c h a p t e r 2

14 2 0
                                    

•| Goody Flashback |•

N : grammatical errors ahead

Mei's

"Shit, shit, shit!" Mura ko habang isinusuot ang aking uniporme. Paano ba naman, first day na first day late ako nagising.

Palabas na sana ako ng kuwarto ng may makalimutan akong kunin. "Shit, yung sweater." Mura ko na naman.

Nang bubuksan ko na ang pinto ng bahay ay bigla kong narinig magsalita si papa. "Saan ka pupunta?"

Dahan dahan ko siyang nilingon, "Pa, hindi po ako tatakas, first day na po ng pasukan namin." Paliwanag ko.

Napaisip pa siya bago sumagot, "Ganun ba?"

Tumango na lamang ako. "O sige, umuwi ka kaagad." Dagdag pa niya.

Tumango na lang uli ako. Patapak na sana ang isa kong paa sa labas ng magsalita na naman si papa.

"Wala man lang ba akong goodbye hug?" Biro niyang tanong.

Natawa na lamang ako at niyakap siya. "Okay na pa?" As I chuckled.

Hinagod niya ang buhok ko, "Oo anak, osiya magiingat ka."

"Opo, balik ako agad pa. Bye bye~" paalam ko.

He's not actually my real father. My real father passed away 8 years ago. Nagpakasal uli si mama sa iba at lumipad patungong America para magtrabaho. She left me here with my SUPER DUPER ULTRA MEGA OVER PROTECTIVE DAD. Sa sobrang protective niya sakin, sa sobrang gusto niya ang nakabubuti sa akin, he became violent. He's actually a good father, ang problema lang nga ay umaabot siya sa pagiging bayolente kapag 'di ko nakukuha ang gusto niya.

I've reached the school in just 7 minutes kasi nakabisikleta ako. Pinarada at ikinadena ko na ang aking bike and I ran as fast as I could. Shit I can't be late.

I've reached the door of our room.

Inhale---- exhale-----

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago pinihit ang doorknob.

"Mimi...!?"

Isang babae ang nahagip ng mga mata ko.

"S-S-Stacyyy!?" I shouted back.

Tumayo siya sa pagkakaupo at pumunta sa kinatatayuan ko ngayon.

"I MISS YOUUU!" as she hugged me.

A-aray..

"I MISS YOU TOOOOO" sabi ko pabalik sakaniya.

"This is not a coincidence, isn't it??" Sambit niya.

Napatango na lang ako bilang sagot sa sobrang saya. She looked behind me and inusog ako palayo sa pintuan.

I noticed the room. Teka? Kami palang nandito?  I checked my phone and 6:48AM palang ng umaga. Pero 7:39AM na kanina sa bahay? Aghh ang gulooo. Wait, bat nga pala ako inusog ni Stacy?

Lumingon ako sa pintuan at nakita kong may pumasok na lalaki. S-shit, he's tall. Dumiretso siya sa dulo sa may tabi ng bintana.

Maya maya ay hinila ako ni Stacy paupo at nagsimula ng bumulong. "Ang gwapo ano? Para siyang bampirang 'di kailangang sumipsip ng dugo." Kilig na kilig na sabi ni Stace.

Tumango na lamang ang aking naisagot dahil abala ako sa pagoobserba sa lalaking dumating.

Stacy's right. The man that just walk in--- he's super handsome. Para nga din siyang bampira cause shit-- look at his pale skin! Mas maputi pa siya sakin shit. Look at his cold blue eyes that suits his color, para talaga siyang bampirang 'di humihigop ng dugo. A good vampire indeed.

Iniwas ko na ang paningin ko at baka matunaw siya. He's wearing earphones at abala siya sa phone niya kaya he didn't notice us staring at him.

A few moments have passed at tumayo siya sa kinauupuan at lumabas sa kuwarto.

"Ang gwapo talaga ano!? Para siyang may lahi!" Kilig na sambit muli ni Stacy.

"Gusto mo?"
"Gusto mo?"
Sabay naming tanong sa isa't isa.
Pareho kaming napatawa.

"Hindi man ano ka ba"
"May boyfriend kaya ako"
Sabay ulit naming sabi-- Ha? Hanudaw? May boyfriend na siya!?

"M-may jowa ka na!?" I shockingly asked her.

"Oo naman duh, pakilala ko siya sa'yo minsan sige." She answered.

Habang nagchichikahan kami ay unti-unting dumadami ang mga tao sa classroom. Kasama na rin si Mr. Goody Vampire.

Today's class only last 3 hours. That includes our individual introductions. Sa sobrang daldal ni Stacy, I can't remember Mr. Goody Vampire's real name, aghh.

"Tara Mimi! Libot tayo!" Pag-aaya ni Stacy sakin habang inaayos ang loob ng aking bag.

"Next time nalang, may gagawin pa kasi ako eh." Pagdadahilan ko.

"Okiiii" she answered as she pout.

"Sorry Stace, bawi ako." At isinuot na ang aking bag at pinuntahan na ang bisikleta ko.

Paliko na sana ako sa bahay namin ng maabutan ko si papa palabas ng bahay.

Hininto ko ang aking bisikleta upang kamustahin siya.

"Hello Papa--"

*Slaps*

"Pa?" nakatanggap ako ng isang sampal sakaniya.

"San ka na naman galing? Akala ko sa eskwelahan!? Bakit ang aga mo!? Lumibot ka ano!?" Sigaw niya sa akin.

"P-pa maaga po kaming pinauw--"

*Slaps*

"Sasagot ka pa!? Pumasok ka na sa bahay dahil wala akong oras sa walang kwenta mong mga dahilan!" Sigaw niya uli at sumakay na ng kotse.

I didn't cry. I'm used to it.

Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kuwarto. After I changed my clothes ay nagsulat ako ng sulat upang magpaliwanag ng maayos kay papa. Inilagay ko ito sa lamesa sa living room at naglinis ako ng bahay.

Kumain ako ng kaunti at pumasok na muli sa aking silid.

"Nagchat pala sa akin si Stace" I talked to myself.

Stacy: Ang aga pala natin kanina! HAHAHA Bukas tumingin na tayo sa orasan ng tama!

Speaking of orasan. I looked into my wall clock at tumingin uli sa phone. Mali nga, masyadong advance yung wall clock. Tumayo ako at inayos ito.

It's already 8:24 in the evening at narinig kong bumukas ang main door.

Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan ko.

"M-Mei? Anak?" Tinig ni papa ang aking narinig.

Binuksan ko ito at pinapasok siya.

"Nabasa ko yung sulat mo sa sala. Sana ay mapatawad mo ako sa ginawa ko kanina sa iyo. Hindi ko sinasadya, 'di ko na naman nakontrol ang sarili. Patawad." Paghingi ni papa ng sorry.

Niyakap ko siya. "Ayos lang pa ano ka ba hehe." Sabi ko pabalik at kumalas na sa pagkayakap.

"Kain ka na pa, kumain na po ako. Matutulog na po niyan ako para makapaghanda sa pagpasok bukas." Sambit ko uli.

Tumango siya at lumabas na ng kuwarto. Tumayo ako at isinara uli ito.

If OnlyWhere stories live. Discover now