Prologue

36 1 0
                                    

Aivi

"Tapusin na natin 'to." Bigla kong sabi sa kanya, habang nakatanaw sa araw na palubog na.

"Let's go home? Okay." Akmang tatayo na siya ng magsalita ulit ako.

"Itong merong tayo... Gusto ko ng matapos, ayoko na." Hindi ko siya hinaharap, pero kita ko ang pagkunot ng noo niya.

"What? Joke ba yan, Ai?" Tanong niya. Umiling ako. "Bakit?"

"Ayoko na."

"Bullshit. Bakit?" Tanong niya ulit.

Nilingon ko siya. "Ayoko na nga. Hindi ito yung gusto ko."

"Ano bang gusto mo?" Tanong niya ulit pero halata ko ang inis sa boses niya.

"Bumalik sa normal yung buhay ko... Simula nung naging tayo, palagi kong kailangan magtago. Relasyon ba to o tagu-taguan?" Kita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya.

"This is what you wanted, right?" Bulong niya.

"No. Gusto ko yung pinagmamalaki ako, na hindi mo kayang gawin o ibigay sakin." Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko din inalis. "Tignan mo nga 'tong suot natin! Para akong tanga, tuwing kasama kita kailangan kong mag-mukhang tanga!"

Mahina siyang natawa at tumingin sa dagat. "Fuck. I hated this." Binalik niya ang tingin sakin. "You're hurting me, Ai."

"Don't call me that... Aivi.. Aivi ang pangalan ko." Sige pa, onti na lang. Saktan mo pa sarili mo.

"Akala ko okay sayo. Kasi tangina... Ikaw lumapit, diba? Ikaw ang kumulit sakin... Kinuha mo atensyon ko. Tapos ngayon iiwan mo ko?" Inalis ko ang tingin ko sa kanya nang makita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. "Tangina! Ai, wag naman ganito." Nagulat ako ng yakapin niya ko, sinubukan kong makawala pero mas hinigpitan niya pa lalo.

"Bitawan mo ko." Sabi ko habang pinipilit ko pa rin kumawala sa kanya. Pero mas hinihigpitan niya lang.

"No! Hindi. Hindi kita bibitawan. Hindi ngayon, Ai. Please." Naramdaman kong nababasa na ang balikat ko.

Malakas ko siyang tinulak saka tumayo at bumaba sa inuupuan namin. "Ayoko na nga! Bingi ka ba?!"

Tumalikod ako sa kanya at naglakad paalis pero hinatak niya lang ako at pinaharap sa kanya. "Wag mo naman gawin sakin 'to, Ai."

"Aivi nga ang pangalan ko." Madiin kong saad.

"Ayaw mo sa set up natin? Magre-resign ako! Wala akong pake kung masira career ko basta dito ka lang, basta kasama kita."

"Huli ka na, Angelo." Umiling siya.

"No! Don't call me that hindi yan ang tawag mo sakin." Sarkastiko akong tumawa at tinanggal ang shades na suot ko.

Nakapamaywang akong hinarap siya. " Hindi na kita mahal."

Umawang ang labi niya sa sinabi ko. "No." Umiling siya at lumapit sakin akmang hahawakan niya ko pero humakbang ako paatras. "Please, tell me that's not true, Ai. Wag mo gawin sakin 'to."

Masama ko siyang tinignan. "Bingi ka na ba? Ang sabi ko hindi na kita mahal! Di ko nga alam kung minahal ba talaga kita o nadala lang ako ng excitement dahil arti—," Napapitlag ng sunod sunod niyang suntukin yung puno sa gilid niya.

"Na-excite ka? Ano ako? Laruan? Tangina." Nakita kong ang dugo sa mga kamay niya. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang hawakan.

"Hindi ito yung inaasahan ko, Angelo." Ang kaninang sakit na bumabalot sa mata, onti-onting napalitan ng galit.

"Well, let me tell you, Ai or Aivi or what the hell is your name is. You fucking signed up for this." Umatras siya at sinalubong ang tingin ko.

"Kaya nga ayoko na!" Hindi ko napigilan mag-taas ng tono

Mabuti na lang nasa dulo kami kung saan walang katao-tao.

Shit! Ganito pala kasakit.

If I just only have a choice.

"Ilang beses kitang tinanong kung okay lang sayo, diba? And you said yes. Tapos ngayon hindi pala?" Tinignan niya ko na para bang isa ako sa pinaka-malaking pagkakamali niya. "Hell! Sana sinabi mo umpisa pa lang. Kasi kaya kong iwanan lahat para makasama ka. Tapos ngayon sasabihin mong hindi mo ko mahal? Na na-excite ka?"

"Sorry." Yan na lang ang nasabi ko. Masakit? Sobra, naninikip na ang dibdib ko sa sobrang sakit.

"Don't be. Tangina ang sakit." Napahilamos siya sa mukha niya at pinunasan ang mga luhang kumakawala sa mata niya.

Tumingin siya sakin at tinuro ako. "Bibigay ko sayo gusto mo. Ayaw mo na? Sige." Parang akong sinasaksak ng paulit-ulit dahil sa nangyayare.

Bakit samin nangyayare 'to?

"Pero wag na wag ka ng magpapakita sakin. Ever again! Because today? I am so fucking done with you." Yung ang huling salitang narinig ko sa kanya bago siya tumalikod at umalis sa harapan ko.

Iniyak ko na lahat ng pwede kong iiyak hanggang sa lumubog ang araw at mapalitan ito ng dilim, kasabay ng pagdurusa ng puso ko sa sobrang sakit.

Just a FanWhere stories live. Discover now