03

9 1 0
                                    

"Oh my gosh Faith Dominique gumising ka at mag-usap tayo!"

Nagising ako sa lakas ng boses ni Tanya. I reach for my phone and check the time.

7:05 a.m.

Ang aga pa! Ngayon nagsisisi na ko kung bakit ko sa kaniya sinabi kung ano 'yung passcode ng condo ko.

"You should have just called me," sabi ko sabay takip ng unan sa mukha ko. Hindi ako masyadong nakatulog dahil kay Mama. Parang naririnig ko pa rin 'yung boses niya. Geez, nakakakilabot.

"Ano tong nabalitaan ko na mag-aact ka na? I know how much you hate your mom controlling you. What did she do this time?"

Napatigil ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. I don't want her to know.

So I finally answered, "Nothing."

Bumangon na ko. I went to the bathroom to wash my face and brush my teeth.

"Gusto mo talaga mag-law diba?" tanong ko habang nasa cr ako.

"Yup! May school na rin ako!! Buti na lang talaga pumasa ako," rinig kong sabi niya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong masaya siya.

As long as she's happy, okay na ko run.

When I came back, she's looking at me intently, watching my every move.

"What?" tanong ko.

"You. You're acting weird. What happened nga?" she asked again.

"She promised that she won't bother me as soon as we finish filming the movie."

Ayun lang ang sinabi ko. 'Yun lang naman ang dapat niya malaman. Hindi naman ako nagsisinungaling. Totoo namang pinangako nya 'yun kahapon.

It's part of her game.

Tinignan niya ko maigi bago tumango.

"Hmm fine. Since next week pa start ng shoot niyo, samahan mo muna ko. I have to meet my friend, mabilis lang promise! Then we can eat whatever you like, my treat," sabi niya.

Nagtaka ko kung bakit niya alam na next week pa start ng shoot pero hindi ko na tinanong. Baka magbago 'yung mood at hindi na ko ilibre.

"Wag ka na magpalit! Anong oras na!"

Dahil nga nagmamadali siya, I settled on wearing white sweatshirt and maong shorts. I just tied my hair into messy bun.

Pagkababa ko andun na siya sa lobby naghihintay.

"Buti hindi mo naisipang magmake up!" bungad niya pero maya-maya rin inabot niya sa'kin 'yung tint niya. Kailangan ko raw 'yun mamaya sabi niya.

"Babe ikaw na magdrive, turo ko na lang kung saan," sabi niya. Gagang to! Gagawin pa kong driver niya.

"Nasan ba kotse mo señorita?"

"Coding."

Napailing na lang ako. Papunta na kaming Makati kasi andun daw 'yung friend niya. Hindi niya pa rin sinasabi kung sino.

"Change of plans, bili muna tayo food. What do you want?" tanong niya habang may tinatype sa phone.

"I don't know. Hindi pa naman ako gutom."

"Ok, pizza then," sabi niya.

After namin umorder ng pizza, dumiretso na kami doon sa "friend" na sinasabi ni Tanya. Nagtaka ako kung bakit huminto kami sa isang building. Hindi naman siya mukhang condo or apartment. Mukha siyang studio.

Nagulat ako nang makita 'yung taong nag-aabang sa'min.

"JOOOSSSHHHH!!" sigaw ni Tanya. Oh shit.

Bumaba na kami sa sasakyan. Naunang lumapit si Tanya sa kaniya at yumakap pa 'yung gaga. Nakakahiya.

Ngumiti si Josh at niyakap siya pabalik. Nang makita niya ko ngumiti siya. Inabot ko 'yung pizza na bili ni Tanya para sa kanila.

"Buti hindi kayo naligaw. Si Ken laging naliligaw eh," tumawa siya.

Tinignan ako ni Tanya at ngumiti siya pang-asar. "Nasaan pala sila?" tanong niya.

"Ah nasa loob, nagpapractice. Pasok kayo, sorry if magulo 'yung studio ah. Hectic kasi 'yung schedule hindi na kami makapaglinis. Thank you pala dito," turo niya sa pizza.

"Nag-abala pa kayo," dagdag niya. Sinundan namin siya hanggang sa huminto siya sa isang room. May mga staff sa labas na nakatingin sa'min.

"Sila 'yung kasama natin sa outreach program," sabi ni Josh. Natuwa ako na hindi niya kami pinakilala bilang kamag-anak ng mga Vizcarra.

"Good morning po!" bati namin. Ngumiti sila at binati rin kami. Buti na lang umalis na sila kahapon nung sumigaw ako. Baka matandaan nila ko bilang teenager na may mommy issues.

Pagkapasok namin sa room, sumalubong sa'min 'yung malakas na tugtog ng kanta nilang Go Up. Tanda ko, isa 'yun sa pinerform nila kahapon.

Napatigil sila sa pagsasayaw nang mapansin kami. Hininaan ni Sejun 'yung tugtog bago sila sabay-sabay na lumapit sa'min.

"Hi, we brought pizza," sabi ni Tanya.

"Hala! Nakakahiya naman. Tapos ang gulo pa ng studio," sabi ni Stell. Tumingin siya sakin, "Faith? Faith diba? 'Yung magiging kalove team ni Ken sa movie?"

Alanganin akong ngumiti, "Uh oo"

Ngumiti si Sejun sa'kin, "Nice, goodluck!"

Kinabahan tuloy ako.

Kumakain na kami ng pizza at dinadaldal sila ni Tanya. Tahimik lang akong nakikinig sa mga usapan nila. Tahimik din yung katabi ko. Bakit siya 'yung katabi ko? Well, ask Tanya.

Sinilip ko kung anong ginagawa niya, nanoood pala ng One Piece sa phone niya.

Nagulat ako nang ilapit niya 'yung phone niya para makanood ako. Nasa gitna na namin 'yun. Magsasalita sana ko pero tahimik siyang nanonood. Kaya nanood na lang ako kahit ang lakas na ng tibok ng puso ko dahil ang lapit niya sa'kin.

Sabi ko lalayuan ko siya eh!

Napansin kong biglang tumahimik kaya tinignan ko kung ano nangyari. Sabay kaming tumingin ni Ken sa kanila. Nagsisi ako na tumingin pa kasi lahat sila nakatingin sa'min.

"Bakit?" tanong ni Ken sa kanila.

Inabot ko 'yung tubig at uminom don. Kinakabahan. Wala naman kaming ginagawa pero bakit ganiyan sila makatingin?!

"Sweet," biglang sabi ni Tanya kaya napaubo ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Malisyosa.

"Gusto ko ng sweet! May candy ba kayo dyan?" sabi niya nang natatawa.

"Ay wait meron dito," sabi ni Josh at lumapit sa'min ni Ken.

Dumaan siya sa gitna namin at kinuha 'yung candy. Inabot niya yun kay Tanya tapos sabay silang tumawa. Bagay nga sila.

Natatawang kumuha si Justin ng pizza.

"Pangarap ko ang ibigin ka~" kanta naman ni Stell. Si Sejun tumingin sa'min at ngumiti bago tumayo para magpractice.

Feeling ko pulang-pula na 'yung mukha ko. Bwiset na Tanya sinama pa ko.

Tinago na ni Ken 'yung phone niya at inis na tumayo. Akala ko pupunta siya kay Sejun para magpractice pero hindi.

He walked straight to the door, leaving us without saying anything.

"Ay nagalit," rinig kong bulong ni Tanya kay Josh.

Umiling lang si Josh. "Mood swings lang yan. Mamaya o bukas makakausap mo na yan ng matino."

I doubt it.

Tama nga ko, para lang siyang si Mave.

Followed By MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon