Jake's POV
"Long time no see Jake. Scotch? Kamusta ang kapatid niyo?" Bati sa akin ni Marie sabay abot ng baso ng scotch.
Nandito ako ngayon sa bar nila para sa ilang koleksyon ng mga pera at droga. Minsan siya ang tumatayong bartender dito pag busy ang bar.
"2 days akong nag stay sa bahay para alagaan si bunso. Maayos na siya, bukas pwede niya ng tanggalin yung cast niya. I guess malaking tulong ang pagiging doctor niya, she knows the do's and don'ts." Sagot ko kay Marie.
"So, in 2 days makikilala na naming siya ng personal. Sabi ni Dad pumunta daw kami sa meeting para maging komportable siya na may ibang babae siyang kasama. Hahaha... Nakaka intimidate naman kasi kung kayo lang nila papa at ng mga kuya ko ang nandoon." Tawa ni marie sa akin
"Trust me, hindi basta basta na iintimidate ang bunso namin. Actually, it's the other way around." Ngisi ko sa kanya.
I know nag aadjust si Jenny sa lahat ng impormasyon na nalaman niya nitong mga nakaraang araw. Nag aalangan pa nga kami kung ready na ba talaga siyang makilala ang mga Villaruiz at mainvolve sa mundong ginagalawan naming. Ang sagot niya lang sa amin:
"I don't give two shits of who they are! I deserve to know the whole truth. Kung magtatago pa kayo sa akin ng kahit na anong secrets, lalayas ako!!!"
Napangiti na lang ako sa tuwing maaalala ko yang sinabi niya. Haha... I thought she totally changed, but I guess some old habits die hard.
"Very well then, I'm excited na makilala siya." Sagot ni Marie
"Yeah. Mauna na ako. Naikarga na lahat ng kailangan sa kotse. Ako ang convoy nila ngayon." Paalam ko sa kanya.
"Sige, Ingat Jake."
-
Jenny's POV
7:00pm
Nandito ako ngayon sa kusina, tumutulong kay mom para sa dinner. It's been 3 days since I got home, natanggal na rin yung cast ko kaninang umaga. Kaya heto ako ngayon nakakagalaw na ng maayos mag isa. Magaling na ung ribs ko, etong paa ko naman nailalakad ko na pero hindi pa pwede makatakbo dahil medyo masakit. All in all, I'm doing fine.
"Anak, ako na diyan. Maupo ka na doon sa table. Parating na ang mga kuya mo." Saway ni mom
"Mom, I'm fine. Need ko rin naman ma exercise for my fast recovery. Stop worrying, I 'am a doctor I know what's best for me." Sagot ko sa kanya
"Ganyan ba talaga pag malaki na ang mga anak mo? Hindi na sila marunong makinig?? Nag aalala ka lang bilang magulang pero sa kanila wala lang." Pag dradrama niya sabay tingin kay Ate Mira. Naghahanap ng kakampi.
"Sinong hindi marunong makinig Hon?" Tanong ni Dad
Dumating na pala sila nila kuya. At naabutan nila si mom na nag dradrama. Great! Just great!
"Bunso, ayaw lang naman ni mama mapagod ka." Sabi pa ni Kuya Jake
"Gusto lang naman naming na gumaling ka agad." Dagdag pa ni kuya Jerome.
"Hindi naman pwede naka higa lang ako maghapon. I need exercise. Trust me, I 'am a doctor for goodness sake." Depensa ko sa kanila.
"Tignan mo Hon! Malaki na sila, ayaw na nila nakikinig sa atin." Drama ulit ni mom
"Princess, hayaan mo naman kami maka bawi sayo." Sabi pa ni papa
"Fine. I'll go and seat." Knowing my defeat, hahayaan ko na lang sila.
Ngiting ngiting naman sila habang isa isa na rin silang umupo.
"I know sanay kang inaasikaso ang sarili mo Jen. Pero ngayon sanayin mo na ang sarili mo na pinagsisilbihan. Kahit ako nung una nahihirapan, kasi nakakahiya na ang mother in law ang laging nag preprepare ng pagkain." Bulong sa akin ni Ate Mira
BINABASA MO ANG
Change me!
RomanceJenny Rose Reyes grew up from a loving family. Having her Dad and mom's support all the time and having over protective older brothers. Everything was normal until, she graduated high school and was sent to Australia to attend college. Buong akala n...