.
Tumikhim ako at tinignan siya "Pizza ko muna." Napakamot siya sa ulo niya at tumingin sakin na paramg di makapaniwala na gusto ko nanaman ng pizza.
"Apoy kakaubos mo lang ng dalawang box-"
"Ah Osha friendship over." At ngumuso ako at sumiksik sa pinakadulong pwesto sa sofa.
I heard Dahon sigh at kinuha na ang cellphone niya sa bulsa niya. Tinignan niya muna ko ng paawa Pero pinigilan ko ang mapangiti at tinarayan lang siya.
Ilang sandali pa ay narinig ko ng tinawagan na niya ang pizza hut at umorder ng 2 family size pizza.
"Ang takaw takaw mo talaga! Baboy na apoy-"
"Hep! Ayaw mo na makita kambal ko?" At bigla nanaman siyang umamo na paramg tupa. Napangisi ako. Lakas ng tama nito talaga kay Ice. Bilib din ako sa kambal ko e. In just one night nakakuha ng baliw. Baliw sakanya. Napailing ako.
"Isama mo ko sa France." He said habang ngumunguya ng pizza KO.
"Ayok-"
"Araw araw may supply ng pizza."
Umiling ako.
"2 boxes. Family size. Araw araw." Nagliwanag ang mukha ko ay agad na tumango sa deal niya. Oh gesh. That's pizza.
"Takaw talaga." Rinig kong bulong niya. Pero dahil mabait ako ngayon pinalampas ko muna.
Sunday ngayon at day off ko. Kaya andito ko nakatambay sana sa bahay sana para magpahinga. Unfortunately, may Dahon na nangugulo sakin ngayon. Kaya wala din. Para lang akong nagalaga ng bata. Wala din akong pahinga.
Ganyan lagi routine namin ni Dahon dito sa bahay. Minsan nga dito na natutulog yan e. Pero sa kwarto yan ni Ice. Kahit sobrang close naman na kami ng mokong na to. Di parin naman nawawala standards ko. Ayaw ko ng may katabing panget noh! Hmp.
Monday morning ng pumasok ako sa school at ganun pa rin ang tingin sakin ng mga tao dito. I sighed. Sanay na sanay na ko sa mga tingin nila. Konti nalang naman e. Tas next week wala ng pasok naman.
BINABASA MO ANG
The Glass Slipper (Short-Story)
Fiksi Remaja"It fits..." he said. And with those two words, destiny has fallen and fate was changed.