Panimula

11 2 0
                                    

hello


Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha. Nararamdaman ko na ang amoy ng probinsya na naging parte ng aking pagkabata.

Ilang oras na akong bumabyahe patungo sa Bicol. May bahay kami doon at doon ay pansamantala akong mananatili habang dinadala ko ang aking anak sa aking sinapupunan.

Sa totoo lang, wala pa akong plano. Nang sinabi ko kila Mommy ang nangyari ay pinadiretso agad nila ako. Dapat nga ay sa kotse ako namin sasakay at ihahatid ako ni Kuya Miel kaso ay tumanggi na ako kaya nandito ako ngayon sa bus papuntang Donsol. Masyado kasing mahaba ang magiging byahe at ayaw ko na ring maging pabigat.

Wala sa mga kaibigan ko ang may alam na umalis ako at lalong walang may alam sa kanila na may bahay kami dito sa probinsyang ito kaya dito ako pinapunta nila Mommy. Nakapatay ang cellphone ko simula kahapon dahil alam ko naman na hahanapin niya ako.

Siguro ngayon ay nagtataka na 'yon kung bakit di ako nagrereply at kung bakit hindi ako ma-contact. Bumili ako ng bagong cellphone at simcard bago umalis at iyon ang gagamitin ko.

Matapos ang ilan pang oras ay nakarating na rin kami sa terminal ng bus dito sa Donsol. Kinuha ko na ang mga bagahe ko.

Sa malayo ay natanaw ko ang aking pinsan na si Liandra na nakasandal sa isang itim na kotse at nakakunot ang noo habang may kinakalikot sa kanyang cellphone. Pa unti-unti ay naglakad ako papunta sa kanya. Nang naramdaman ang presensya ko ay inilagay niya sa bulsa ang kanyang hawak at itinaas ang tingin. Nanlaki ang kanyang mata nang nagtama ang paningin namin at dali dali siyang tumakbo at binigyan ako ng yakap na mahigpit.

"Ate Adee! Kamusta ka naman? Tinawagan kasi ako ni Tita at sinabing sunduin kita. Nagulat nga ako kanina pagkasabi niya eh." Nginitian ko siya. Mukha namang di sa kanya sinabi ni Mommy ang dahilan kung bakit ako nandito.

"Okay naman. Nakakapagod parin talaga ang byahe papunta dito." Tumawa ako at tinulungan niya naman akong ilagay sa backseat ng kotse ang mga bagahe ko. I brought 2 large suitcase for my clothes and other things and a small black leather backpack for my important belongings.

"Bakit parang ang dami mo namang dala, Ate? Magbabakasyon ka lang naman ah."  Napalingon naman ako sa kanya habang nagd'drive siya.

"Dito na muna ako titira, Lia." Sabi ko sa kanya sabay lingon sa bintana. Matagal tagal na pala simula nang huling umuwi ako dito. Marami rami na rin ang nabago at nadagdag.

"Hala bakit naman, Ate? Sayang naman yung buhay mo sa Maynila." The curiosity on her voice was very evident.

Binuksan ko ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Hindi muna ako sumagot sa kanya. Naramdaman niya rin siguro na ayaw ko iyong pag-usapan.

Nang natanaw ko na ang gate ng mansion ay nilingon ko siya. Napatingin siya sa akin saglit at muling itinuon ang paningin sa daan.

Nang matanaw ng mga guardia ang sasakyan ay binuksan nila ang gate at tuluyan na ngang nakapasok sa hacienda ang kotse.

Nginitian ko siya ng malungkot at kasabay nun ang pagparada niya sa tapat ng mansyon.

Lumabas kami at habang kinukuha namin ang bagahe sa likod ng sasakyan ay tinawag ko siya.

"Lia."

"Hmm?"

"I'm here because I'm pregnant." Kasabay nun ang pagkahulog ng maleta ko na ibinababa niya.

——-

Stay With Me, AdeelahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon