Chapter 1: Encounter

14 0 0
                                    

"Ms. Shingetsu!" Haist. Gusto ko nang umuwi. Gutom na ako. Ano kayang nangyari sa last episode ng The seven deadly sins?




"Ms. Shingetsu! Are you listening?!" Miss ko na rin mga pusa ko sana pinakain sila ni mama.






"Pst!" *poke* "ay pusa!!" Tumingin ako sa likod kung sinong damuhong ang kumalabit saken. Nakita ko si Claire na nakaturo sa harap. Tumingin ako sa harap at nakita ang mala tigreng tingin sakin ni Mrs. Lorenzo.



"Baket po maam?"



"Anong 'baket'? Kanina pa kita tinatawag Katana Shingetsu san mo na naman nilagay yang utak mo?



"Hahahahahahaha!" Tawanan nang mga hudas kong classmate.





"Sorry po maam di ko po narinig" sabay yuko. Huhu! Eh sa di ko naman talaga narinig ah.



Kring!!!
Kring!!!



Syet! Save by the bell!




"Tsk. Oh sige class I'm expecting your project tomorrow, specially you Ms. Shingetsu." Sabay irap sakin ni maam at labas. Haist.





"Hoy boba! Ano na naman bang nasa kokote mo at di ka nakikinig kay maam. Naku! Naku! Ewan ko nalang kung makakapasa ka pa." Sabay batok sakin nang bff kong si Claire.




"Masakit lang ulo ko kulang ako sa tulog eh."




"Assuuuss ang sabihin mo lang mag damag ka na namang nanuod ng mga drawing na tao kala mo naman may naitulong!"





"Hindi kaya cla drawing! Mka sigaw ka naman kala mo may naitulong. Tse!"





"Ewan ko sayong babae ka. Tara na nga! Gutom na ako!" Sabay hatak sa braso kong sing laki nang hita nang aso.





"Aray naman Clairota! Dahan dahan naman!"





"Payatot ka kasi! Bilisan mo jan!"






Haayy. Ang harsh talaga sakin nang babaeng yun. Ay ako nga pala si Katana Shingetsu just like my name and my hobby hehe.. half japanese and half pinoy. 22 yrs of age. Hapon ang tatay ko pero ewan kung nasaan na yun. Mahal ko ang anime pero mas mahal ko ang mga pusa ko. I'm a Radiologic Technology student. At yung babaeng maingay ay ang bff kong si Veronica Claire Marasigan, same kaming course dahil sabi nya bored daw sya. Galing eh noh?





Andito nga pala kami ngayon sa aming mahal na unibesidad na tinatawag nilang Empire University. Weird right? Ang sabi bored daw ang may ari kaya yan ang ipinangalan.






"Huy! Anong gusto mong kainin?" Si Claire.
"Libre mo?"
"Aba'y nangarap! Gusto mo e.sungalngal ko sayo tong kutsara?!" Kita mo to kung mka react halos labas ang lungs.
"Ipagkasya kita sa rice cooker eh." Pabulong kong sabi.
"Aba't-"
"Oh tama na yan!" Biglang sulpot nung isang nilalang.



"Ang aga aga ang iingay nyo parang nka lulon nang mic. Walang poise." Maarteng turan nang isa pa naming bff na si Benjamin Lopez. Psychology student. And yes bakla po sya. Pero di mo aakalaing bakla dahil ang gwapo at ang kisig mala adonis. Pero pag nagsalita kasumpa sumpa ang malamyang boses.






"Wag ka ngang sulpot nang sulpot kahit saan Benjamin! Para kang kapreng boses paniki!" Turan nang kaibigan kong menopausal. Natawa na lang ako sa reaction ni bakla.
"Gosh! Clairota!" Habang maarteng nag papaypay nang kamay sa mukha.
"Sa ganda kong to?! Kapre?? My gosh talaga! Sarap mong sunugin nang plancha! And fyi! Its Belinda~ B-E-L-I-N-D-A!" Maarteng litanya ni Ben- este Belinda.






Ms. SevenWhere stories live. Discover now