Kabanata 2

34 7 3
                                    


Cheattel

"Good Morning," nahinto ako sa pagluluto ng marinig ang boses ni Sir Stiven. Gising na pala siya.

"Good Morning Sir, Coffee po?" alok ko.

"Ako na, ano yang niluluto mo?" tanong niya.

"Bacon po." sagot ko. "Katatapos ko lang po lutuin yung fried rice."

"Oh, parehas talaga kayo ni Manang Felly na masarap magluto." nakangiti niyang sabi.

Isang buwan na rin kasi akong naninilbihan dito sa mga Gimenez at ako palagi ang nagluluto dahil parehas lang naman kami ng Lola ko na marunong.

Sumagi sa isip ko bigla ang nangyari sa school kahapon, dahilan para mapatingin ako kay Sir Stiven. Nahinto naman siya sa pagtitimpla ng kape at saka tumingin sa akin.

"May dumi ba sa mukha ko?" natatawa niyang tanong sa akin.

Nabalik ako sa sarili ng marinig yon.

"Ah, wala Sir." sagot ko at saka bumalik sa pagluluto. Nakakahiya, sa harap pa talaga ni Sir Stiven ako nag space-out.

"Hindi nga? May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Sir.

"Wala po Sir." sagot ko.

Ilang minuto ang lumipas ng matapos kong lutuin ang lahat ng agahan, paniguradong maya maya'y mag aagahan na rin sina Ma'am Liss at Sir Steve dahil maaga silang pumapasok sa trabaho.

"Siya nga pala, anong oras ang pasok mo?" tanong ni Sir Stiven.

"Seven a.m po Sir." sagot ko.

"Ah, parehas lang pala tayo." aniya bago tuluyang kumain.

"Mag aasikaso lang po ako ng gamit Sir." pagpapaalam ko.

"Nakapag almusal kana ba?"

"Opo, nakakain na po ako. Kasabay ko po si Lola kanina." sagot ko. Bago ako magluto ay naglinis na muna ako sa sala at kusina, maaga rin talaga akong nagising para magawa ang lahat ng kailangan kong gawin dito sa bahay bago pumasok sa paaralan.

Kapag galing naman namin sa school, ako parin ang nagluluto ng hapunan, dahil nakiusap ako kay Lola na ako na ang bahala doon dahil nakakahiya naman sa mga amo namin kung paguwi ay magpapahinga na agad ako.

Matapos ang paguusap namin ay agad akong nagpunta sa kwarto ko upang maligo at para mag plantsa ng uniform. Inaasikaso naman na ni Lola ang mga uniform nina Sir Stiven, Sir Steve at Ma'am Liss.

Habang nag aayos ng gamit ay nadako ang tingin ko sa puting sobre na nasa study table ko.

Ano kayang ibig sabihin non?

Kahit na nag search na ako sa internet, eh wala naman akong nakuha na sagot.

Inilagay ko ang clue sa bag ko at saka humarap sa salamin.

"Laban!" nakangiti kong sabi bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Pag akyat ko sa sala ay nakita kong nanonood ng cartoon si Sir Stiven, mukhang kanina niya pa ako hinihintay.

Namamangha parin talaga ako dito sa Amo ko, mabait, gwapo, matalino, napaka swerte siguro ng magiging girlfriend nito? Idagdag mo pa na sobrang bango niya.

Ang lakas talaga ng dating ng mga lalaking mabango.

"Sir," pagkuha ko sa atensyon ni Sir.

"Kanina ka pa nariyan?" tanong niya na parang nahihiya dahil nakita ko siyang nanonood ng cartoon.

Finding The Campus DemigodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon