Welcome home

4 0 0
                                    

Jerome's Pov
Nandito ako ngayon sa restaurant ng mga Villaruiz, kasama sina Jake, Michael at Mark. This restaurant is a façade only, sa likod nito may tago kaming kwarto na pasugalan. Nasa restaurant kami para kamustahin ang kita ng pasugalan sa loob ng ilang araw at pinag uusapan na rin namin ang ilang mga bagay na dapat ayusin sa bentahan namin ng mga armas.
"Kamusta na pala ang parents niyo? May balita na ba kayo sa kapatid niyo?" Tanong ni Mark

"Darating na sila bukas. Luckily iniisip ni bunso at ng mga kaibigan niya na pinagtatangkaan ng ex fiancée niya ang buhay niya kaya napilit siyang bumalik dito." Sagot ko sakanya

"Ex fiancée??" taking tanong ni mark

"Nakipag hiwalay si bunso sakanya dahil nahuli niyang nakikipag sex sa ibang babae yung hayop nay un sa loob mismo ng apartment niya. At pinilit niya ang kapatid naming na makipag balikan dahil ayaw ni bunso sapilatan niyang sinama ang kapatid namin!" Sigaw ni Jake

"Ang sabi ni Dad, binugbog niya at kinaladkad ang kapatid namin. Mabuti at dumaan ang mga kaibigan niya sa bahay niya kaya natulungan siya at sinampahan ng kaso ang gagong lalakeng yun." Galit na sabi ko. Tuwing maaalala ko yan, gusto ko talagang patayin ang walanya.

"She did not choose a guy wisely." Sabat ni Michael

"Nainlove lang si Bunso at inakalang mahal talaga siya ng gagong yun." Depensa ni Jake

"Haha. Hayaan niyo yang si Kuya never pang na inlove kaya ganyan." Sagot ni Mark

Agad naman siyang tinignan ng masama ni Michael. Ang malas talaga ng taong maiinlove sa isang to. Walang pag mamahal sa katawan, kaya nagtataka ako kung talaga bang magkapatid sila nitong chick boy na si Mark. Masyado kasi siyang seryoso, gwapo sana nakakatakot naman makatingin at magsalita.
Buti na lang ako medyo sweet. Haha.. Kaya kahit medyo magulo ang mundong pinasok ko napagtitiyagaan ako ng Misis kong si Mira at anak kong si Cathy. Though hindi alam ni Cathy ang buong detalye ng trabaho ko dahil 12 years old pa lang siya at ayoko siya maexpose sa mga ganitong bagay. Pero hindi rin naman malayong malaman niya lalo na't lumalaki na siya. At may kaunti na rin siya nalalaman, tulad ng simpleng pagtatanong niya kung bakit may mga baril sa ilang drawer sa bahay at may naririnig din siya tungkol sa pasugulan ng minsang narinig niya yung mga abnormal naming tauhan sa labas ng resto bar.
Kailangan ko pala ipahanda kay Mira yung kwarto ni Bunso. Lumabas ako at tinawagan ang misis ko.
Eto na makakabawi na rin kami sa wakas kay bunso.
Jenny's POV
Eto kami ngayon nasa airport, nagpapa alam sa mga kaibigan ko. Ayoko sana ng drama, pero etong si Eunice at Sharon ayaw tumigil.
"Baby girl, always be online ha!" Bilin ni Eunice
"Yeah, call us once in a while." Singgit pa ni Sharon
"Babes! We will miss you." Sabay yakap sa akin ni Allen
"Yeah, I know." Sagot ko sakanila
"Don't forget us ha!" Dagdag ni Sharon
"Group hug!" Sigaw ni Eunice
Sabay yakap nilang tatlo sa akin. Mamimiss ko rin naming sila. Sila ang naging pamilya ko dito sa Australia sa loob ng sampung na taon.
"Stop the drama guys. I call will you all whenever I have time. And you can always come and visit me in the Philippines." I told them
"Bunso, we need to go now." Singgit ni Dad
"Thank you very much to all of you, for taking a good care for my daughter." Paalam ni mom sakanila
We all waved our goodbye and took the plane.
Thank God! Direct flight ang kinuha nila so after 8 hours and 30 mins we arrive in Manila. Then we drove few more hours to reach Batangas. Unang bumungad sa akin si Kuya Jake pag baba ko ng sasakyan.
"Ang laki mo na bunso! Namiss kita ng sobra." Sabi niya habang yakap ako
"Namiss din kita kuya." Sagot ko sa kanya.
Pagkabitaw niya sa akin napansin ko naman si Kuya Jerome sa gilid niya katabi si Mira at ang isang bata. Si Cathy na siguro ito, ang laki na niya.
"Bunso, masaya kami at nakauwi ka na." Yakap ni Kuya Jerome sa akin
"Welcome home Jenny" Singgit ni ate Mira
"Yeah, I 'am home now. At marami kayong ikwekweto at ipaliliwanag sa akin." Sabi ko sa kanila.
"Mano po, tita." Singgit ni Cathy
"Naku ang laki laki mo na, huli kitang nakita 2 years old ka pa lang. And wag ka na mag mano sa akin I feel old. Beso na lang ok?" Sabi ko sakanya
"ok po tita." Sagot niya
"Asus, matanda ka naman na talaga bunso." Pang aasar ni Kuya Jake
"Naku, tama na yan! Alalayan niyo muna ang kapatid niyo at dalhin sa kwarto niya para makag pahinga." Sambit ni mom
Agad naman akong binuhat ni Kuya Jerome at dinala sa kwarto ko. Matagal nga akong nawala, ang laki na ng pinag bago ng lahat. Sila kuya hindi lang tumangkad ang lalaki na rin ng katawan nila, mukhang suki sila sa gym nila papa. Ung bahay namin lumaki na rin at kahit itong kwarto ko mas Malaki sa dati.
"Magpahinga ka muna dito bunso." Banggit ni kuya Jerome pagkahiga niya sa akin sa kama
"Jenny, may mga ilang damit nga pala dito cabinet. Tapos ung cr mo nilagyan ko na rin ng basic necessities para may magamit ka. Pina akyat namin ung mga gamit mo kay Jake, ayusin ko na lang pag akyat niya." Sabi ni ate mira
"Ako na ate. Kaya ko naman." Sagot ko sakanya
"Hindi na. I insist Jen. Magpahinga ka lang Mabuti para gumaling ka kaagad at may makasama na kami gumala ni Cathy." Sabay kindat niya sa akin
"Iwan ka muna namin. Mag pahinga ka." Paalam ni kuya
Ngayon ko na lang ulit naramdaman na may totoong pamilya ako. Siguro panahon na nga para bigyan ko sila ng chance maka bawi. For the 1st time after 10 years I felt home.

Change me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon