Chapter 01 MY REAL FAMILY

8.3K 138 3
                                    

Asha's POV

"Asha anak, gising na! Kakain na tayo" rinig kong bulong sa akin ni Mommy.
Bat parang anlambing nya ngayun.
Niyakap ko ang unan ko ng nakapikit.
Teka? Bakit parang may tumutusok sa likod ko? At, bakit mejo matigas yung unan? Agad akong napadilat at diretsong umupo.
Napahawak nalang ako saking noo nang maalala kong nasa bahay na pala ako ng bago kung bago kong magulang.

"Maayos ba ang tulog mo anak?" malambing nitong saad sakin habang hinahaplos ang aking buhok.

"O-Opo m-ma" nauutal kong sagot dito. Sinuklian nya lang ako ng ngiti bago nagsalita.

"Labas kana kakain na tayo." nginitian ko nalang sya at tuluyan na itong umalis. Nakahinga ako ng maluwag ng nakalabas na ito sa pintoan.

Pinagmasdan ko ang aking kwarto. May isang katre na may bed sheet at dalawang unan. Sa gilid ng katre ay may lamesa kung saan naroon ang maliit na salamin at iba pang gagamitin tulad ng suklay, pulbos... May maliit na aparador sa gilid at may bintana naman sa harap nito.
Nakikita ko sa mga gamit dito na pinaghandaan talaga. Malinis at walang sagabal. Maliit lang ang kwarto ngunit komportable naman ako.

Unang tingin ko palang ay napakalayo na nang itsura nito sa dati kong kwarto. Napayuko nalang ako ng maalala ko ang nangyari. Dahan dahang naglandas ang aking mga luha. Sumisikip rin ang aking dibdib.

Agad akong napapahid ng may kumatok.
"Asha, halika na kakain na tayo. Ikaw nalang inaantay namin" boses iyon ng lalake. Kahit diko ito kilala ay nag ayos narin ako ng aking sarili at lumabas.
Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko itong nakatalikod sakin.
"E-Excuse me?" patanong ko dito.
Dahan dahan itong lumingon sakin na may magandang ngiti sa kanyang labi. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Mula sa noo, sa kanyang singkit na mata, ang matangos nitong ilong hanggang sa labi nito.
"Oo, alam kong magkamukha tayo. Pero wag mokong titigan ng ganyan nakakatakot ka eh" natatawa nitong sambit habang kamot ng kamot sa kanyang batok.
"S-Sino ka?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Oo tama yung sinabi nya.
Magkapareho kami ng mukha. Boy version ko ata to eh.
Umubo pa ito bago nagsimula. Tumayo ito ng maayos at inilahad ang kanyang kamay.
"Asha, I am Ash Kinnell Perez. Your poging brother." pakilala nito sabay kindat.

Natatawa ako nung sinabi nyang poging brother. Kung sabagay gwapo naman talaga sya. Kumunot ang noo nito ng napansin nyang natatawa ako.

"Asha Kinnersley P-Perez" nagdadalawang isip pako kung gagamitin koba ang lastname niya. In the end ginamit ko narin. Reality. Ang sakin nalang ay tanggapin ito.

Tinanggap ko ang kamay nito at nakipag shake hands. Nabigla ako ng bigla nyang higitin ang kamay ko kaya napalapit ako sa kanya at inamba nya ako ng yakap.

"I miss you" malambing nitong sabi sakin. Sinuklian ko nalang ito ng yakap. Ewan ko pero ansarap sa feeling ng nayakap ko sya. Feeling ko safe ako sa kanya. Well, kuya ko nga pala sya.

"Tara na. Inaantay na tayo ni Inay" sabi nito at hinawakan ang kamay ko at kinaladkad pababa. Dalawang palapag ang kanilang bahay. Malinis rin sa labas. Ang hagdanan ay diretso sa sala. May tatlong malaking upuan na magkaharap. At sa harap ng mga upuan ay flat screen tv hindi ito masyadong malaki. May lamesa rin at naka floor mat naman ang simento.

"Pagpasinsyahan muna ang bahay natin Asha, masyadong maliit." nahihiyang sambit nito habang naglalakad. Hawak pa pala nito ang kamay ko.

"Ano kaba. Okay lang po ito." nakangisi kong sagot. Oo ngat maliit ito kumpara sa bahay namin dati pero masasanay din ako dito. Hindi naman ako maarti.

"Halina kayo mga anak. At kakain na tayo"
Malambing na bungad ni Inay samin.
"Dito ka Asha kaharap ko" excited na sambit ni Ash habang hinihila ang isang upuan.
Napatawa nalang ako sa kakulitan nito. Pagkaupo ko ay saktong lumabas ang isang lalaking galing ata sa Cr. At diretsong naglakad papunta sa katabing upuan ni Ash.
Napatitig ako sa kanyang maskuladong katawan. Nakasuot ito ng puting damit kaya bakat na bakat yung katawan nito.

My Brother My Lover  (Puella Pulchra Series 01) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon