"Bwesit tong K-12 na to! Pinapahirapan lang tayo. Nakakainis bwesit!" reklamo ko habang kinokopya ang assignment ng kaibigan ko.
"Ano ka ba girl, wala na tayong magagawa jan. It's for the good naman ata for the students diba?" sabi ng kaibigan ko na si Jasmine, ang mayari ng assignment na to.
Kunot noo ko siyang tinitigan, "Anong good for the students ka jan? Gumising ka nga Jasmine mas tatagalan tayo makapagtapos nito. Imbes 2nd year college na sana tayo ngayon, eto stuck in Grade 12 tayo! Uhm, Hello? ilang years ang pagiging doctor ha?"
Napabuntong hininga siya, "Aba malay ko, wala naman akong plano maging Doctor. Kalma lang, Sonya. Magsolo ka nalang magrally sa QC. Reklamo ka ng reklamo e. Mag-dropout ka nalang kaya."
"Ewan ko sayo, Jas." Sabi ko at pinatuloy ang pangongopya.
"Hoy! Wag mong gayahin yung test two ko. Baka mahalata tayo ni Ma'am na nangokopya ka sa'kin e." Saway niya sa'kin.
"No worries, Jas. Alam ko naman yun. Pina-paraphrase ko naman kaya daddy chill." kibit balikat kong sinabi.
"Siguraduhin mo yan!" Babala niya.
Pagkatapos kong mangopya binigay ko agad ang notebook namin ni Jas sa President namin na nangongolekta nang assignment namin.
"Pupunta pa ba dito si Ma'am?" Tanong ko kay Pres.
"Ewan ko ba. Baka somthing urgent came up. Tsaka shorten lang naman ngayon kaya baka hindi na yun pupunta dito. Magtatime na kasi e." Sagot nito.
"Huh? Bakit shorten? Anong meron?" Nagtataka kong tanong. Hindi naman sa ayokong magshorten ang klase, gusto ko nga laging shorten e! Mas gusto kong wala nalang klase. Na-curious lang ako kung anong meron ngayon. Kung ano man yun I'm so grateful hehe.
"Fire Prevention Month ngayon sist, kaya may fire drills mamayang hapon ata," sabi ni Pres. habang nakatingin sa iba. Awts.
Walang respeto! Walang hiya! Ako ang kausap hindi man lang ako tinitingnan! Ang kapal ng face ha! Charot lang. Hindi naman ako ganon ka petty no. Minsan lang. Naiintindihan ko naman na busy siya sa mangolekta ng notebook hehe.
"Sge salamat sa sagot, na hindi man lang ako tintingnan." Parinig ko sakanya sabay nguso at nagpanggap aalis na.
"Gaga ka! Sorry! Busy ako! E ikaw dito mangolekta." Umirap siya sabay kamot ng buhok.
"Joke lang, sira." Pa-cute kong sinabi at nag-peace sign.Umupo na ako sa proper seat ko dahil mabait ako, hindi yung isa jan hindi nasa proper seat niya halos buong araw. Walang kwenta tong seating arrangement na to kung lilipat lang naman sila ng upuan.
Nung nakarating na si Ma'am ay agad siyang nagcheck ng attendance. Makalipas ng ilang oras ay natapos na sa wakas ang boring discussion na may halong sermon ni Ma'am.
"Arat canteen." Yaya ko kay Jasmine.
"Wait lang. Kunin ko muna wallet ko sa bag." Aniya at kinuha ang wallet sa bag.
BINABASA MO ANG
Blazing Heat of Love ♡ (Te Amo Series #1)
Romantizm♡ A Grade 12 student who is only after for the looks of a man, has finally fallen in love with a firefighter who lit a fire in her heart that cannot be easily be douse. She finally then realize that it's not the looks and fame, but it's the persons...