Chapter 1

23 1 0
                                    

Aivi

"Gawa mo?" Tanong ni Via at gumapang sa tabi at sinilip ang ginagawa ko. "Nako nako, naka-stalk ka na naman sa  idol mo!" Inirapan ko siya at nagpatuloy lang sa pag-scroll sa ig ni Le'Angelo Jimenez.

"Hindi ko siya idol." Pag-tanggi ko, inismiran lang ako ni Vivian. "Crush ko siya."

Tinawanan niya lang ako sa sinabi ko. "Ano pinagkaiba non?" Tanong niya habang ngumuguya ng popcorn. Kumuha din ako non at sinubo bago magsalita.

"Pag-idol kasi walang pag-asang maging kami. Pag-crush naman," nagkibit balikat ako. "May chance kaming dalawa."

Her lips formed 'O' "Taas ng confidence level natin diyan prend!" Ani niya na may pagtaas pa ng kamay niya. "Kayo agad? Eh ilang beses na nga kayo pumupunta ni Chezka sa fan meet non, napansin ka ba?"

Ngumuso ako sa kanya. "Ang supportive mo, noh?" Sarkastisko kong sabi sa kanya.

"Nire-remind ka lang. Saka hello ang tanda na ni Angelo, noh!" Inabot ko ang remote at binuksan ang netflix.

Pagbukas ko tinuro ko siya gamit ang remote. "Twenty seven lang siya, wag kang oa!"

"And you?"

"Twenty! But going twenty one! Tsaka as if na minor pa ko." Sabi ko.

"Yeah right. Baka i-sister zoned ka lang 'non" Tapos tumawa siya na parang isang malaking joke yung sinabi niya.

"Nasan ba si Chezka? Bakit ikaw lang nandito?"

"Busy siya. Kasi duuh siya ang president ng fan club ni Angelo, diba?"

Dapat ako talaga ang president non, pero ayoko. Syempre kapag ako president ng fan club niya, fan lang talaga niya ako maituturing, tapos kapag kakausapin niya puro for schedule lang ng fan meet niya, ayoko non. Gusto ko kung may messages kami puro sweet dapat. And hindi niya ako pang-fan lang! Future girlfriend niya ko! Future! Sinusumpa ko 'yon!

Hindi naman na ako ginulo ni Via at siya na ang namili ng panonoodin namin. Habang namimili siya ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko, bumukas 'yon at bumungad si mommy.

"Hi girls." Kumaway pa siya samin.

"Hi tita!" Plastic na bati ng katabi ko.

"Do you need anything? Foods? Drinks?" Tanong ni mommy.

"No tita, we're good po. Thank you po." Ngumiti lang samin si mommy at nagpaalam na. Tumayo naman ako para buksan ang ilaw. I took a picture of my room and posted it in instagram.

 I took a picture of my room and posted it in instagram

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

aivi_rms: Movie night❤️ w/ @itsmevivian

Nag-pic din kami ni Via para ilagay sa story ko. Nilagyan ko ng 'with this btch" and a hashtag sleepover.

"Grabe! Talagang kwarto mo lang pinost mo, noh? Aatras ka na lang ng onti para kita na ko oh!" I rolled my eyes at her.

"Hindi rin naman ako kasama. So, shut up ka na lang." Umupo na siya sa sahig at ako naman sa kama.

Just a FanWhere stories live. Discover now