Chapter 02

255 5 3
                                    


Chapter 02


"Hoy! alam kong gwapo si Felix pero pwede ba wag kang tatangatanga lopez nakakahiya ka." mahinang bulong saakin ni Sev bago umalis para puntahan siguro si Charlota nakagat ko kagaad ang ibabang labi ko at mas lalo pang uminit yung mukha ko nang tinitigan ako ni felix. mamamatay na yata ako pesteeeeeee aaaaccckkkk.


"Hi Felix! nakauwi na pala kayo di ako sinabihan ni kuya-"


"I didn't know na mas clingy ka na pala ngayon kay Chase tsss." agad niya akong tinalikuran at umalis.


DA NERVE!!!!!


"HOY DI PORKE GUSTO KITA EH OKAY NA SAAKIN NA TINATALIKURAN MO AKO HABANG NAGSASALITA PA AKO!! ATTITUDE KA TALAGA LOVE!!??? BAKA PAGOD LANG YAN SA BIYAHE DI TAYO BATI!" sigaw ako ng sigaw wala na akong pake kahit pinagtitinginan na ako ng iba the nerve talaga! kapal muks din clingy clingy my face selos ata siya kay kuya.


"HAHAHAHA yawa ka Madi naka inom kaba ng black label? nawala na amats mo sis!"


Sinimangutan ko agad si Sanchi na walang ibang ginawa kundi mang-asar. Pero sa totoo lang gusto ko ng sumigaw pero hindi dahil sa hiya kundi sa kilig, I mean marami naman kasi ang nakakaalam na may gusto ako kay felix so what's the use of being pakipot? At least sumasagot na siya sa mga pinagsasabi ko unlike before silent treatment talaga! Di ako pinapansin pinapahalata pa talaga na inis na inis siya saakin!



"Hi Felix!"


ngiting salubong ko sakanya kakatapos ko lang maligo at kakain sana ako ng agahan ng makita ko siya may gagawin nanaman siguro sila na project pati ni kuya. Hindi man lang ako binati ni felix nakooooooo ngumiti parin ako at akmang lalapit para kulitin ulit si felix pero naunahan niya na ako.


"What the hell is wrong with you Madi we already talked about it na ayokong lumalapit ka saakin geez I know your kuya and I are best friend but that doesn't mean na hahayaan na lang kita na lapit ng lapit saakin especially ngayon. You can't like me Madi I already have a girlfriend at magseselos yun so please stay away from me!"


Napaiiling na lang ako sa mga naalala ko I was really hurt that day umiyak ako ng umiyak well I was just grade 9 that time and being rejected by your crush ng paulit ulit is very masakit! It really sucks that I am still clingy to felix kahit anong gawin niyang pagtataboy persistent talaga ako and I hate it too. But I know my limitations kasi nga may girlfriend daw siya.


Tumayo ako at nagpaalam muna saglit na kukuha lang ako ng drinks. Pagkadating ko sa countertop ngumiti agad saakin yung bartender.


"Anong sa inyo ma'am?"


"One negroni please." Habang hinihintay ko yung inorder ko nagmasid muna ako sa mga taong sumasayaw sa dancefloor at napatigil ng makita ko si Sev na sumasayaw kasama si Charlota di ko mapigilan na tumawa habang tinitignan sila Charlota was gracefully dancing to the music while Sev is pffftttt haha punyeta parang natatae di makagalaw ng maayos what a man! Buti at napapayag siya ni Charlota na dalhin sa dance floor eh di naman marunong sumayaw yang si Sev.


Napailing na lang ako at ng magtama yung paningin namin ngumisi agad ako at sumenyas na sumayaw na mas lalo niyang ikinairita HAHAHA. Napabaling ulit ako ng inilapag ng bartender ang inorder ko.


Uminom ako ng kaunti para lasahan the taste is quite like grapefruit juice. The bitterness of the Campari and the sweetness of the vermouth balance nicely and the gin gives it a good punch. Perfect!



Aalis na sana ako ng may humila saakin kaya't napaupo ulit ako damn ansaket ng puwet ko!


"Aurellia please let's talk" I rolled my eyes siya nanaman? It's no other than the psychopath basketball player of Ateneo na nanligaw saakin I keep on turning him down pero persistent din tulad ko pero my bad di ko siya type eh.


"Jeyred I already made it clear naman diba na I wanted you to stop courting me na. And please stop pestering me during practice namin, even during school days ano bang mahirap doon at hindi mo maintindihan? I know it's kinda harsh pero I just really want to be honest with you." Mahinahon kong sinabi sakanya iyon.


I know it's kinda harsh pero I just want to be honest ayoko siyang paasahin I'm not that heartless. I know how it feels to be rejected hindi ko naman masabi na napaasa ako kasi hindi naman ako pinaasa ni felix he even made it clear to me na hindi niya ako gusto and she already have a girlfriend. But ako lang ang nagpatuloy wala namang masama doon hindi din naman ako umaasa ng gaano charot umaasa parin naman pero I know my limitations.


"No!!! I already told you liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo and I'll make sure that you are mine only!" Hinila niya ako at pilit na hinahalikan damn this psychopath! Gusto kong umiyak ang sakit sakit ng pagkakahawak niya saakin feeling ko mamamaga yun shit.


"Ano ba! Jeyred bitiwan mo ako! Jeyred!!!" Sumigaw ako, mas lalo akong nanghina at kasabay non ay ang pagiyak ko dahil sa sakit ng pagkakahawak niya saakin pati narin sa panghahalik niya sa leeg ko damn it! Pilit ko siyang tinutulak pero mas lalo lang niya hinigpitan ang hawak saakin.


Pero nawala ang higpit ng pagkakahawak niya saakin pati narin yung panghahalik niya sa leeg ko parang bumagsak siya di ko alam basta iyak lang ako ng iyak nanginginig pa ako.


Di ko na alam kung anong nangyari basta namalayan ko na lang may humila saakin at niyakap ako.




"Fuck are you okay!?"

______________________________________________

A/N: uy sorry na ngayon lang ako naka update! Dapat last sunday kaso masama pakiramdam ko promise babawi ako!

Here's chapter 2 sana magustuhan niyo.

The Aces In Court (Game Series #1)Where stories live. Discover now