KABANATA 2
Taong 1880
"NAHIHIBANG KA NA BA FRANCISCO?! ANONG MAPAPALA MO RIYAN SA IYONG PAGSUSULAT NG MGA WALANG KABULUHANG MGA TULA? KAESTUPIDUHAN! AKO'Y NABABALINTUNA SA IYO HIJO! SA AYAW AT SA GUSTO MO, IKA'Y TUTUNGONG ESPANYA UPANG MAG ARAL NG MEDISINA." Panenermon ni Don Faustino sa kanyang anak na si Francisco. Mula pa lamang noong musmos pa si Francisco, nahiligan na niya ang paglilikha ng mga tula. Ang sining na hindi lubos na binibigyang pansin dahil ang karaniwang pananaw sa talentong ito ay isang patapon. Tila ba'y tingin ng karamihan sa kakayahang ito ay kahit na sino'y walang mapapala rito at tanging kahibangan lamang ang sino mang tatahak sa propesyong ito.
"Ama, ilang beses ko bang ipaiintindi ho sa inyo na wala akong interes sa larangan ng medisina?" Pag mamakaawa ni Francisco sa kanyang ama na tila hindi na matitinag pa ang kanyang desisyon. Kahit mula pa noon, tanging kagustuhan niya lamang ang nasusunod sa lahat ng bagay, tila nagiging sarado palagi ang kanyang pandinig mula sa aming mga suhestiyon.
Sa tuwing maririnig ang kanilang apelyidong Villaluna, nakatatak na sa isipan ng mga mamamayan sa kanilang lugar ang kanilang pagiging tanyag sa husay ng kanilang angkan sa larangang medisina. Mula pa sa lolo ng ama ni Francisco, ay hindi na maikakaila ang kanilang kahusayan sa panggagamot ng mga taong may sakit.
"Francisco, ikaw ang inaasahang susunod sa ating angkan ng mga Villaluna na magpapatuloy ng medisina. Huwag mong wasakin mula sa kahibangan mo ang magandang pagkakakilanlan ng ating angkan na nagmula pa mismo sa pagsusumikap ng aking lolo ang kahusayan natin sa larangan ito. Kaya huwag kang magpaka hibang riyan Franci—" hindi na natapos ni Don Faustino ang kanyang sasabihin dahil nagdabog si Francisco palabas mula sa silid ng kanyang ama.
"FRANCISCO! HUWAG KANG MAGPAKALAPASTANGAN SA HARAP NG IYONG AMA, BUMALIK KA RITO! HINDI PA TAYO TAPOS!" Pagbulyaw ni Don Faustino sa kanyang anak ngunit tila nagsalita lamang siya sa hangin dahil ni anino ay wala siyang nasilayang responde mula sa nanggagalaiti niyang anak.
~
Napupuyos sa inis si Francisco ngayon dahil sa naganap na pakikipag diskusyon niya mula sa kanyang ama na pilit siyang pinag aaral ng medisina. Kahit kailan, pag dating sa usaping medisina ay walang wala siya ni katiting na interes sa larangan ito.
Hindi na namamalayan ng binata kung saan na siya napapadpad dahil sa kanyang emosyon ngayon na halos wala na ito sa tino kung kaya't hindi na niya matukoy kung nakailang barrio na ang kanyang nalakbay sa pamamagitan ng paglalakad lamang.
"Magandang hapon Ginoong Francisco!" bati sa kanya ng ilang mga binibini na halos namumukhang haliparot dahil sa kapal ng koloreteng nakatapal sa kanilang mga mukha. Ngunit, dahil nga nasa hindi magandang lagay ng loob ang ginoo ay nilampasan lamang nito ang mga binibining tila nang aakit sa binata.
-
BINABASA MO ANG
The Sound of Poetry
RomanceHe was the magician of words. She is the inventor of sounds no one ever heard before. In an unexpected and inexplicable moment, the two beating hearts met at the different time and different place. Through their powerful catharsis, the combination...