Dedicated to x_xMERIx_ ❤️
Chapter 3Plan
"Let me see your card," utos ni daddy sa akin.
Kasalukuyan kaming nasa hapag at naghahapunan. I'm still on my uniform at nagpasyang mamaya na lamang magpalit. I haven't changed yet because I always want to eat supper with him. Parang naging tradisyon na iyon dahil hindi kami gaanong nagkakasama at nakakapag-usap kung umaga. Liban na lamang kapag weekends. Kaya ang lahat ng pagkakataong maaari siyang kasama ay sinusulit ko na. Pero sa unang pagkakataon ay tila gusto kong putulin ang tradisyon na iyon dahil sa tinuran n'ya. Ang limang salita na iyon ay naging hudyat upang unti-unting gumuho ang mundo ko.
"Dad, we're still eating. Can't you see?" subok kong walain ang atensyon n'ya sa pang-uusisa sa card ko. Lalo ko lamang pang binagalan ang aking pagsubo.
"I'll ask Nora to get it. Is it on your table?" muli niyang pagpupumilit. Wala naman akong nagawa kung hindi ay tumango na lamang. "Yeah..." malamlam kong sagot. Nakikinita na ang mangyayari.
Sige dad, ipilit mo pa! Just don't blame me if you won't make it to chapter four. Ano nga ulit ang number ng ambulansya?
"Nora, pakikuha ng card nitong si Saffhire. Nasa kwarto niya, sa table," marahang utos ni dad kay Ate Nora.
"Opo, ser," agad naman tumalima ang huli at pumanhik paitaas.
"Dad, you look younger with that hairstyle. Sino ba ang gumupit niyan? Bagay na bagay sa'yo!" pang-uuto ko pa.
Hindi na niya pinansin ang papuri ko. He just knew me too well. Pati utot ko ata ay alam niya ang amoy. Nagpapatuloy lamang siya sa pagkain sa halip na pansinin ako. Nang magpunas siya ng bibig alam ko nang tapos na s'ya, kaya kailangan ko nang magdasal. Dahil maya-maya ay mukhang may masasabon nang walang bula. Sa hula ko ay Saffhire ang pangalan.
Nang natanaw ko ang pagbaba ni ate Nora, agad kong hinawakan ang noo ko. Naghahanda para sa isang acting na pang Oscar awards. Kung si Johnny Depp ay hindi nagkaroon, huwag n'yo akong mamaliitin.
It's showtime!
"Dad, nahihilo ako. I think I should go to my room, now," sumandal pa ako sa bangko ko. Lukot na lukot ang mukha upang mas maging kapani-paniwala.
"Ser, eto na po," sabi ni Ate Nora at iniabot ang card ko kay dad. Dahilan upang matabunan ang aking spotlight.
Jusko ka ate Nora. You're ruining my moment!
Walang pag-aatubiling ibinigay n'ya ang card kay daddy na nakabusangot na agad. Nang lumingon ang huli sa banda ko, mas lalong pinaghusay ko pa ang aking pag-arte. Kung aarte na rin lang naman ay mabuti pang bigay todo. Ngunit lumaylay ang balikat ko nang malamang hindi siya nakukumbinsi.
"Maloloko mo ang mommy mo, pero hindi ako, Saffhire. It takes more than that to make me believe," seryoso niyang saad habang isinusuot ang reading glasses niya.
Sunod-sunod ang naging paglunok ko dahil doon. I immediately straightened my back again, knowing that he isn't convinced. He's serious and now's not the time to kid.
'Paalam ATM's! Adios! Hanggang sa muli mga kapamilya!'
"Ehem..." pagtikhim ko and I purposely made it exaggerated sa pag-aakalang nalulunok ang kaba. Hindi pala.
Agad na kumalabog ang puso ko nang hunutin iyon ni daddy sa lalagyan. Samantala, hindi na ako mapakali sa aking puwesto at taimtim na lamang na nag-usal ng panalangin para sa aking kaluluwa.
YOU ARE READING
Entangled in Each Other's Arms
General FictionI always have an unexplainable fascination with my grandmother's particular story. It was as if meant, only for me. Like it holds a part of my existence. I was then young and naive, so clueless of the world, but I seem to remember, to believe and to...