KABANATA 1
Tuwing umuulan, ang bawat tunog ng pagbagsak ng ulan ay tila mga munting tinig ng isang taong nakakulong sa sariling bigat ng emosyon nito. Mistulang nagapos ng mga salitang nag uunahan na nais lumabas sa bibig ngunit sa dami ng gustong ipahayag, ay parang nakakandado na ang bibig at hindi na makalabas pa ang mga salitang nais magpahayag ng damdamin. Dahil rito, tanging luha ang nagiging paraan upang maipahayag ang nadarama ng isang tao. Tulad ng ulan, kapag hindi na kaya pang bitbitin ng ulap ang tubig nito, bubuhos at bubuhos ito na tila kumawala sa bigat ng kulungan ng damadamin. Aagos ng aagos ang lahat tubig na nagmumula sa ulap hanggang muling maging magaan ito.
~
Bakasyon na naman ngunit heto, parang naka quarantine ang pakiramdam ni Caitlyn habang siya'y nasa loob ng kanyang kwarto. Sa loob ng apat na sulok na kanyang kinapapalooban, labing walong taon nang ganito ang kanyang pamumuhay. Nag aantay na lumipas ang mga araw hanggang muli na namang dumating ang araw ng eskwela. Sa hindi matukoy na dahilan, hindi niya alam kung may kabuluhan pa ba kung ipagpapatuloy niya pa ang kanyang pag-aaral. Grade 12 na siya sa susunod na taon ngunit hindi niya matukoy kung mananatili na lamang na ganito ang kanyang pananaw sa kanyang buhay.
Ito ngayon si Caitlyn, nakahilata sa kanyang kama at nakikipagtitigan sa kisame. Hindi niya matukoy ang maaari niyang gawin upang maibsan ang kanyang pagka buryong dahil panahon na naman ng bakasyon. Sa tuwing sasapit ang panahon na ito, laging naiiba ng nararamdaman si Caitlyn sa mga karaniwang estudyante. Kung ang ibang mga estudyante ay napaka excited tuwing sasapit ang summer, siya ay nakakaramdam ng kalungkutan dahil tanging ang pagpasok niya sa eskwelahan ang nakakatulong sa kanya upang maibaling ang kanyang nararamdaman na tila may isang espasyo sa puso niya na hindi matukoy kung ano ang dapat niyang gawin para magkaroon siya ng fulfillment sa pakiramdam. Parang may gustong gusto siyang makitang tao na matagal na niyang hindi nakikita o nakakausap ngunit hindi niya matukoy kung sino iyon. Hindi niya alam kung normal pa ba ito o dapat na ba siyang kumonsulta ng psychologist. Sa labing walong taon niyang nabubuhay sa mundong ibabaw, nananatiling ganito ang kanyang pakiramdam. Hindi niya matukoy kung may silbi pa ba siya sa mundong ibabaw.
"ARRGHH ang boring naman!" Ala singko na ng hapon at magagabi na naman, ngunit ito si Caitlyn buong araw na nakahilata sa kanyang higaan. Nananatiling kain-higa-cellphone-tulog ang kanyang routine.
Gigising sa umaga, kakain pag nakaramdam ng gutom
Hilata.
Dutdot sa cellphone maghapon na para bang napakamakabuluhan ng mga nakikita niya sa social media na ang tanging laman lamang ng kanyang feed ay mga tiktok ng mga kung sino sinong nagpapa cute at kung ano ano pang mga napaka walang kwentang posts na tila nagiging twitter na ang facebook.
Tapos, tulog.
Repeat.
"Hayss.. ganito na lang ba ako habang buhay? Putragis na buhay 'to nakaka urat!" singhal niya sa hangin na para bang may mangyayaring kakaiba pag nagreklamo siya ng ganito sa kanyang buhay.
Naisipan niyang tumayo at lumakad lakad sa kanyang silid. Humalukipkip siya at ipinatong ang kanyang daliri sa kanyang baba na tila malalaim ang iniisip. Maglalakad papuntang kaliwa, tapos papuntang kanan, tila nag iisip ng kung anong bagay, umaasang may mararamdaman siyang kakaiba na magpapabago sa kanyang pananaw sa buhay. Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala namang nangyaring pagbabago. Kaya't umupo na lamang muli ang buryong na buryong na dalaga sa kanyang kama at nagmukmok.
BINABASA MO ANG
The Sound of Poetry
RomanceHe was the magician of words. She is the inventor of sounds no one ever heard before. In an unexpected and inexplicable moment, the two beating hearts met at the different time and different place. Through their powerful catharsis, the combination...