Chapter 1 ♡

16 1 0
                                    

"Get to know each other na ba to?" Nakangising aso kong tanong.



"What?" Kumunot ang noo niya.



"Sonya Emilia Gomez, I'm half-filipino and half-spanish, and full maganda." Proud kong sinabi.


I heard him chuckle sexily that made my heart goes boom boom! Ok crush ko na to!


"And?" Kalamado niyang tanong habang nakatitig pa ito sa daan at nakasandal ang siko sa gilid ng pintuan habang ang isang kamay naman ay nasa manibela.


"And, if I'm not a student you won't hatid me?" Ako naman ang nagtanong sakanya.


Lumingon siya sa'kin with a confused look at binalik agad ang tingin sa daan. "I guess I won't."


Ay grabe to siya ah. "Bakit naman? How rude." Malungkot kong sinabi.


"If you're not a student. Ibig sabihin nun may kotse ka kaya hindi ka mahihirapan paguwi." Paliwanag niya. Sipag naman ah.


"Ay wow! Hindi naman lahat ng tao nakaka-afford ng kotse." 


"You look like someone who is raised with a wealthy family." He smirked.


Na speechless ako sa sinabi niya. But still I want the conversation to keep going, "May student oh!" tukoy ko sa sidewalk, "I-hatid mo na." I teased.


 Umiling lang siya at hindi man lang sumagot sa biro ko kaya nanahimik nalang ako. Kinuha ko ang Nintendo Switch ko sa bag at naglaro nalang ng Animal Crossing New Horizon. Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsulyap niya sa'kin. Mukhang nadisturbo ko ata siya dahil sa volume ng Nitendo ko kaya linower ko ang volume.


"Sorry.." Nakayuko kong sinabi. 


"What in the world are you playing?" He asked in a gentle voice.


Siguro iniisip niya isip bata ako dahil naglalaro pa ako ng mga laro na ganito. Bakit ba? Ang ganda kaya ng game na to.


"Animal Crossing po." I politely answered. Oh diba magalang ako hehe.


He frown at me with disbelief.


"Problema mo?" Taas kilay kong tanong. Maka-react parang sira hahahaha. Iniisip niya talaga na isip bata ako no! Hindi siya sumagot kaya tumahimik ulit. Kaya nagfocus na ako sa paglalaro ng animal crossing ko. Ilang minuto ang lumipas tumingin ako sa bintana, baka kinikidnap na ako nito. Medyo malapit na kami sa amin, kaya habang may oras pa kailangan ko makipagusap sakanya. Makipag-close pala hehe.


"Uhm..Kuya Seven.." Tawag ko sakanya.


Nanlaki ang mga mata niya at agad lumingon sa akin, medyo natawa ako sa reaction niya hahaha. 


Kumunot ang ilong niya, mukhang nandiri sa'kin. Siguro ayaw niya tawagin ko siyang Kuya no. 


Blazing Heat of Love ♡ (Te Amo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon