Nagulat padin ako sa narinig ko, kaya pinatuloy ko ang paglamon ng pancit. Ayoko naman magfeeling special na ako lang tinawag niya, malamang kaya tinawagan niya ako para pahiyain ako sa klase kaya naisip niya akong asarin. Akala ko naman close na kami dahil nagchat kami kagabbi ganern at nilibre niya ako, tsaka hinatid niya pa ako ako sa'min, then he also met my mom. Akala ko lang pala yun. Mabait lang siya masyado.
Habang kumakain napahinto ako sa pagsubo dahil sa biglang paglingon ng lahat sa entrance ng canteen. It's obviously them, kaya umirap ako sa direksyon nila. Nakita ko naman ang swabeng entrance nilang tatlo. Feeling nasa red carpet.
"Wag na kayo tumingin sakanila. I-uncrush niyo na din yun," seryosong sabi ko sakanilang tatlo.
Gabby laughed, as if I said something funny, "Para kang bata, Sonya. Ilan taon kana ulit?" asar niya.
"Grabe natatawa naman ako sayo, Gabrielle." I sarcastically said as I rolled my eyes.
Nakita ko naman ang pagpigil ng tawa ni Jasmine at Yua. I narrowed my eyes towards them, "Siguraduhin niyo wag tumawa ha. Pigilin niyo lang yan."
But then, they burst in to laughter like a person with a mental disorder, "Para kayong sira." dagdag ko.
"Hay naku, Sonya. Ang cute mo beh." Si Jasmine na patuloy padin tumatawa.
Hindi ako sumagot. Nakangusong inubos ko ang pancit. Ewan ba't biglang napalingon ako sa banda kung nasaan si Seven. Kasama nila ang ibang guro na kumakain sa isang mahabang lamesa. Katabi naman ni Seven si Ma'am Sara. Mukhang seryosong nakikinig siya sa mga salita ni Ma'am. Laking gulat ko lumingon siya sa direkyon ko, kaya nagtagpo ang aming mga mata. Nagtagal ang titig namin, gaya kanina sa classroom. I saw how his lips slowy lifted, forming into a playful smirk that made me twisted my lips as I glare at him. For some reason I heard his chuckle from afar. Nakita ko naman ang nagtatakang titig ni Ma'am Sara kay Seven at napalingon ito sa direkyon kung nasaan nakatingin si Seven. Bago niya man ako makita ay nauna na akong umiwas ng tingin at nakitawa kina Yua.
"Ba't ka tumatawa? Wala naman nakakatawa sa sinabi ko?" nagtatakang tanong ni Yua, lahat sila nakatingin sa'kin na parang isang baliw na tao.
"Uh, wala may naalala lang," kalmado kong sabi at inayos ang pagkaupo.
"Sus, nakatingin yan sa crush niya." Asar ni Jasmine.
"Baliw hindi." Pagsisinungaling ko, "Tsaka inun-uncrush ko na yon, kaya chill."
"Ay, weeeh. Sa gwapo niyang yan, siguro hindi."
"Ulol, asan na libre mong stick-o ko?" pagiiba ko ng paksa.
"So ako pa bibili?"halatang tinatamad niyang sabi, "Eto, isa lang ha." sabi niya sabay lahad sa'kin ng bente piso.
"Lima nalang." I demanded at agad ng umalis para hindi niya na ako pigilan.
BINABASA MO ANG
Blazing Heat of Love ♡ (Te Amo Series #1)
Romance♡ A Grade 12 student who is only after for the looks of a man, has finally fallen in love with a firefighter who lit a fire in her heart that cannot be easily be douse. She finally then realize that it's not the looks and fame, but it's the persons...