Kabanata 3

43 6 0
                                    

#315 - Mystery
#755 - Teenfiction

Yay!

-

Cheattel

Tila hindi makapaniwala sina Cryan, Lyndon, Dylan at Zyra sa sinabi ko. Kaya may dahilan talaga kung bakit ako sinugod ni Althea.

"Kaya ba sa kotse ka nya bumaba dahil sabay kayong pumapasok?" tanong ni Lyndon.

"Magkasama talaga kayo sa bahay?" tanong naman ni Cryan.

"Oo, tama kayo. Kaya lang naman ayaw kong sabihin na doon ako namamasukan ay dahil ayokong magkaroon ng problema si Sir Stiven ng dahil lang sa akin." sagot ko.

Pero mukhang malabo ang gusto kong mangyari, pangalawang araw ko pa nga lang dito sa Dewford at may nangyari na agad sa aking hindi maganda, ano pa sa mga susunod na araw hindi ba? Mas maganda na rin talaga na sabihin sakanila kung ano yung totoo.

Natapos ang klase alas singco ng hapon. Sa mga nangyari kanina, maraming sumagi sa isip ko. Dapat siguro ay hindi na ako sumabay kay Sir Stiven sa pagpasok at paguwi, para narin makaiwas ako sa gulo.

Nagpaalam na sa amin sina Lyndon at Zyra, samantalang si Dylan at Cryan ay kasabay kong naglalakad palabas ng school.

Naiilang ako dahil parang pinagtitinginan ako ng mga estudiyante, para ring pinaguusapan nila ako. O baka nagiisip lang ako ng nagiisip dahil sa nangyari kanina? Sana naman ay hindi na maulit yon.

"Uuwi na ba agad kayo?" tanong sa amin ni Cryan.

"Mag merienda ako sa Mall, kayo ba?" sagot ni Dylan.

"Hindi ko sigurado?" sagot ko sa kanilang dalawa kaya, hindi talaga ako makapagisip ng maayos.

"Kung gusto niyo, mag merienda tayo, sagot ko." alok ni Dylan.

"Okay, ako. Ikaw Cheattel?" ani Cryan.

"Tara." sagot ko.

Maaga kasi kaming pinalabas kaya hindi rin siguro masama kung sasaglit ako kasama sila.

Sa pagpasok namin sa Mall, dumiretso kami sa Coffee shop na binanggit ni Dylan dahil doon niya daw gustong mag merienda.

Nasa pintuan pa lang kami'y may natanaw akong pamilyar na mga mukha.

"Hanap na kayo ng upuan, ako na ang o-order." ani Dylan.

Naupo kami sa bungad ni Cryan. Nandito rin ang Demigods at mukhang naguusap usap sila.

"Kanina ka pa tahimik." nabalik ako sa sarili ng marinig ang boses ni Cryan.

"Sorry," pagpapaumanhin ko.

"H'wag mo na isipin yung nangyari kanina, hindi na namin hahayaan na gawin sayo uli ni Althea yon, magkakaibigan naman na tayo diba?" napangiti ako sa sinabi ni Cryan, parang mas magiging secure ako kapag nandyan sila.

"Oo, salamat ah." nakangiti kong sabi.

"Nandito rin pala ang Demigods." ani Cryan matapos ilibot ang tingin sa loob ng shop. "Kilala mo na ba silang lahat?" tanong niya.

Finding The Campus DemigodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon