Kabanata 1

33 7 3
                                    


Cheattel

"Nandito na tayo," ani Manong Jerry, ang driver ng mga Gimenez.

"Mauna ka na Cheattel, hihintayin ko lang dito ang mga kaibigan ko." ani Sir Stiven na abala sa kanyang cellphone.

"Okay po," tugon ko bago tuluyang bumaba ng sasakyan.

Hawak ko na ang Schedule ko, kailangan ko nalang hanapin ang building kung nasaan ang Faculty ng College of Architecture and Fine Arts.

Sa lawak ng Dewford, hindi ko alam kung saan ako magsisimula, mabuti pa siguro kung magtatanong ako sa mga guard para sigurado.

Sakto naman na may natanaw akong guard sa malayo kaya nagmadali ako sa paglalakad pero nahinto ako ng may mabanggang lalaki.

"Sorry po!" pagpapasensya ko.

"Okay lang," aniya at saka ngumiti.

"Pasensya na po talaga," muli kong sinabi, tumango lang siya at saka naglakad papalayo.

Agad naman akong lumapit sa guard na natanaw ko't itinanong kung saan ko matatagpuan ang College of Architecture and Fine Arts, nagbigay naman siya ng direction sa akin kasabay ng pag-abot niya sa akin ng Map ng School.

Medyo nalula nga ako noong nakita ko yung Mapa dahil sa lawak at laki nitong school, hindi naman na ako mahihirapan pa dahil dito.

Nagmadali akong pumunta sa room ko.

West Building, fourth floor, room 402.

Pagkarating ko room, sakto namang kaunti palang ang tao sa loob. Naupo ako sa bakanteng upuan at doon ay nakita ko yung lalaking nakabanggaan ko kanina.

"Dito ka rin pala?" aniya.

"Oo? Pasensya na kanina ah?" nahihiya kong sabi.

"Nako, wala yon, hindi ko akalain na magiging classmate pala kita." natatawa niyang sinabi. "Dylan Mercado nga pala," naglahad siya ng kamay at malugod ko naman iyong tinanggap.

"Cheattel Sebastian." tugon ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay isa-isa ng dumating ang mga magiging kaklase namin. Tumabi sa akin si Dylan dahil kami pa lang dalawa ang magkakilala. Medyo natagalan pa uli bago kami magkaroon ng bagong classmate sa row kung nasaan kaming dalawa.

"Cryan Cervantes," pagpapakilala ng bago naming classmate na naupo sa tabi ni Dylan.

"Lyndon Velasquez." pagpapakilala rin ng isa pang bagong classmate na naupo naman sa tabi ko.

Isa nalang ang kulang at makukumpleto na ang row namin, hanggang sa naupo doon sa tabi ni Cryan ang isang magandang babae.

"Zyra De Guzman," pagpapakilala niya sa aming apat.

Mukhang sila na ang magiging seatmate ko at mga magiging bagong kaibigan ko.

Ngayong first day ay hindi pa muna namin mami-meet ang mga magiging professors namin, ang Adviser palang ng section namin ang makikilala namin.

May orientation pa daw kasi mamaya at tour sa loob ng Dewford University. Sa lawak ba naman ng paaralang ito, maliligaw talaga ang kagaya kong first year.

"Hindi naman na kailangan pa ng tour," tamad na sinabi ni Dylan.

"Bakit naman?" tanong ko dahilan para tumingin silang apat sakin.

"Bago ka lang ba dito?" tanong ni Lyndon.

"Oo?" sagot ko, at doon nga'y tila nasagot ang mga tanong nila.

"Kaya naman pala," ani Dylan.

"Bakit? Anong meron?" tanong ko.

"Katabi lang kasi nitong Dewford ang school kung saan kami nag Elementary, High School at Senior High." sagot ni Cryan.

Finding The Campus DemigodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon