Chapter 9

14 1 0
                                    

Kapag mahal mo talaga yung tao nagagawa mo lahat ng bagay na hindi mo pa nagagawa. Katulad nang magtiis kahit nahihirapan na. Maghintay kahit nakakapagod na. Intindihin lahat kahit ang gulo gulo na. Maging masaya kahit ang sakit sakit na. Magmahal ng sobra kahit wala nang matira para sa sarili mo. OA man pakinggan yung huli pero some of us naranasan na yan, including me.

Nagtitiis ako sa relationship namin ni Jake kahit ang hirap na kasi unting panahon na lang naman, makakapagtapos na din kami sa college at magiging maayos na yung relationship namin sa parents niya. Naghihintay ako kahit nakakapagod na because I know in the end, it will all be worth it. Patience is a virtue,  sabi nga nila. Iniintindi ko lahat kahit ang gulo gulo na for a reason that, pareho kaming lumalaban sa relationship na ito. I understand na hindi lang ako ang nahihirapan sa sitwasyon namin, iniintindi ko na mas mahirap ito sa part ni Jake. Kahit sobrang sakit na yung nararamdaman ko sa relationship namin ni Jake, masaya pa rin ako kahit papaano,  remembering all of our happy memories together, nabubura yung sakit na nararamdaman ko because I know magiging maayos din ang lahat. Inaamin ko, mas mahal ko pa siya kaysa sa sarili ko dahil kahit ilang beses ko nang iniisip na makipagbreak sa kaniya hindi ko pa rin nagagawang makipagbreak, kahit ramdam kong hindi ako kasali sa priority niya, at kahit ramdam ko na parang wala na.

Sa 1 year and 6 months ng relationship namin ni Jake, nasanay na din ako. I have a boyfriend pero hindi ko feel na meron talaga. I live my life na parang single ako pero kahit madaming gustong manligaw hindi ako nagpapaligaw. If magparamdam si Jake, di magparamdam, kung hindi naman eh di hindi. Ganun ang naging life cycle ko. That's why hindi ko maiwasang mainggit kila Marly at Stephen. May time sila para sa isa't isa. Every after class nagkikita sila, every lunch sabay silang kumakain. Pero I motivate my self na unting tiis na lang Milli, magiging maayos din ang relationship niyo ni Jake at yun ang panghahawakan ko. Kahit na sobra ko nang na mimiss si Jake, tinitiis ko na lang. It will all be worth it at the end.

"Sa sunday pala yung birthday celebration ko. Mga lunch banda." pagreremind sa amin ni April. "Okay, punta kami doon ng maaga para matulungan namin si tita magprepare." sabi ni Maribeth. Magkakasama kaming mga girls ngayon. Kakatapos lang namin maglaro ng basketball at ngayon nakaupo kami sa soccer field nang school para magpahinga at magpahangin. " 2 months na lang graduate na tayo. Walang kalimutan ahh. Mamimiss ko kayo." pagdradrama ni Pat. "Mamimiss ko yung school." biglang sabi ni Marly. "Yung school ba talaga mamimiss mo or si Stephen?" pangaasar ni Irene. Hindi namin kasabay sila Stephen na maggragraduate, late sila ng isang year. Hindi kasi nagaayos sa pagaaral. "Mamimiss ko yung pancake ng school." biglang sabi ko naman. Tumawa naman sila. "Speaking of pancake, tara kain, nagugutom na din ako." sabi ni Maribeth. Kaya tumayo na kami at nagpunta sa bilihan ng pancake. "Saan kayo magaapply ng work?" pagtatanong ni April sa amin habbang kumakain kami ng pancake.  "Ako baka tulungan ko muna si mama sa business namin, habbang naghahanap ng work." sagot ko kay April. "Ako may nagrerecruit sa akin sa call center, baka doon muna ako magaapply." sagot naman ni Pat. "Hindi ko pa alam ehh, alam niyo naman magulo pa ang lahat sa amin." sagot naman ni Marly. "Ako din, hindi ko pa alam kung saan ako magaapply." sabi naman ni Maribeth. "Ako hindi ko pa alam. " sagot naman ni Irene.  "Ikaw April,  saan ka magaapply?" tanong ko kay April. "Doon sa pinag OJThan ko, may open daw na posisyon doon. Subukan ko muna mag apply doon. " sagot naman ni April. "Kahit na busy busy tayo ah, wala pa ring kalimutan. Dapat every month magkikita kita tayo." sabi ko sa kanila. "Syempre naman. Keep in touch tayo lagi." sabi ni Maribeth.

Tinuloy namin ang pagkwekwentuhan hanggang sa dumating na yung mga boys. "Guys, alis muna ako ha, puntahan ko lang yung store natin. Marly, text na lang kayo kung saan kayo banda." sabi ko. May practice kasi sila Stephen ng basketball. Umalis na nga ako at nagpunta na sa store na minamanage naming mga officers. Nung nasa harap na ako ng store nakita ko sa loob yung assistant secretary, si Pres., at si Jake.

"ohh, Milli andyan ka na pala." pagsasabi ng Ass. sec. nung napansin ako. "Hi." pagbati ko sa kanila at tyaka kumaway. Pumunta naman ako sa counter at kinuha yung sales book ng store at yung cash na andoon. Tyaka ako pumunta sa maliit na office na andoon. Nagcocompute ako ng biglang umupo sa harap ko si Jake. "ohh, may kailangan ka?" pagtatanong ko sa kaniya. "Wala naman. Namiss lang kasi kita. Masama bang titigan ka?" aniya. Napangiti naman ako. "oo, masama. Hindi ako makaconcentrate sa ginagawa ko kaya doon ka muna, please." pagsagot ko kay Jake. Napachuckle naman si Jake at inalis na ang tingin sa akin pero nakaupo pa rin siya sa harap ko. Pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko ng naalala ko yung birthday ni April. "Jake, sa sunday pala birthday celebration ni April, punta ka ahh. Sinabi niyang ako na daw maginvite sayo. " sabi ko kay Jake. Napatingin naman sa akin si Jake. "Sorry Milli, hindi ako makakapunta. May interfellowship sa sunday." sagot ni Jake. "Sa morning naman yung interfellowship niyo, mga late lunch yung celebration kila April." Sabi ko kay Jake. "Alam mo naman na hindi ako makaka alis agad. Alam mo naman kung sino mga kasama ko doon sa church di ba. Tyaka kapag umalis man ako sa church magtatanong mga kapatid ko kung saan ako pupunta. Bantay sarado ako." sagot ni Jake sa akin. Tumahimik na lang ako at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko. Hindi ko na siya pipilitin kasi alam ko na hindi ko siya mapipilit. Lagi namang ganun eh. Alam ko na ang result nang paguusap naming ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon