Chapter Nine: Central District
~*~
Xena's POVNagtataka akong nagpahila kay Jevan papunta sa loob ng tent. Kinuha niya ang gamit ko, hindi pa rin tinatanggal 'yong hawak niya sa akin.
"Jevan, we need to help those two! Kailangan nila kumalma!" Sabi ko habang pilit na kumakawala sa hawak niya.
"No! We need to lock them up inside para wala ng ibang masaktan." Sabi niya.
"I just need to inject them!" Nilingon niya ako at umiling, binigay niya sa akin 'yong bag ko at hinila ako ulit papalabas.
Kita ko na hinaharangan nung ibang lalaki 'yong loob ng tent kung nasaan 'yong lalaking nagwala at kinagat. Nakita ko naman na gulat silang napaupo sa may lupa habang nakatingin do'n sa entrance ng tent.
"Shit. Mom, why is it happening again.." Dinig kong sabi ni Jevan kaya napakunot ang noo ko. Nilapitan niya 'yong isang lalaking gumapos sa nagwala kanina.
"Bakit siya nagkagano'n?" Tanong niya. I looked at the man at hinintay siya sumagot. I am still confused, normal pa ba 'yon?
"Hindi namin alam. Bigla na lang siya nanginig tapos parang may dinadama siyang sakit sa ulo niya pagkatapos siyang turukan ng isang nurse." Kumunot ang noo ko. Wala naman ako binilin na turukan or painumin sila ngayon ng gamot, what the hell?
"What? Wala akong sinabi na turukan sila ngayon. I just told them to monitor you and give you some foods." Nagtatakang sabi ko. Nainis ako, who is that witch? She just disobeyed me!
Nilingon ko ang paligid ko at nakita ko na nakatayo lang din ang ibang nurse. Nanliit ang mga mata ko nang makita na wala 'yong isa rito. Where the hell is that bitch?!
"Bukod sa kanya, sino pa 'yong naturukan niya no'n?" Tanong ulit ni Jevan. Anong meron at nagtatanong siya? Mukhang alam niya ang nangyayari, nawala tuloy sa isipan ko ang away namin kanina.
"'Yong isa lumuwas papunta sa may Central District, may bibilhin lang daw. Nagtataka nga ako bakit 'di pa 'yon nabalik ngayon." Napahawak sa sentido si Jevan at minasahe iyon ng bahagya.
"Jevan, may alam ka ba sa nangyayari? Care to explain?" Nakataas ang kilay kong balin sa kanya. He looked at me with his dark eyes kaya medyo napalunok ako, why is he staring at me like that?
"Remember what happened years ago? No'ng kapanahunan pa nila mom." Mas lalong kumunot ang noo ko. That was an apocalypse dahil daw sa isang sakit at ang daddy ni tita Heaven ang nakagawa ng potion, that's why the whole city is okay already.
"Oh what about that?" Tanong ko, napansin kong napataas ang gilid ng labi ni Jevan, looking amused.
"History is repeating it's fucking self." Mariin niyang sabi na nakapagpaawang ng labi ko. Ang ibig ba niyang sabihin na ang dahilan nang pagwawala ng lalaki kanina ay dahil sa sakit na katulad dati? What the fuck.
Agad kong naalala ang nakita ko kanina sa may ice cream shop. Biglang tumibok nang malakas 'yong puso ko, hindi kaya may nadamay na ro'n sa may Central District?
"I think I saw him earlier," Sabi ko na ikinalingon nila sa akin, "'Yong lalaking sinasabi mo na pumunta sa Central District, I saw him. Nanginginig siya tapos may dinadamdam siya but nawala agad siya sa paningin ko."
"Fuck." Dinig kong mura ni Jevan.
"Kailangan niyo na umalis rito, pack up your things and find a safe place to stay." Sabi ni Jevan at agad naman nagsi-alisan 'yong mga tao. He looked at me at hinawakan ako sa may pulsuhan. Hindi na lang ako umimik at nagpahila sa kanya, binuksan niya 'yong passenger's seat at pumasok ako ro'n.
YOU ARE READING
Bloodbath
HorrorA situation where people are killed by an unknown disease. Watch your surroundings or else they may attack you. Save yourselves, don't let them kill you. Don't let yourself experience bloodbath. ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~ Copyright © 2019 @purp...