Chapter 2

34 0 0
                                    

Nung nasa meeting room na ako, andoon na yung president at vice president. Nag greet naman ako ng good morning sa kanila, binati din naman nila ako pabalik. Pagkatapos ng batian,  umupo na ako sa upuan ko.  Saktong pagkaupo ko dumating na din yung ibang mga officers.

Nakalimutan ko palang sabihin na ako yung treasurer ng course namin. Kaya din madaling araw na akong nakatulog kagabi kasi tinapos ko yung financial statements ng mga nagastos namin for this month at yung mga net profit namin sa store na minamanage naming nga officers. Habbang hinihintay na makaupo na lahat ng mga officers at hinihintay namin yung advicer namin ehhh nireready ko na yung irereport ko para mamaya. Nung dumating na yung adviser namin nagstart na yung meeting.

Pinagmeetingan lang naman namin yung mga preparations para sa mga darating na event sa school at kung magkano yung mga estimations ng mga gagastusin at kung sino ang mga magcacanvass para sa mga gamit. Pagkatapos na settle yung mga bagay bagay doon tinawag na ako ng president para ireport yung for this month financial statement,  pumunta na ako sa harap at pinakita sa kanila yung financial statement at inexplain lahat ng nakikita nila sa report ko. Nung natapos na ako buti naman at wala silang tanong kaya umupo na ako. Pumunta naman sa harap yung secretary namin at sinummarize lahat ng napagmeetingan namin. Pagkatapos isummarize ng secretary namin yung meeting, pumunta naman sa harap yung advicer namin para magthank you sa pagpunta sa meeting at niremind lang kami sa mga tungkulin namin at after that natapos na din ang meeting.

Nagaayos ako ng gamit nung biglang lumapit sa akin yung VP namin,  "saan ka maglulunch?" tanong niya sa akin nung makalapit na siya sa akin. "Doon padin sa dati, alam mo naman na tuwing lunch kami magkakasama ng barkada." sagot ko sa kaniya. Mamaya may mga nagkukunwaring umuubo tapos yung iba nakatingin sa amin na parang kinikilig. Hayyyzzz,  mga to talaga. Kaya po ganyan ang inaasta nila kasi po boyfriend ko po yung VP namin, nagkakilala kami last last year nung nagstart na maging officer kami pareho.

His name is Jake Haynes. Marketing ang major niya, sa major niya madaming nagkakagusto sa kaniya. Actually sa mga kacourse namin nauna kong narinig pangalan niya, sinasabi ng mga nagkakagusto sa kaniya, mabait daw siya,  matalino, at pogi daw.  Nung una hindi ako naniniwala kasi parang near to perfection naman na kung makapagdescribe sila,  pero nung nakita ko siya sa first meeting naming mga new elected officers, nasabi ko na lang sa sarili ko na 'oo nga totoo yung mga sabi nila.' Pati si April may crush sa kaniya.

2 months simula nung nakilala ko siya nagulat ako may nagtext, umamin sa akin na crush niya daw ako. Hindi ko pinansin pero nung nalaman ko na yung VP pala ang nagtext ni repleyan ko na. Nagsimula siyang manligaw sa akin,  pinayagan ko. Pinakilala ko sa mga kabarkada ko, may rule kasi kaming mga babae sa barkada kapag may nanligaw sa amin ipapakilala namin sa barkada. Nung pinakilala ko syempre may tuksuhan na nangyari at asaran. Sabi pa nila perfect relationship na daw kami, yun din ang paniniwala ko, pero simula nung nangyari yung isang pangyayari nagbago ang lahat.

*******
Hope you enjoy the rest of the story. Feel free to comment any suggestion for improvement and if you like the chapter please vote. Thank you so much in advance. ❤❤❤

Waiting For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon