Katana (POV)
Kriiinnnggggg!!!
Kriiinnnggggg!!!"Hmm.." ungol ko habang kinakapa ang maingay na bagay.
Kriiinnnggggg!!!
Kriiinnnggggg!!!"Ano ba yaaaannnn.." tiningnan ko yung phone kong kanina pa kuda ng kuda.
Benjina calling..
"Oh hello?" Antok na sagot ko.
"Hoy! Bruha ka! Anong oras na wala kang planong pumasok te?! Baka nakakalimutan mong studyante ka po at hindi si sleeping beauty!!!!" Napalayo ko sa tenga ko ang phone pero rinig na rinig ko parin ang boses ni Claire na parang tiyanak.
Wait-
Fvdge! 7:15 na??!!!
Agad kong binaba ang tawag at dali daling tumungo sa kusina at pumasok sa banyo para maligo. Syet na malagkit! 8am ang klase ko! Waaahh!
After 15mins na ligo mabilisan lang late na eh. Anak ka naman nang kabayo! Nkalimutan ko yung tuwalya. Sumilip ako kung may tao ba sa labas.
"Maaaa!! Paaaa!!" Walang sumagot. Syet naman oh! Binabad ko na yung damit ko kanina huhuhu!
May narinig akong nagwawalis sa labas sigurado si mama yun di ako narinig. Huhuhu! No choice ako baka maabutan pa ako nang siyam2x nito.
Binuksan ko nang dahan dahan yung pinto nang banyo at dali daling tumakbo muntik pa akong madulas sa may sala patungong kwarto. Pero bago pa man ako tuluyang mka pasok sa kwarto narining kong sumigaw yung pinsan ko.
"Katanaaaa! Yung pwet mo kitang kita!"
Takte! Pake ko! Dali dali akong nag bihis. Nilagyan ko muna nang band aid ang sugat ko sa leeg. Tsk. At lumabas dumaan muna ako sa kusina para dumampot nang isang saging at hinalikan si Morphisa ang pusa kong maganda.
Habang palabas na ako nagka salubong kami ni mama sa salas.
"Katana but ang panghe nung pantalon mo?" Agad na namula ang mukha ko.
"Waaahh! Maaa! Ako na maglalaba nun! Wag mo nang pansinin please!" T.T "alis na ako ma babay!" Umalis na ako bago pa mka sagot si mama at sumakay nang jeep papuntang EU.
Pagdating ko sa school halos wala nang tao sa hallway. 8:10am na patay ako nito sa prof namin major subject pa man din ngayon.
Bago ako pumuntang classroom dumaan muna ako sa locker tutal late nman din ako lubus lubusin na. Hehe.. naiwan ko kasi yung ID ko.
Teka? Asan na yun? Dito ko lang yun nilagay eh.
O.o ano yun??
Bigla kasi akong may naaninag na dumaan sa may dulo nitong locker room.
Craaassshhhh!
Waaahhh! Ano yun?!
Lumapit ako baka si Mitsuki yon at inutusan ni Orochimaru na pumunta dito.
Dahan dahan akong nag lakad papalapit sa sulok.
O.o nakita ko yung basag na bintana at nag kalat na mga bubog at eh??