Tumayo ako mula sa pagkakaluhod sa toilet upang kumuha ko ng towel sa drawer dito sa cr. Ilang araw na akong sumusuka tuwing umaga. May hinala na nabubuo sa utak ko pero pilit ko yung isinasantabi. Hindi pa ako handa. Marami pa kong gustong gawin at higit sa lahat, hindi ko alam kung handa na ba ako sa ganun ka laking responsibilidad.
Nag-ayos na ako ng sarili. I brushed my teeth and cleanse my face saka bumaba upang kumain ng almusal.
"Good morning." Mahinang bati ko. Nilingon naman ako ni Mommy at nginitian. Binati nila ako pabalik ni Daddy.
"Good morning, anak."
"Good morning, baby."Napansin ko naman na nakapambahay lang si Daddy e sa pagkakaalam ko ay may pasok siya ngayon. He works in our own company as the CEO. Pwede naman siyang pumasok kung kailan niya gusto pero sabi niya ay ayaw niya namang abusuhin ang kapangyarihan niya.
"Dad, why are you wearing those clothes? Aren't you suppose to wear you polo because you're going to work?" Takang tanong ko. Ibinaba niya naman ang hawak niyang dyaryo at sumimsim sa tasa ng kape na nasa harap niya.
Kumuha na ako ng sinangag at hotdog para kumain.
"I won't go to work today, Anak." Bakit naman kaya? Nangunot lang ang noo ko at hindi na nagtanong pa. Pinagtuonan ko nalang ng pansin ang pagkain ko.
Nang isusubo ko na ang pagkain ay lumapat ang amoy nito sa aking ilong na naging dahilan upang muling bumaliktad ang sikmura ko. Buti nalang at malapit ang cr dito kaya agad akong nakatakbo papunta doon.
Naramdaman ko ang presensya nila Mommy at Daddy sa likod ko. Hinagod ni Mommy ang likod ko at inipon ang buhok ko sa kamay niya.
"Adee, what's happening?" Bakas sa boses niya ang pagtataka sa biglaan kong pagsuka.
Nang humupa ang nararamdaman ay dumiretso ako sa sink para maghilamos.
"I'm fine, Mom."
"No. You're not fine. We're going to the hospital." Napapikit naman ako dahil sa kaba. Hindi ko pinahalatang kinabahan ako at humarap ako sa kanila.
"Okay, I'll go. Pero wag niyo na ko samahan, I can handle myself. Tsaka didiretso na rin ako sa mall at may kailangan din po akong bilhin." Paliwanag ko. Napabuntung hininga nalang silang dalawa at hinayaan na ako.
I just ate two slices of bread for breakfast para kahit papaano ay may laman naman ang tiyan ko.
After eating ay umakyat na muna ako para maligo at mag-ayos dahil kailangan ko pumunta ng ospital. I wore black high waisted pants, brown long sleeves midriff top, and white block heels. I blowdried my hair and I also put on some make-up para matakpan ang pagkaputla ko. Nang matapos ay bumaba na rin ako.
Pagkalabas ko ng sasakyan ay bumungad sakin ang isang mataas na puting building. Agad akong pumasok sa loob at nagtanong sa guard kung saan banda ang OB Gyne. Binigyan niya naman ako ng direksyon at mabilis ko lang itong nahanap.
I went to the nurse station to ask for help.
"You need to fill out this form, Miss. Wala naman gaanong pasyente kaya mabilis lang 'to." She immediately gave me a form so I filled it up with the necessary information.
Sobra sobrang kaba ang nasa puso ko ngayon. Natatakot ako sa magiging resulta pero kahit anong mangyari ay tatanggapin ko ito ng buong puso.
True to what the nurse from the desk said, agad akong natawag dahil maaga pa at kaunti palang ang mga pasyente. Nginitian ko ang nurse at nagpasalamat bago ako tuluyang pumasok sa loob.
"Good morning, Doc." Bati ko sabay ngiti.
Mula sa pagbabasa ng kung ano man ay umangat ang kanyang tingin at nagtama ang mga paningin namin.
BINABASA MO ANG
Stay With Me, Adeelah
General FictionWith what she overheard, every situation shifted.