KABANATA 3

13 1 5
                                    

KABANATA 3




Isang makulimlim na umaga ang bumati kay Catalina sa pagdilat ng kanyang mga mata. Malamig na simoy na hangin ang pumapasok sa kanyang silid na halos tangayin na ang kurtina sa kanyang bintana. Hindi niya mawari kung bakit tila napakalungkot ng panahon sa umaga na ito, mistulang ang mga ulap sa kalangitan ay parang naghihinagpis dahil sa pagiging madilim ng mga ito at anumang oras ay maaari nang bumagsak ang malalaking butil ng ulan mula sa mistulang naghihinagpis na mga ulap. Ala siete pa lamang ng umaga ay tila magtatakip silim na ang kalangitan na nababalot ng pighati sa hindi matukoy na dahilan.

Tanging pagkabigla at hindi mapagtanto ni Catalina kung saan ba nanggaling ang mala misteryosong papel na naglalaman ng tula na nakuha niya kagabi sa loob ng kanyang gitara. Laking pagtataka ng dalaga kung bakit sa dinami dami na pedeng kalalagyan nito'y sa loob pa mismo ng kanyang gitara.

Nagbalik tanaw ang dalaga kung saan siya nagtungo at kung sino ang kanyang mga nakasalamuha kahapon. Base sa kanyang pagkaka alala, tanging sa may ilog ng Amare lamang siya nagtungo upang mag muni muni, dala dala ang kanyang gitara. Ang ilog ng Amare ay ilang metro lamang ang layo nito mula sa kanilang tahanan kung kaya't malaya siyang pumunta roon upang magpalipas ng oras. Masaya na siyang nakakapunta siya sa ilog ng Amare dahil itong lugar lamang ang kanyang napupuntahan kung kailan niya nanaising lumabas ng kanilang tahanan.

Sapagkat isa siyang babae, limitado lamang ang kanilang nagagawa sa lipunan. Naisin niya mang mag aral ay wala siyang karapatan dahil isa lamang siyang babae. Dahil ayon sa nakagawiang kultura, ang tungkulin lamang ng mga kababaihan ay nakatuon lamang sa simbahan o kumbento tuwing linggo. At siyempre sa kanilang tahanan kung saan labing walong taon nang umiikot rito ang kanyang buhay. Ang tanging bagay na lagi niyang kaagapay ay ang gitarang regalo sa kanya ng kanyang pinaka mamahal na ama na si Don Eleazar.

Halos wala ring oras ang kanyang ama sa kanila ng kanyang mga kapatid dahil abala ito sa kanilang negosyo ng pagbebenta ng mga instrumentong pang musika. Palaging wala ang kanilang ama sa kanilang tahanan sapagkat ang lokasyon ng kanilang negosyo ay nasa Maynila pa, kung kaya't halos buwan buwan lamang sila nagkakapag kita. Kung uuwi man ito sa kanilang tahanan ay may kukunin lamang itong mga importanteng bagay, pagkatapos ay agad agad rin itong aalis. Hindi man nila maiwasang malungkot ng kanyang mga kapatid, wala naman silang magagawa dahil ito ang trabaho ng kanilang haligi ng tahanan. Hindi man maiwasang mangulila ni Catalina sa kanyang ama, ipinagdarasal na lamang niya ang kaligatasan nito habang sila'y nawawalay sa isa't isa. Mabuti na lamang ay may regalo sa kanya si Don Eleazar na gitara na kanyang pinapatugtog sa tuwing ito'y malungkot kaya kahit papano'y napapawi ang kanyang pangungulila sa ama.

Masasabing isang matalinong babae si Catalina dahil ayon sa kanyang mga magulang ay mula pa lamang na bata pala ito, madaling maturuan at matuto ang batang ito. Nais niyang maging isang tanyag na guro na magsisilbing taga hubog at tagapagpa laganap ng mga kaalaman para sa mga mag aaral ngunit, wala na siyang magagawa pa dahil sa kinagisnang tradisyong ito ukol sa mga kababaihan.

Inililihim na lamang niya ito ipagsabi sa kahit na sino sapagkat nais niya maging guro, ngunit siya mismo ay walang kaalam alam sa edukasyon kaya, paano niya matutupad ang kanyang pangarap kung siya mismo'y walang kaalamang maaring maipalaganap sa mga katulad niyang nais ring matuto. May mga bagay talagang mananatili na lamang na hanggang pangarap kahit pa anong gawin natin upang matupad ito. Katulad na lamang ng isang dahon na naglaglag mula sa puno, ito'y matutuyo at tatangayin na lamang ng hangin. Pag naglaon, magiging isang memoryang lilipas at malilimutan pag dumaan ang maraming panahon.

Ang tanging karamay na lamang niya sa kanyang tanang buhay ay ang kanyang gitara dahil sa pamamagitan nito, naipapahayag niya ang kanyang emosyon at damdamin sa pagkalabit niya sa bawat bagting ng paboriting niyang instrumento. Masasabing isang babaeng puno ng pangarap at mithiin sa buhay si Catalina, ngunit sa hindi pantay na pagtingin sa kanilang mga kababaihan, ay tila mananatiling nakakulong na lamang sila sa isang sistema kailanma'y hindi naging tama dahil pawang diskriminasyon at limitasyon lamang ang ibinibigay ng tradisyong ito at wala nang ibang paraan upang makalaya pa sa habang buhay na piitang ito.

The Sound of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon