06

257 18 9
                                    

Chapter Six: Outburst

~*~
Xena's POV

Nagising ako ng maaga para makapunta ro'n sa quarantine area. Maya-maya pa raw makakarating 'yong medical team na inassign ni tita na sasama sa akin.

"Jevan." Tawag ko sa lalaking prenteng nakaupo sa may sala habang nanonood ng tv. Lumingon naman siya sa akin at agad na tumayo, naiirita talaga ako sa presensya nito.

"Aalis ka na? Tara na." I nodded and followed him outside. May dala akong face mask at surgery gloves para hindi ako mahawaan ng sakit, balita ko kasi na mabilis lang 'yong transmission ng disease pero I don't know in what way.

Kumuha ako ng face mask sa bag ko at inabot 'yon kay Jevan. Kinuha naman niya 'yon agad, siya muna ang sasama sa akin habang wala pa ang medical team.

Ang gagawin ko lang naman do'n is magcheck ng mga temperature nila then bibigyan sila ng mga gamot. Biglang tumunog ang phone ni Jevan kaya agad niya 'yong sinagot.

"Hello mom? Yep. Okay." Dinig kong sabi niya at inabot sa akin 'yong phone niya. Kinuha ko 'yon at nilagay sa tenga ko.

"Yes tita?"

"Are you on your way to the area?"

"Yes po. Buti na lang po ay napatawag kayo, I want to ask some questions." Sabi ko at inipit 'yong phone sa may balikat ko, kumuha ako ng notepad at ballpen para ilista lahat. I hear Jevan chuckled kaya pasimple ko siyang sinamaan ng tingin.

"Go ahead, iha."

"Paano po 'yong transmission ng disease?"

"Hindi naman siya air-borne kaya safe naman na huwag magface mask pero magdala ka pa rin. Through saliva siya, for example, uminom ka sa ininuman ng taong infected mahahawa ka." Napatango ako at sinulat 'yon sa notepad ko.

"How about the symptoms, tita?" I politely asked, sinulyapan ko bahagya si Jevan na mukhang nakikinig din.

"Hmm, base sa mga na-examine na eto 'yong mga nakita. Itchy skin na medyo nagcacrack na, nilalagnat, namumutla, medyo yellow ang mga mata and they have black circles underneath their eyes, nagsusuka, naglalaway and their gums....nagdudugo." Nagtaka ako nang matigilan si tita sa bandang huli, why is that?

"Is there a problem tita?" Tanong ko, medyo tumahimik kasi sa kabilang linya.

"Oh sorry, nothing." Mahinang sabi niya.

"Ano pong mga gamot ipapainom namin sa ka kanila?"

"Give them some medicines for fever and give them some vitamins. Make sure that they eat healthy foods, especially fruits. Always check their temperature every morning and afternoon, then always tell them to rest. Kung may nakita or napansin kang kakaiba, tawagan mo agad ako Xena. Are we clear?"

"Roger that." Sabi ko at binaba ang tawag, bahagya akong napakagat sa labi ko. Why am I feeling nervous all of a sudden?

"Ano sabi? May problema ba?" Napansin ata ni Jevan na malalim ang iniisip ko. Umiling ako at pinagmasdan ang paligid, mukhang malapit na kami.

Tumigil si Jevan sa tapat ng isang signage na West District ang nakalagay. I guess this is it, kinuha ko 'yong bag ko at lumabas ng kotse. Pinagmasdan ko ang paligid, tahimik lang siya parang walang katao-tao.

"Creepy." Bulong ko tsaka nilingon si Jevan na nasa tabi ko na pala, tinaasan ko siya ng kilay nang makita na nakatingin siya sa akin.

"Let's go." Sabi ko at tumawid papunta sa signage, pagkapasok namin ay puro puno ang bumungad sa amin at natanaw ko na ang maliit na village do'n sa may bandang dulo. Nagtipa ako ng message sa head ng medical team namin at sabi ay malapit na raw sila.

BloodbathWhere stories live. Discover now